chapter 90

128 10 2
                                    


The newest hanamichi sakuragi (cold hearted)

Chapter 90:

******

74-68

Lamang ang okaido ng anim na puntos bago matapos ang third quarter, muling nag simula ang laro kaya agad ng naghanda ang bawat koponan sa Laban nila.

"Wala nang magpapabaya, wag niyo nang hayaan na mahabol pa tayo ng shoyo." Ani tetsuya na seryosong tinitignan ang mga ito.

Tumango tango sila samantalang si sakuragi ay iba ang iniisip, napaka seryoso ng mukha nito kaya mas lalong nacurious ang apat sa iniisip nito.

Dinunggol naman ni rukawa si sakuragi sa balikat bago pinagtaasan ng kilay

"Baka gusto mong ibahagi kung ano ang nasa isip mo ngayon, kanina ka pa namin napapansin na tulala. Imbes na makinig ka sa sinasabi ni captain nakatulala ka dyan." Saad ni rukawa kay sakuragi na may galit na tono

"Wala akong iniisip, gusto ko nalang gawin ngayon is manalo tayo nang makauwi na." Sagot nito na ikinailing naman ni rukawa.

"May katamarang taglay ka rin no," panunuyang tukso ni rukawa bago inakbayan si sakuragi.

Nag simula na ang fourth quarter ng second half another 10 minutes bago matapos ang Laban nila. Hawak ng team okaido ang bola, this time si rukawa na ang nag papasok nito.

Pinagmamasdan lamang nito ng mabuti ang bawat kilos ng shoyo, habang dinidribble niya ang bola sa fast and slow pace na dribbling.

Hanggang simulan niya ng atakehin ang depensa ni minato, Nang makalusot si rukawa ay agad din naman siyang nabantayan ni eichi kaya napahinto sa pag sugod si rukawa.

Napakunot ang noo ni rukawa ng makitang naka man-to-man defense sila. Mahihirapan silang umepensa dahil sa ginagawang pagbabantay ng shoyo.

Walang choice si rukawa kundi gumawa ng paraan upang maipasa niya sa kahit na sinong kakampi nang hindi nasteal ang bola.

Nag fake cross over siya pakanan na sinundan naman ni eichi kaya nang gawin nito iyon ay pagkakataon naman ni rukawa para maipasa ang bola sa direksyon ni takasugi ngunit ganon nalang ang gulat nila ng masteal ito ni fujima.

"Nabasa ko na ang planong gagawin niyo," mabilis na Saad ni fujima na tumatakbo na ng mabilis patungo sa ring nila sabay tira ng easy lay up.

Okaido - 74
Shoyo - 70

'Mukhang seryoso na talaga si fujima sa ipinapakita niya,' punang saad ni rukawa sa sarili bago tinignan si sakuragi na nakatulala na naman.

"Uyy! Umayos ka nga, bat tulala ka na naman?" Nakakunot na tanong ni rukawa sa kaibigan

"Wala nga, may naisip lang.." Sagot ni sakuragi dito

"Wag mo ngang i'timing yang pag iisip mo sa oras ng laro natin alam mo namang importante ito sa atin diba?" Muling Anas ni rukawa kay sakuragi

"Tsk! Alam ko, hayaan mo na nga lang muna ako." Inis na pag sagot pa ni sakuragi bago iniwan si rukawa na naiiling nalang sa inasta ng kaibigan.

"Rukawa? Anong nangyari doon?" Tanong ni Tetsuya

"Hindi naman niya sinabi, captain. Hayaan nalang daw po natin siya." Sagot naman ni rukawa

"Ano na naman kaya planong gagawin niyan?" Pagtatanong habol ni takasugi kay rukawa nang makadaan ito sa gawi nito.


Tinignan naman siya ni rukawa na walang gana bago umirap dito.

"Kahit tanungin mo pa yan, wala rin iyan balak sumagot." Anas ni shintaro na tinignan pa si rukawa, alam kasi nilang wala rin itong kwentang kausap kapag si sakuragi na ang dahilan ng usapan.



"Sabi ko nga, Sana di nalang ako nag tanong.." Habol pa na saad ni takasugi


Bola na ng team okaido at pinapasok na ito ni takasugi nakita ni takasugi ang panaka nakang tingin sa kanya ni sakuragi kaya napakunot ang noo niya.

Nang subukan niyang makaalis sa pag dedepensa ni eichi ay malaya nga itong nakalagpas mula dito. Pagkatungtong niya palang mula sa gitnang bahagi ng court ay agad siyang iniscreenan ni Ezekiel.


Pinasa naman ni takasugi ang bola ng mabilis sa direksyon ni sakuragi, nagkatapatan naman si sakuragi at fujima na seryosong nagkakatitigan.


"Ngayon na natin ilabas ang tunay natin na lakas fujima, sa ilang minutong natitira tayo muna ang magtuos na dalawa." Anas ni sakuragi na walang ano anu'y mabilis na nagdribble sa harapan ni fujima kaya nagulat si fujima dahil doon.


Nang makita ni sakuragi na naiwan niya si fujima ay agad niyang tinignan si Ezekiel ng bantayan siya nito.

"Hindi ikaw ang gusto kong makaharap." Anas ni sakuragi na isa ring pinakitaan ng harap harapang atake habang mabilis na dinidribble ang bola.

Napaatras si Ezekiel dahil doon kaya Nang makita iyon ni sakuragi ay mas lalo niya lamang pinagtuunan ng pansin ang pag sugod sa depensa nito.


At Nang makita niyang makakatayo itong muli ay agad niya itong crinoss-over dahilan para mapaupo si Ezekiel dahil sa pwersahang ginawa ni sakuragi na pag atake.


Nag sigawan ang mga tao sa nakita kaya buong lakas na isinigaw nila ang pangalan ni sakuragi, Hindi tumigil sa pag atake si sakuragi kaya ng nasa harapan niya na si hanagata ay agad siyang huminto.

Nang mapansin ni sakuragi ang pag double team sakanya ni eichi at Ezekiel ay agad siyang umumang ng tira na easy lay up.


Nang makita ng tatlo ang gagawin niya agad nilang pinosisyon ang kamay para sa pagbablock.


Ngunit mabilis iyon naibaba ni sakuragi ang bola tsaka malakas na drinibble iyon dahilan para manlaki ang mata ng dalawa.


"Hindi kayo ang gusto kong makaharap, kundi ang captain niyo." Sabay tingin kay fujima na binabantayan ni takasugi.

Ini release nito ang bola kasabay ng mabilis na pagtalon paatras habang nakatingin kay fujima at habang binabantayan din siya ng dalawa. Tumira ito ng fade away shot kaya nang ngumisi si sakuragi ay naipasok nga nito ang tira na fade away shot!



"Pambihira! Ang astig mo doon ah!" Sigaw ni fukuda mula sa itaas na nanunuod sa nangyayari.


Tinignan siya ni sakuragi na walang gana bago tumingin sa direksyon ni fujima na wala ring makikitang emosyon sa mga mata nito.


Tila nagtatagisan ang dalawa dahil sa mga binibitawan ng mga itong tingin sa isat isa.


"Sakin niyo ipasa ang bola, kaming dalawa ang magtutuos na dalawa." Saad ni fujima na naglakad na patungo sa gilid kung saan ipinapasok ni minato ang bola.


Pagkapasa ni minato ng bola papasok ay agad itong drinibble ni fujima.



"Ngayon natin tignan kung hanggang saan kakayahan nating dalawa." At mabilis na umatake rin sa depensa ni sakuragi.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now