chapter 153

141 15 9
                                    


"F-fine, pero bago iyon kailangan ko munang mag paalam kay t-tristan at kuya, ang alam nila doon ako didiretso sa bahay." Natigilan si sakuragi habang nakatingin ng deretso sa mga mata ni aki, ilang saglit pa'y tumango ito.

Hindi inaasahan ni aki ang magiging reaction nito, akala niya'y magseselos ito, nakaramdam ng konting pagkadismaya si aki dahil wala man lang itong tinanong tungkol sa pagkakakilalan ng lalaki.

"Okay." Tanging na sagot ni sakuragi bago tumayo ng tuwid at tinungo ang anak nilang tahimik na nakaupo sa sofa. Nag mamasid lamang ito sa paligid habang may seryosong expression sa mukha.

Napatingin si saki kay sakuragi nang makitang papalapit ito sa pwesto niya, hinead to foot pa siya nito na hustong kina amaze ni sakuragi. Kuhang kuha ng anak niya ang attitude na meron siya.

Umupo si sakuragi sa single sofa habang nakikipag titigan sa anak nito.

'carbon copy' tanging na isip ni sakuragi ng pagmasdan niya nang maigi ang anak.

"Bakit ka nakatingin sakin nang ganyan, mr.?" Takang tanong ng bata na may masungit na expression. Umiling si sakuragi bago natawa ng mahina.

'ang kasungitan nag mana naman sa ina.' muling natawa si sakuragi sa naisip kaya nagulat na lamang siya ng makalapit na si saki sa pwesto niya at sinuntok siya sa braso.

"Bakit ka po ba nangingiti dyan? Are you understimating me?" Naitikom ni sakuragi ang bibig, upang maiwasang hindi mapangiti pang muli.

'kahit ang suntok nito, kakaiba, malakas na.. hindi talaga mapagkakailang anak ko ito.' tila proud na saad ni sakuragi sa sarili bago hinawakan sa ulo ang anak.

"Kilala mo ba ako?" Unang katagang lumabas sa bibig ni sakuragi at pinakatitigan ang expression ng anak ng mabago ito.

"Hindi po, sino ka po ba?" Kumirot ang puso ni sakuragi ng sabihin iyon ni saki sa harapan niya. Nakita iyon ni aki kaya nakaramdam siya ng lungkot, kasalanan niya kung bakit nararamdaman ito ngayon ni sakuragi ngunit hindi niya na mababago pa ang tapos na.

"Wala bang naikwento ang mommy mo sayo?" Tanong muli ni sakuragi kay saki, tumingin si saki kay aki bago muling tumingin kay sakuragi.

"Wala po," hindi na muling nagtanong si sakuragi, pinilit niya na lamang ngumiti sa harapan ng anak bago ito hinila para mayakap.

Nang mayakap niya ito'y doon lamang bumagsak ang luha sa kanyang mga mata. Napayakap naman ang maliliit na kamay ni saki sa likod ng ama, nagulat si sakuragi doon kaya mas lalong nakaramdam siya ng pangingirot sa kanyang puso.

"Pero.. a-ang tanging alam ko lang po, kayo ang d-daddy ko." Nanigas ang buong katawan ni sakuragi sa gulat dahil sa narinig mula sa sinabi ng anak.

"A-ano ang sabi mo anak?" Muling ani sakuragi kay saki, nang tignan niya ito'y umiiyak na rin ito habang nakatingin sakanya. Ang maliit nitong kamay ay hinihaplos sa pisngi ni sakuragi.

"N-nakita ko na po kayo sa picture daddy, l-lagi po kayong ikini'kwento ni grandma akira sakin, kung gaano niyo kami kamahal a-at kung gaano mo pinapahalagahan ang mga taong mahal niyo. P-pag wala si mommy para pumasok sa pag aaral at work, si grandma palagi ang nagkekwento sakin nang tungkol sainyo. Ni isang kwento po doon ni grandma hindi ko kinalimutan kasi gusto ko pong makilala kayo." Pagkwento ni saki, napahagulhol si sakuragi at muling hinila ang anak para mayakap ito nang mahigpit.

"H-hindi ko alam anak, i-im sorry kung iniwan at pinabayaan ko kayo." Iyak na saad ni sakuragi habang yakap yakap ang anak ng mahigpit.

"H-hindi po daddy, s-sorry din po kanina kung nag sinungaling ako na hindi kita k-kilala. G-gusto ko lang po makita kung ano ang gagawin niyo sa oras na mag sinungaling ako, p-pero nung makita ko kung gaano kayo nasaktan at nagsisisi.. sinabi ko na po sa inyo."natawa si sakuragi sa sinabi nang anak bago hinalik halikan ang ulo nito.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now