chapter 19

287 33 22
                                    

"Kakarating ko lang din dito, eh bat kayo nandito? Pinapanuod niyo ba si sakuragi?" Tanong ni kyota kila fujima at hanagata

napatingin naman ang dalawa sa direksyon ni sakuragi bago nag salita

"Oo, nabalitaan kasi namin ang pag alis niya. At balak din sana naming pumunta sa shohoku para sa practice na gagawin namin. Kaso napadaan kami dito at naabutan ang nakakakilabot na galaw ni sakuragi." Anas ni hanagata na mas lalong nag umapaw ang kasabikan na makalaban muli sakuragi.

ito kasi talaga ang tinaguriang rival ni hanagata, sa pagiging baguhan to pagiging mas magaling sa lahat. Hindi niya pa masabi kong hanggang saan ang kakayahan ni sakuragi ngunit kapansin pansin talaga ang kakaibang kilos nito kumpara noong nagkaharap sila.


"Ibabalita ko nga ito kay maki e. Sigurado akong matutuwa iyon kapag nalaman niyang ang pinakahihintay niyang pagbabago ni sakuragi ay nangyari na. Sige kita kita nalang tayo sa laban. " Saad ni kyota sa dalawa.




"Sige, kyota." Saad naman ni fujima at muling nanuod sa laban na nangyayari.


-


Sa kabilang dako naman, nang matapos nga ang laban sa pagitan ni sakuragi at kyoushi ay agad din namang umalis sila sakuragi, rukawa at aki. Hindi nagiimikan ang dalawang nasa likod ni sakuragi, nakikiramdam kasi silang dalawa dahil kakaiba na naman ang timpla ni sakuragi.



"Anong ginagawa mo dito aki? Di'ba dapat nakauwi kana sainyo?" Malamig ang boses na saad ni sakuragi na nag bigay kilabot naman kay aki.


Napalunok ito bago napanguso, dinunggol pa nito si rukawa sa braso para tulungan siya sa pag explain ngunit tila bingi si rukawa dahil nakatingin ito sa malayo.



"At ikaw naman, bakit kasama mo sila sendoh kanina?" Sabay baling ni sakuragi kay rukawa na masama naman ang tingin sakanya.




"Tss. Hindi porket kaibigan na ang turing ko sayo ay gagantuhin mo na ako, pwes wag kang umasa gunggong." Saad ni rukawa sabay alis nito at mabilis na naglakad palayo.



'Sira kang talaga rukawa, mag eexcuse ka nalang sinarili mo pa. Iniwan mo ako dito kay sakuragi.' Mangingiyak na bulong ni aki sakanyang sarili bago tinignan si sakuragi na nakatingin pala sakanya.


Napatayo siya ng tuwid dahil doon, si sakuragi naman ay lumapit sakanya kaya napapikit nalang si aki dahil sa kaba.


Napabuntong hininga nalang si sakuragi ng malalim bago dahan dahang hinaplos ang panga ni aki, bakas  ang pamumula doon iyon ay marahil sa pag hawak ni mitsui kay aki kanina.



"Sino gumawa nito sayo? Hmm?" Kumalabog naman sa kaba ang puso ni aki ng marinig ang malambing na pagtatanong ni sakuragi.


Tila may humaplos sakanyang puso dahil sa lamyos ng pagkakasabi nito.



"Ayos lang naman ako, nadapa ako kanina ng hinahanap kita." Hindi nalang sinabi ni aki ang nangyari dahil baka mas lalo lang lumala ang galit ni sakuragi kay mitsui o maging sa team ng shohoku.


Kahit papano ay may pinagsamahan parin ang team nila at hindi rin mabubura ng tatlong buwan ang pinagsamahan nila sa loob ng isang taon bilang teammates.



"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo aki, palagi mo nalang akong pinag aalala sa mga bagay na ginagawa mo. Pwede ba, wag ka naman kumilos ng basta basta? Paano nalang kung wala ako kanina, edi nasampal kanang kyoushi na yon?" Hindi mapigilan ni aki ang maluha dahil sa nakikitang pag aalala ni sakuragi sakanya at dahil din sa ginagawang ito ni sakuragi nag kakaroon siya ng dahilan para mas mahalin pa ito ng malalim.





The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now