chapter 146

92 13 4
                                    


Continuation...


       After two weeks, natapos na rin ang issue kay sakuragi sa tulong na rin ng lolo nito. Wala na rin masyadong nag uusap usap tungkol sa insidenteng iyon, sa dalawang linggong nagdaan naipaliwanag naman ni sakuragi kay aki ang dahilan kung bakit hindi siya nakakadalaw sa bahay nila ng kanyang ina.



Bumalik na rin si rukawa sa kanagawa upang mag aral, naging maayos naman ang dalawang linggong iyon kahit na maraming gustong paalisin si sakuragi sa school dahil sa issue nito.



"Sir? Nakahanda na ang breakfast niyo." Saad ni butler lee kay sakuragi ng kakababa palang nito.



Tumango si sakuragi bago hinanap ang lolo, ngunit hindi niya ito nakita sa sala kaya hinarap niya si butler lee na mukhang naiintindihan naman agad nito ang kanyang gustong itanong.



"Maaga ho'ng umalis si don fermin patungong kompanya dahil marami itong aayusin at kakausapin ang ilang board member regardless in the current situation of the company." Saad ni butler lee



"Bakit may problema ba sa kompanya ni lolo?" Takang tanong ni sakuragi habang patungo ng dining area, tumikhim si lee ng tanungin iyon ni sakuragi.



"Hindi naman po ganon kalaki iyong problema." Magalang na sagot nito kay sakuragi



"So, may problema nga? Ano naman iyon?" Tanong muli ni sakuragi sa seryosong boses


"Ah sir, malalagot ako sa lolo niyo sa oras na malaman niyang alam niyo ang nangyayari sakanya ngayon. Ayaw niya kayong mag alala pa." Tumaas ang kanang kilay ni sakuragi at pagkuwa'y kumunot ang noo.

"Sa mga sinasabi mo palang ngayon, mukhang malaki ang pino'problema ng lolo ngayon. Sabihin mo na hanggat kaya ko pang mag timpi." Gigil na saad ni sakuragi bago tinigil ang pagkuha ng pagkain..



"O-okay sir.., ang sabi ho kasi ng secretary ni don fermin kahapon, mayroon daw pumupuslit ng malaking pera mula sa kompanya at mahigit one hundred million din ho ang nakuha. Nakausap na rin ang CFO ang sabi wala naman raw siyang kinalaman doon." Paglalahad ni Butler lee ng detalye


"CFO?" Kunot noong tanong ni sakuragi, tumango si lee sakanya.



"Yes sir, chief financial officer o treasurer ng kompanya."



"Matagal na bang problema ito ni lolo? Kailan pa ba nag simula ang pamumuslit ng pera sa kompanya?" Tanong ni sakuragi kay lee


"Nitong nakaraang linggo lang din sir, kaya ho madalas wala dito sa bahay si don fermin dahil iyon ang inaasikaso niya." Tumango si sakuragi at ilang saglit na natahimik hanggang sa...


"Kung ang CFO ang humahawak ng lahat financial sa kompanya, dapat may mga receipt Diba? Lahat dumadaan sakanya para malaman kung may problema ang kompanya? Pero kung wala siyang alam sa nawawalang pera at kahapon niyo lang nalaman na nawalan kayo nakakapag hinala Diba?" Tila napaisip si butler lee sa sinabi ni sakuragi.



"Oo nga no sir, imposibleng wala siyang alam sa lahat ng nangyayari sa kompanya dahil sakanya naman idini'deretso ang profits bago mapirmahan ng lolo niyo bilang CEO o chief executive officer ng kompanya." Paglalahad ni lee



"Sabihin mo kay lolo na paimbestigahan niya ang CFO nila, maging iyong bank account nito alamin kung may pumapasok ba na pera this past few weeks. Imposible rin na hindi alam ni lolo na wala itong kinalaman sa perang nawawala, kilala ko si lolo, nagsisimula palang gumawa ng plano ang kalaban, meron na agad siyang solusyon." Punong puno ng paghangang saad ni sakuragi sa kanyang lolo fermin na kasalukuyang nakikinig na pala mula sa bukana ng dining area, umuwi din ito dahil natapos niya ng mas maaga ang problema dahil nahuli na kung sino ang gumawa sa pag nanakaw sa kompanya.


"I'm so proud of you apo, hindi ko akalain na interesado ka pala sa pamamalakad ng kompanya natin. Napabilib mo ako dahil inilahad lamang ni lee ang ilang detalye na problema ng kompanya pero nalaman mo na agad ang butas sa lahat ng nangyari." Napatingin si sakuragi sa lolo niya ng hindi na nagulat.



"Lo, wala akong balak mag take over ng company, gusto kong gumawa ng sariling business kasama ang nobya ko." Saad ni sakuragi na kinabuntong hininga naman ni don fermin


"Apo, walang ibang magmamana ng kompanya kundi ikaw lamang, ikaw lang ang nag iisa kung kadugo at apo kaya wag mo naman sanang tanggihan." Ani don fermin kay sakuragi


"Pag iisipan ko lolo, pero hanggat nag aaral pa ako gusto ko sanang mag enjoy muna hanggat bata pa ako. Ayokong tumanggap ng responsibilidad na hindi ko pa lubos na nauunawaan ang lahat. Tsaka lolo, two weeks ko na pong hindi nadadalaw ang nobya, baka pwedeng puntahan ko siya." Pakiusap na anas ni sakuragi kay Don fermin na tumango naman sa gusto ng apo


"Salamat lolo." Masayang sabi ni sakuragi

Nang makaalis si sakuragi tinignan ni don fermin si butler lee


"Ginagawa mo parin ba ang iniuutos ko sayo?" Tanong ni don fermin kay lee


"Opo sir, naiintindihan naman ho ng nobya ni señorito sakuragi ang sitwasyon.. okay na rin po ang kalagayan nila at ang baby, sa ngayon ho may ipinadala na si yoichi sa bahay nila." Tumango si don fermin sa sinabi lee bago ito nginitian.


"Salamat sa tulong lee, maaasahan ka talaga." Nakangiting saad ni don fermin

"Wala ho iyon, malaki na rin ho ang naitulong niyo sakin magmula pa noon." Nakangiting saad ni lee sakanyang amo.


"Para ka na rin pamilya ko lee, wag mo nang pakaisipin pa ang bagay na iyon. Sige, magpapahinga na ako ihatid mo nalang ang apo ko sa nobya niya mamaya." Tumango si lee kay Don fermin bago yumukod nang mag simula ng maglakad di don fermin palayo.


Pagkababa mula sa hagdanan si sakuragi nakita niya pa ang lolo niya na mukhang pagod na pagod kaya nilapitan niya ito.


"Lolo!" Tawag ni sakuragi sa lolo niya


"Bakit apo?" Tanong ni don fermin dito


"May masakit ba sayo? Bakit parang ang tamlay niyo?" Nag aalalang tanong ni sakuragi sa lolo nito, umiling si don fermin kay sakuragi bago ito tinapik sa braso.


"Ayos lang ako apo, walang sakit ang makakatalo sa lolo mo. Hihintayin ko pang maikasal ang apo ko bago ako mamaalam sa mundo." Pagbibirong saad nito sabay tawa, subalit hindi iyon ikinatuwa ni sakuragi.


"Lo, alam ko na may nararamdaman kayo.. matanda na kayo at hindi na kayo bumabata, alam ko rin kung bakit palagi kayong stress, dahil iyon sa kompanya Diba? Kaya napag isipan ko na habang nag aaral ako, pag aaralan ko rin ang pasikot sikot ng kompanya natin." Sinserong saad ni sakuragi sa lolo na maluha luhang nakatingin sakanya.



"Salamat apo, sobrang naaappreciate ko lahat ng ginagawa mo para sakin at sa kompanya natin." Nakangiting saad ng lolo ni sakuragi, ngumisi si sakuragi sa lolo nito bago nailing.


"Magdadrama pa ba tayo dito? Hindi ko namang hahayaan na mawala ka nalang ng basta sakin lolo, gusto ko pang ipakilala sayo ang girlfriend ko at anak ko. Ikaw pa mag babantay sa anak ko pag nag aaral ako." Pabirong saad ni sakuragi dito, malakas na natawa si don fermin sa sinabi ng apo bago ito pabirong sinuntok sa sikmura.



"Aray lolo, ang lakas lakas mong manuntok tapos nag papahina hina kayo. Magpahinga na po kayo, pag uwi ko tutulungan niyo pa po ako sa mga papers  kompanya." Saad ni sakuragi na ikinatango ni don fermin


"Mag iingat ka apo, wag kanang masasangkot sa gulo ha?" Tumango si sakuragi bago hinalikan sa noo ang lolo nito


"Love you lolo!" Saad ni sakuragi bago ito tinignan si lee at naglakad palabas ng main door ng mansyon.






*****
(A/n: bawi nalang po ako bukas ulit, medyo masama po pakiramdam ko dala ng sipon at ubo. Pahinga lang po ako, balik nalang pag medyo okay na. Salamat po

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon