Chapter 34

257 28 16
                                    

Matapos ang first quarter, agad na tumungo ang mga players sa kani kanilang bench upang magkapag pahinga. Second qaurter na at lahat sila ay pagod na agad, maliban nalang kay sakuragi at rukawa na hindi man lang ganon na pagod dahil nakapag pahinga na rin naman sila.

"Tubig mo oh!" Bigay ni aki kay sakuragi, nagtaka man si sakuragi ay kinuha niya parin ito mula kay aki.

"Mag ready na kayo sakuragi, rukawa. Dahil papasok na kayo sa second quarter." Saad ni coach kotaro, tumango lang ang dalawa bago muling nakinig sa tratehiyang inilalahad ng kanilang coach.


"Kayo na ang bahala sakuragi at rukawa, sainyo nakasalalay ang pagka panalo ng team okaido." Saad ni aki na seryosong tinignan ang dalawa.

"Wala nang awa awang mararamdaman, naiintindihan niyo? Napag usapan na natin to sakuragi, panaluhin mo ang team at doon ka lang makakadalaw kay coach anzai." Anas pang muli ni aki na naiintindihan naman ni sakuragi.

"Naiintindihan ko, wala rin naman akong balak mag patalo." Sagot ni sakuragi


Ilang minuto pa ay natapos na ang pahinga, magsisimula na ang second quarter. Bola ng shohoku kaya ipinapasok na ito ni miyagi. Kung kanina ay tila walang nagbago sa kanila, ngayon ay naging seryoso na ang aura, punong puno na ito ng determinasyon manalo sa laban.

"parang biglang nagbago ang team shohoku? Pansin niyo?" Biglang saad ni aki kay takasugi at kiyo na nakaupo na.

"Pansin ko nga rin, mukhang dito natin makikita ang totoong laban sa pagitan ni sakuragi at mitsui." Saad ni takasugi na naexcite pa para sa gagawin ni sakuragi sa mga ito.

"Nakinig ba si sakuragi sa pinag uusapan natin o hindi?" Biglang saad ni kiyo

"Iwan. Mukha naman siyang nakikinig kanina e." sagot ni takasugi pero mukhang wala sa hulog ngayon si sakuragi.


napakadilim na naman kasi ng mukha nito, matalim na rin kung tumingin.

'Ako lang ba ang nakakapansin ng biglang pagbabago ng mood ni sakuragi? Ano na naman kaya dahilan kung bakit biglang nasira mood niya, kanina naman kasi ayos lang siya.' Saad ni kiyo sa kanyang isipan.


Nang mapansin niya na parang may sinasabi iyong kyoushi kay sakuragi, doon siya napaisip na baka ito  ang dahilan kung bakit biglang nagbago mood nito. ito kasi ngayon ang nagbabantay kay sakuragi samantalang si mitsui naman ay si rukawa.




"Aki, Si sakuragi mukhang magkakaproblema tayo kapag nagpatuloy parin ang pagiging mainitin nito." Nag aalalang saad ni kiyo, napatingin din doon si takasugi at aki.


Sa loob naman ng court kung saan seryosong nagdedepensa, kapansin pansin ang kakaibang galit na nararamdaman ni hanamichi sakuragi sa binabantayan niya.


"Ano sakuragi? Payag ka ba sa deal natin? Total ako naman ang naunang nakakita sakanya e." Pang dagdag ni kyoushi sa sinabi nito kanina.

Matalim lang siyang tinignan ni sakuragi pero ang tibok ng puso niya, sobrang bilis at halos hindi na niya mapigilan ang galit na nararamdaman niya para sa lalaking nasa harapan niya.


"Wag niyong idadamay si aki sa laro natin kyoushi, Hindi porket natatalo na kayo sa laban natin gagawa na kayo ng ganitong karuming gawain. Wala kabang natitirang dignidad para sa sarili mo?" Inis na saad ni sakuragi na ang lapit lapit na ng mukha kay kyoushi.


"Heh, Wala naman masama sa pinakiusap ko sayo ah? Ang sabi ko lang naman kapag nanalo ka mapupunta si aki kay mitsui, pero kapag natalo naman kayo sayong sayo na si aki." Saad ni kyoushi na na para bang iyon na ang pinaka magandang ginawa niya sa buong buhay niya.



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now