chapter 124

102 12 6
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 124

*****Continuation of flashback/s*****

Magti'trenta minutos na yata ang nakakalipas mag mula ng makarating ang apat sa pinag tataguan ni sakuragi, walang umiimik sa mga ito kahit na napag usapan na nila kung sino ba ang unang magsasabi tungkol sa pinapasabi ni rukawa sa kanila.

Nagkatinginan pa si mito at takamiya habang panaka nakang nakatingin kay sakuragi na nakahiga mula sa duyan, kumuha pa ng maliit na bato si mito upang batuhin si takamiya ngunit umiling lamang ito.

"Kanina ko pa kayo napapansin ha? Ano bang problema niyo at ang tatahimik niyo dyan?" Pag putol ni sakuragi ng katahimikan, bahagya pang nagitla ang mga ito bago pekeng natawa.

"A-ahh! H-haha, meron sana kaming gustong sabihin sayo sakuragi." Saad ni takamiya na tinignan pa si mito upang ito naman ang mag salita at mag sabi.

"Tungkol naman saan?" Tanong ni sakuragi

"A-ano kasi, nakita namin si rukawa kanina, m-may sinabi ito tungkol sa kalagayan ni aki." Natigil sa pag sipa sa lupa si sakuragi dahilan upang matigil ang pag galaw ng duyan nito.


At pagkaraan ay tumikhim..

"Ano iyong pinag usapan niyo?" Tanong muli ni sakuragi

"Si a-aki raw, aalis na kasama ang ina nito patungong america, pero hindi iyon ang pinaka nakakagulat na sinabi ni rukawa samin kanina. Hindi rin namin alam if totoo bang sayo iyon." Saad ni noma, nakatanggap naman ito ng batok sa tatlo kaya napatingin na sakanya si sakuragi.

"Ano bang pinag sasabi niyo? Hindi niyo rin sigurado kung totoo? Ang alin? Putcha, ang daming paligoy." Gigil na saad ni sakuragi na sinamaan na silang lahat nang tingin.

"Eh! K-kasi, sabi ni rukawa samin si aki daw.." pag putol ulit ni takamiya kaya inis na tumayo si sakuragi at babatukan na sana ng....


"BUNTISSS si aki, at ikaw ang sinasabing ama ng dinadala niya." Napatigil sa ere ang kamay ni sakuragi ng marinig ang mga katagang iyon.

Unti unti ring nanlalaki ang mata niya ng marealize niya ang sinabi ng mga kaibigan niya. Halos mabuwal sa kinatatayuan si sakuragi, buti na lamang at nahawakan siya agad ni mito.

"The hell! So hindi pala panaginip ang nangyaring iyon sa amin? Totoong may nangyari samin?" Bulalas ni sakuragi habang natutulala parin at hindi makapaniwala sa narinig.

Dahan dahan din siyang napatingin sa mga kaibigan bago nailing.

"Tangina, sapakin niyo nga ako.. baka nananaginip lang ako kaya kung ano ano nalang ang naririnig ko." Nagulat si sakuragi at napadaing ng sapakin siya ni mito sa panga.

"Siraulo ka, ang sakit non ah! Gusto mong masaktan?" Galit na saad ni sakuragi, ngunit nginisihan lamang siya ni mito.

"Ganti ko yan sa pagsuntok mo sakin kahapon, bwesit ka! Hanggang ngayon nangingilo parin ang sugat ko." Giit ni mito na umirap pa kay sakuragi


"Tsk! Pero... Gago, totoo nga.. hindi ako nananaginip lang, totoong may anak na ako?" Malawak ang pag kakangiti ni sakuragi habang sinasabi ang mga iyon, maluha luha pa nga ito habang nakatingin sa kung saan.

"Nasaan daw si aki ngayon? Pupuntahan ko siya.." masiglang saad ni sakuragi na dali dali sa pagkilos.


"Nasa ōsaka ngayon si aki, iyon ang sabi ni rukawa samin kanina." Saad ni mito

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now