chapter 104

107 10 6
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 104:

***

Continuation...

***

Matapos kumain ang dalawa agad inaya ni sakuragi si aki sa labas ng bahay nila, kung saan may duyan na pwedeng pagpahingahan sa duyan mismo ni sakuragi nakita si aki na natutulog kanina.

Pagkaupo ng dalawa sa duyan, awkward sa pakiramdam nila dahil sa katahimikan isang buwan din kasi nang hindi sila mag usap o nagkita man lang kaya di nila alam kung saan mag sisimula sa pag uusap.

Tumikhim si sakuragi ng bahagya kaya kinabahan si aki ng husto, ramdam na ramdam niya ang dating pakiramdam kapag kasama niya si sakuragi, nag uumapaw sa saya kaya nag dudulot din iyon ng bahagyang pag kirot dahil sa labis na pag tibok.

"Naikwento sakin ni rukawa ang totoong dahilan kung bakit ka itinakwil ng iyong ama, sorry dahil sakin nagalit sayo ang papa mo." Paunang pahayag ni sakuragi dahil iyon agad ang sumagi sa isip niya, hindi rin naman siya interesado sa ibang bagay para iyon ang pag usapan nila.

Nakita ni sakuragi na umiling si aki, hawak nito ang kamay na bahagyang pinipisil pisil, wala namang pag aalinlangang kinuha iyon ni sakuragi mula sa lap nito. Siya na mismo ang humawak non at inilagay sa kanyang hita para ipatong.

"Wag kang kabahan aki, hindi naman ako mag rereact ng sobra kung alam kong nasa rason naman ang dahilan mo kung bakit nagawa mo iyon." Anas ni sakuragi na binibigyan si aki ng assurance.

"Matagal ko nang napapansin na ayaw talaga sayo ni daddy, na napipilitan lang siyang pakisamahan ka kasi mahal kita at sayo ako masaya, akala ko nung una magagawa niya rin na tanggapin ka para sakin. Pero.. nagkamali ako sa bagay na iyon, inakala ko na kapag nakita niyang masaya ako sayo, unti unti ka na niyang tatanggapin..." Huminto sa pag sasalita si aki at tinignan si sakuragi ng naiiyak.

"Hanggang sa malaman ko ang totoong rason niya kung bakit pilit ka niyang inilalayo sakin, balak niya akong ipakasal sa anak ng kasusyo niya sa trabaho. At alam mong hindi ako papayag sa bagay na iyon kaya nagalit ako sakanya, hindi ko siya maintindihan kung bakit pilit niya akong kino'kontrol sa mga gusto kung gawin, kaya siguro umalis si mama kasi sawa na siya sa ugali ni daddy." Anas ni aki na kinatahimik ni sakuragi, sumagi sa isipan nito ang sinabi nitong ipapakasal ito sa iba.

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang tama sa nangyayari sa atin ngayon? Pero gusto kong malaman mo ang totoo kung nararamdaman, na Mahal kita at handa kitang ipaglaban sa iyong ama.. pero.." masaya si aki na ipaglalaban siya ni sakuragi sa ama niya subalit pakiramdam ni aki ay may agam agam parin ito.

"Pero?" Tanong ni aki nang matigil ito sa pag sasalita.

"Hindi parin ako iyong karapat dapat para sayo aki, Mahal kita pero wala pa akong kakayahan para gawin ang bagay na gusto ng iyong ama.. gusto ko kapag minahal mo ako nang buo at ipinakilala sa papa mo, gusto ko mayroon na akong napatunayan sa ama mo.." anas ni sakuragi sa seryosong boses, naluha si aki dahil alam na alam niya kung saan patungo ang usapang ito.

"Bata pa tayo aki, marami pang pwedeng mangyari.. marami pang pwedeng magbago, gusto ko iyong maipagmamalaki ako dahil may nagawa ako para sa sarili ko."


"Gets ko naman sakuragi, pero.. bakit hahantong sa ganito? Bakit parang sumusuko kana?" Umiiyak na tanong ni aki

Humarap si sakuragi kay aki at pinakatitigan ito sa mata, pinunasan nito ang pisngi nito gamit ang mga daliri bago hinalikan ito sa noo, ilong, pisngi at ang pang huli ay ang labi nito.

"Mahal na Mahal kita aki na handa akong gawin lahat para sayo, para lang mapatunayan sa papa mo na karapat dapat na ako para sayo. Gusto kitang ipaglaban aki dahil mahal kita, pero sa anong paraan? Sa pagmamahal ba? Hindi iyon sapat para buhayin tayong dalawa. Kung talagang tayo ang para sa isa't isa, mangyayari ang dapat mangyari."

"So, anong gusto mong mangyari ngayon?" Tanong ni aki na humihikbi

"Mag pokus na muna tayo sa pag aaral at sa sarili natin, gusto ko kasing baguhin ang sarili ko para sayo.." anas ni sakuragi na lalong kinaiyak ni aki ng todo

"Paano kung may mahanap ka na iba?" Tanong ni aki na nagpapahirap lalo kay sakuragi na iwan ito dahil sa naging desisyon niya.


"Isang beses lang tumitibok ang puso ko aki, ang malala pa non kinuha mo pa, kaya imposibleng magmamahal pa ako ng iba." Ani sakuragi nang nakangiti

"Mahal na Mahal din kita.. ikaw lang talaga, pakialam ko doon sa ipapakasal ni daddy saki." Maktol ni aki na kinatawa ni sakuragi

"Oo nga pala, naikwento rin sakin ni haruko ang lahat lahat na nangyari, nadala lang daw siya ng inggit kaya niya nagawang siraan tayong dalawa. Si... D-daddy, may kinalaman siya kung bakit nabulag si haruko sa maling desisyon na nagawa nito." Hindi na nagulat pa si sakuragi ng marinig ang sinabi nito tungkol sa pagkakasangkot ng ama nito sa nangyari sa insidenteng iyon.

"Hindi naman talaga ako galit kay haruko, gusto ko lang talaga umiwas kasi nahihiya ako kapag naalala ko iyong mga nasabi ko. Doon ko lang napatunayan na hindi parin pala sapat ang pagmamahal na ibinibigay ko sayo, kaso nagawa ko paring matukso sa pakiusap ni haruko sakin." Ngumiti si aki sa narinig mula kay sakuragi

Maya maya pa ay humikab si aki kaya tinignan siya ni sakuragi ng natatawa

"Inaantok ka na, tara na. Pumasok na tayo, anong oras na rin." Anas ni sakuragi na kinatango ni aki, sumunod na si aki kay sakuragi papasok sa bahay, actually nilalamig na talaga siya kanina pa pero pinipilit niya lang.

"Saan ka pala matutulog sakuragi?" Taming ni aki

"Sa kwarto ko." Anas ni sakuragi na kinaawang ng labi ni aki

"E-ehh! Saan ako matutulog kung ganon?" Tanong ni aki na nauutal, tumingin sakanya si sakuragi bago ngumisi

"Sa tabi ko." Namula ng husto si aki sa sinabi ni sakuragi kaya inis itong pinagpapalo, tawa naman ng tawa ang huli bago tumakbo paakyat.

"Siraulo ka talaga." Inis na sigaw ni aki kay sakuragi bago humabol dito paakyat.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now