chapter 94

109 8 2
                                    

At dahil nanalo nga ang okaido laban sa shoyo nagkaroon ng party para sa kanila na mismong ang ama ni aki ang gumastos sa lahat. Tuwang tuwa ang lahat sa tagumpay nila kaya hanggang sa makauwi sila ay iyon parin ang bukang bibig nila, ang ibang players ay nasa venue na kung saan dinadaos ang party.

Nag imbenta rin ang mga okaido ng kani kanilang pamilya at mga kaibigan para makisalo.


Habang masayang nagkekwentuhan ang ibang myembro ng okaido team, may isang taong hindi masaya dahil sa biglaang pagkawala ng mood nito.


Napansin iyon ni rukawa pero di naman ito nangahas na kausapin dahil baka gusto lang nitong mapag isa. Subalit kapansin pansin talaga ang blangko nitong mukha kaya ang ibang napapatingin dito ay napapaiwas at umaalis.


"May problema ka ba aki? Kanina pa kita napapansin na wala sa mood," pagsasalitang saad ni rukawa kay aki na tila natauhan.


"Ha? Wala, ayos lang naman ako.." pekeng ngiting sagot nito, subalit di inalis ni rukawa ang titig kay aki na ngayon ay palinga linga sa bawat paligid.


"Siya ba ang hinahanap mo? Kanina nakita ko siyang lumabas kanina." Maliit na napatango si aki sa sinabi ni rukawa, kabakas bakas ang pag daan ng lungkot sa mga mata nito.


Bumuntong hininga si rukawa bago tumingin sa mga taong nagkakatuwaan. May ilan kasing nag sasayaw na sa gitna at ang ilan naman ay nagkekwentuhan lamang sa kani kanilang table.



"Alam ko na may nangyaring di maganda sainyong dalawa, iyon ba ang dahilan kung bakit di kayo nagkakausap ngayon?" Tanong ni rukawa



Ilang minutong hindi nakapag salita si aki sa tinanong ni rukawa, subalit hindi naman nito maitatago pa ang bagay na iyon.


"Ikinasama marahil ni sakuragi iyong sinabi ko sakanya 'nung nag lalaro tayo, hindi ko naman sinasadyang sabihin iyon. Bilang manager niyo kailangan ko rin maging strict sainyo, pero naguguilty ako sa mga nasabi ko sakanya." Anas ni aki na naiintindihan naman ni rukawa, narinig din kasi nito ang mga sinabi ni aki kay sakuragi.



"Narinig ko iyon, pero iyon ay dahil gusto mo lang mapabuti ang laro naming lahat kaya mo nasabi iyon, pero si sakuragi alam mo rin namang hindi niya hahayaan na matalo tayo diba?" Doon natahimik si aki dahil nakalimutan niyang si sakuragi nga pala iyong taong kailanman ay di nag patalo sa kahit na sino.



"Dinamdam niya marahil iyong sinabi mo sakanya, baka iniisip non wala kang tiwala sakanya kaya mo na sabi ang mga iyon." Mas lalong nakaramdam ng guilt si aki sa mga nasabi ni rukawa, kaya imbes na gumaan ang pakiramdam ay nalungkot lamang siya.


"Hindi ko na alam kung paano ko siya kakausapin ngayon, mukhang galit na galit kasi siya." Mahina ang boses na saad ni aki, tinap naman ni rukawa ang balikat nito bago mahinang tumawa.



"Kasalanan mo yan, di ka kasi nag tiwala sa boyfriend mo e." Napasimangot si aki sa sinabi ni rukawa kaya inis niya itong pinalo sa braso na kina'ilag at tawa ni rukawa.



Napatingin tuloy iyong iba sa kanila, mas lalo na kay rukawa na bibihira lamang makitaan ng emosyon ngunit ngayon ay nakatawa pa.


Nagulat nalang ang lahat ng makita nilang masamang nakatitig si sakuragi sa dalawa mula sa bukana ng pintuan, nangilabutan ang mga nakakita sa madilim na aura ni sakuragi.



"Bakit parang lumamig bigla?" Anas ni rukawa na kinatawa ni aki, dahil hindi naman nilalamig si aki.


"Baka may yumayakap sayo ng hindi mo alam." Natatawang pananakot ni aki kay rukawa, naging blangko naman expression ni rukawa at pagkaraan ay ngumisi.



"Nasa tabi mo!" Paggulat na sabi ni rukawa dahilan para mapatili si aki at kapit sa braso ni rukawa.

Tawang tawa naman si rukawa sa expression ni aki at dahil doon hindi na nagawa pang panuorin ni sakuragi ang dalawa dahil lumapit na siya dito.



"Mukhang nagkakatuwaan kayong dalawa." Malamig at walang kabuhay buhay na ani sakuragi na binigyan ng masamang tingin si rukawa.


Napatingin si aki kay sakuragi ng may gulat bago inalis ang pagkakahawak sa braso ni rukawa, nawala naman ang ngiti ni rukawa sa sinabi ni sakuragi bago napalitan ng blangkong expression.



"Pinasaya ko lang, iyong nobyo kasi na dapat kasama ni aki nagtatampo pa kaya sinamahan ko na muna." Rason ni rukawa na nakikipag titigan kay sakuragi



"Tsk! Stay away from her rukawa, akin lang si aki." Matigas na tugon ni sakuragi na kinangisi ni rukawa.


"As if namang agawin ko siya sayo, wala akong gusto sa girlfriend mo. Siguro." Nagulat si aki sa pahabol ni rukawa at maging si sakuragi ay di nagustuhan ang pahabol na saad nito.



"I'm warning you, rukawa. Lumayo ka sakanya." Nagkibit balikat na lamang si rukawa bago tinignan si aki na may ngisi sabay kindat dito bago umalis.



Ang dalawa naman ay naiwan na tahimik, aalis na sana si aki para sana umiwas dahil naalala niyang galit parin pala ito sakanya.



"What was that, aki? Bakit kayo magkasama ni rukawa?" Pagpigil ni sakuragi kay aki sa braso nito para hindi ito makaalis.



"Wala kaming ginagawang masama, sakuragi. Lumapit lang siya sakin nung nakita niya akong mag isa dito kanina, hinahanap kasi kita pero wala ka. Si rukawa ang nakapag sabi na lumabas ka raw." Anas ni aki na tinitignan sa mga mata si sakuragi.


"Bakit may pahawak ka sa braso niya?" Tanong pa ni sakuragi, napanguso si aki sa tanong ni sakuragi bago nailing.


"Tinakot niya ako kaya sa gulat na pahawak ako sa braso niya, sorry na.. di ko naman sinasadya e." Paghihinging sorry ni aki subalit di parin makumbinsi si sakuragi dahil sa blangko nitong expression.



"Tsk! Sana lumabas ka kanina at pinuntahan ako, hindi iyong makikita ko na iyong girlfriend ko nakikipag landian sa kaibigan ko p--."


*Paak*


Nagulat ang lahat ng marinig ang malakas na sampal na iyon kay sakuragi, maging si rukawa ay nagulat din.


"Grabe ka naman magsalita sakin sakuragi, bakit mo nasasabing nakikipag landian ako sa kaibigan mo kung alam mo namang ikaw lang iyong Mahal ko. Oo, mali ko rin dahil nakikipag tawanan ako sa kanya. Pero bakit kailangan mo pang sabihin iyon sakin ha?" Sigaw ni aki na nakapag papukaw ng atensyon ng ilang bisita.



"A-aki, s-sorry I didn't mean to say that.. inis lang talaga ako sa nakita ko kaya ko nasabi iyon sayo, sorry a-aki." Kanda utal na saad ni sakuragi.



"Naguguilty ako sa sinabi ko sayo kanina kaya ako nag iisa kanina dito, gusto ko kasing humingi ng tawad sayo dahil hindi kita pinagkatiwalaan. Nakakainis ka," anas ni aki bago tumalikod at iniwan si sakuragi na napapahilamos na lamang sa kanyang mukha.


"Geez, men! You screwed up, di ko akalaing masasabi iyon sakanya." Naiiling na saad ni takasugi bago umalis .

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon