chapter 25

293 36 8
                                    

"Ang bagal mo naman mag lakad? Pilay ka ba?" Nakasimangot na padaskol na saad ni rukawa kay sakuragi.

Inis naman siyang tinignan ni sakuragi, kinakabahan kasi si sakuragi na ngayon ay pupuntahan nila ang dating kateammates nila para kamustahin. Medyo nawala ang tapang niya dahil makikita niya ulit si coach anzai, tinagal na panahon ko na rin itong hindi nakikita ay namiss ko rin ito.



"Sa tingin mo nandyan na kaya si coach?" Tanong ni sakuragi, natahimik naman si rukawa bago napakibit balikat.




"aba malay ko, kasama mo'ko diba?" gustong saktan ni sakuragi si rukawa sa pagiging pilosopo nito. Nag ngingit ngit siya sa inis kaya aambahan niya na sana ito ng batok ng bigla namang bumukas ang pintuan sa kanang bahagi nila.



nagkatinginan pa sila ni miyagi na may gulat na expression. Nagulat pa sila o si sakuragi ng biglaan siyang dambahin ni miyagi ng yakap. Hustong nangilabot si sakuragi sa ginawa ni miyagi, ito kasi ang unang beses na makita itong masayang nakita siya.




"Sakuragi, kamusta kana?" Nakangiting tanong ni miyagi kay sakuragi, samantalang si sakuragi naman ay hindi na makapag salita dala ng pagkabigla sa ginawa ni miyagi.




"A-ayos lang naman miyagi, ikaw? Kayo kamusta?" Kanda utal na tanong ni sakuragi, bigla namang nalungkot si miyagi kaya napaiwas si sakuragi.




"Hindi na siya tulad ng dati na masaya at magulo, ngayon kasi puros kaseryosohan nalang ang nangyayari. Mas lalo na 'nung si mitsui na ang namamalakad. Si akagi kasi iwan ko doon, biglang nawalan ng gana pero mag lalaro parin naman siya samin." Pagkekwento na saad ni miyagi, medyo nakaramdam ng awa si sakuragi para sa dati niyang kateam.


hindi naman kasi talaga siya aalis sa team kung hindi lang dahil kay mitsui. Ayaw niya sakin sa shohoku kaya ako na ang nag adjust para sakanya, ayoko rin namang palalain pa ang sitwasyon kung pwede namang solusyunan.



"Andyan ba si coach anzai?" Tanong ni sakuragi, muling nawalan ng sigla si miyagi ng banggitin iyon ni sakuragi.



"Si coach, nasa hospital siya. Lubha kasing dinamdam niya ang pagkawala niyo ni rukawa. Hindi niya naisip na magkaka watak watak tayo dahil lang sa alitan." Tila kinurot ang puso ni sakuragi ng marinig iyon mula kay miyagi.




"k-kamusta naman siya ngayon?" Kanda utal na tanong ni sakuragi, nag aalala kasi talaga siya sa coach nila.



"Ayun, ang sabi nag papagaling na sa bahay nila. Sabi nga pala ni coach 'nung dumalaw kami, kung pwede ka raw makausap." Hindi na nag dalawang isip si sakuragi ay agad siyang napatango dito.




"Wag kang mag alala, ipapaalam ko kay coach na pumayag ka sa gusto niya." Nakangiting saad ni miyagi na tinap pa si sakuragi sa likod.



maya maya pa ay muling bumukas ang pintuan, iniluwa non si mitsui na bahagya pang nagulat at pagkaraan ay ngumisi ng makita ako.



"Tignan mo nga naman ang pagkakataon oh? Nilalapitan tayo ng lalampasuhin mamaya." Pagmamayabang na saad ni mitsui. Ngunit nawala naman ang emosyon ni sakuragi, binigyan niya pa ito ng matatalim na titig dahilan para mapaatras ito.




"Wag kang masyadong pakakasiguro sa mga sinasabi mo mitsui, dahil yang kayabangan mo ang siyang magpapabagsak din sayo." Saad ni sakuragi sa malamig na tono. Masamang masama niya na rin itong tinitignan dahil sa galit na rin na nararamdaman, dahil dito na dala si coach sa hospital.




"heh, kayabangan ko ang magpapatalo sakin? Asa! sabihin mo kamo ang kahinaan niyo ang makakapag panalo samin." Saad ni mitsui. Hindi nalang pinansin pa ito ni sakuragi at muling tinignan si miyagi.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now