Chapter 69

156 21 5
                                    

Pagkapasok na pagkapasok palang ng bola ay agad na pinasa ni takasugi kay rukawa ang bola upang mabilis na maabante iyon sa gitna. Mahigpit kasing binabantay si sakuragi ni fujima kaya wala ng ibang nagawa pa si rukawa kundi ang patagalin sa kanya  ang bola hanggang sa makahanap ng butas upang mapasahan si sakuragi.

binabantayan siya ni minato na todo kong dumepensa sakanya, hanggang sa unti unti na namang nababago ang paraan ng pag didribble ni rukawa sa bola. Mahina na biglang bibilis sa pag didribble.


"Changing of pace huh?" Anas ni minato na tila proud pa sa nakitang ginawa ni rukawa. Hindi iyong pinansin ni rukawa bagkus ay pinag patuloy niya lang ang ginagawa niya. Hanggang sa mabilis na umatake siya mula sa pag babantay ni minato na kinadahilan upang mapaupo ito sa gulat. Hindi kasi nito inaasahan ang mabilis na pag atake sa kanya ng harap harapan kaya hindi agad ito nakaumang.



'putcha! Hindi ko inaasahan ang mabilis na pag atake niya sakin.' Anas ni minato sakanyang isipan habang tinulungan ang sariling makatayo.



nang makalusot nga si rukawa mula sa pag babantay ni minato ay agad siyang tumungo sa direksyon ni sakuragi, nagkatinginan ang dalawa bago muling nag dribble si rukawa patungo sa kanilang basket. Tinginan palang ng dalawa halatang meron na agad silang binabalak, nang malapit na si rukawa sa basket ay walang pasubali nitong ipinasa kay sakuragi ang bola dahil nandoon na si ezekiel at fujima na idinouble team siya. Napangisi ng palihim si sakuragi ng agaran niyang mabilis na idrinibble ang bola kasabay ng pag atras niya mula sa gilid ni ezekiel. Nagulat doon si ezekiel kaya napaatras ito kaya nakangising inatake muli ito ni sakuragi sabay sabing...




"Wala pa nga akong ginagawa kinakabahan kana agad, pano pa kaya kung ibalik ko sayo iyong ginawa mo kanina sakin." Ngising anas ni sakuragi na harap harapang umatake na ikinaatras muli ni ezekiel. Marami na namang mga audience ang napapaatungal dahil sa pakikipag laro pa ni sakuragi kay ezekiel.



"Heh, masyado kang mayabang." Inis na sabi naman ni ezekiel, halatang halata sa mukha nito ang sobrang inis na nararamdaman niya para dito.



"Dahil may ipag mamayabang, tss. Hindi pa ako tapos sayo dahil pahihirapan pa kita." Malamig at walang kabuhay buhay na titig ni sakuragi na mabilis na nag cross over pakaliwa at pakanan habang bino'ball handling ang bola mula sa gilid ni ezekiel na tila nang aasar kaya ng makitang napipikon na si ezekiel ay agad ng umatake si sakuragi sa harapan mismo ni ezekiel dahilan para mapaigik ito sa sakit dahil sa pag aankle break sakanya ni sakuragi. Napaupo siya at nakarinig na hiyawan dahil sa ginawang pag papahiya ni sakuragi  kay ezekiel.




Wala namang kaimik imik si fujima na nabigla din sa ginawa at narinig niyang sinabi ni sakuragi kanina. Tsk, masama niyang tinignan si ezekiel na nahihirapan parin na tumayo dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman.



Literal naman na napanganga ang kainan sa nakitang pag aankle break ni sakuragi kay ezekiel na isa rin sa mataas at may malaking pangangatawan, nangingilabutan at halos di pa rin sila makapaniwala sa mga nasaksihan.





"Napaka ganda ng pagkaka aankle break niya kay ezekiel." manghang saad ni nobunaga na nakatingin kay sakuragi.




"Hindi na talaga siya basta bastang manlalaro nalang, sa sobrang laki ng pinag bago niya pati ugali nito nagbago na rin." Anas ni maki na siguradong sigurado sa sinabi.




"Sa tingin ko dahil iyon sa mga pinag daanan niyang hirap 'nung mga panahong minamaliit siya ng mga tao. Naging daan iyon para sakanya para tuluyan siyang mag bago." Anas ni jin, natahimik naman sk maki sa narinig at unti unting narealize ang kanyang sinabi. Nakalimutan niyang marami pala itong pinag daan lahat sila saksi sa mga iyon, kung paano siya minamaliit at pinag mumukhang walang kwenta.




The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα