chapter 98

94 10 4
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold_hearted

Chapter 98;


*****

After a month, na walang usap usap si sakuragi at aki, naging matamlay na ang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Maging ang paglalaro ng iba na dating masigla ay napalitan ng kakaiba, mas naging mahigpit kasi si aki sa kanila at mas naging masungit pa.


Hindi na sila makapag pokus dahil kada gagawin nila ang isang bagay ay agad iyong napupuna ni aki at hindi iyon nakaligtas sa ama.


Ilang beses na rin nitong sinubukang tanungin subalit nasusungitan lamang siya nito kaya wala itong nagawa pa kundi ang pagmasdan ito.


Si rukawa naman ay mas naging pursigido sa ginagawa, mas naging tahimik at malamig ang pakikitungo sa iba. Ang tanging nag uusap lamang na tila close na close ay ang dalawa, si aki at rukawa.



"Tangina pre, ang bangis ni manager. Kanina pa tayong umaga tumatakbo paikot ng court e." Hinihingal na ani shintaro kay takasugi.


"Gago ka pre, wag ka nang maingay pa dyan mamaya marinig pa tayo at madagdagan pa ng ilang round ang gagawin natin." Bulong na saad ni takasugi pabalik.


Samantalang si sakuragi naman ay balik sa dating pagiging basagulero, kasama na nitong muli mito at ang tatlong kaibigan, di na rin nag laro pa si sakuragi ng basketball mag mula ng tuluyan na siyang palayasin sa okaido.


Naging bali-balita rin iyon sa buong lugar nila at maging sa kanagawa kaya labis ang katuwaan ng iba, hindi na kasi sila mahihirapang lampasuhin ang okaido.

Matapos kasi ang Laban ng okaido at shoyo naging matunog ang pangalan ng team ni sakuragi, ilang linggo ring pinag kaguluhan sa tabloid at ibang internet website. Ang laman non ay ang malaking litrato ni sakuragi na nakaukit ang last shot nitong ginawa bago matapos ang laro.



"Hanamichi, pambihira.. sikat kana talaga, baka naman sa may ramen house lang." Tudyo ni taba na hinihimas himas pa ang tiyan sa sobrang kagutuman. Paano ba naman kasi inaya agad ni sakuragi ng hindi kumakain ng umagahan.


"Tanga nito, hindi ako bilyonaryo, aanhin ko ang pagiging sikat eh, wala naman akong makukuhang pera dyan." Asik pabalik ni sakuragi na binato pa ng walang lamang mineral water sa mukha si takamiya.



"Tangna kasi, gutom na gutom na ako e. Bakit mo kasi kami basta nalang inaya, eh wala rin naman tayong ginagawa ngayon kundi tambay lang." Anas pa noma na nag sisigarilyo.



"Andami niyo namang reklamo, sumama naman kayo ah! Anong nginangawa ngawa niyo dyan?" Tila napipikong anas ni sakuragi na tumayo pa at humarap sa dalawa.


"Bakit kaya hindi mo gamitin yang talent mo sa paglalaro, makipag pustahan ka sakanila, pagnanalo ka ilibre mo kami dyan sa ramen house." Suhestiyon ni mito na may lawak na pagkakangiti, binigyan naman siya ni sakuragi ng nakamamatay na tingin bago umiling.



"Tangna, wag na lang uyy.. mas gugustuhin ko nalang magutom kesa mag laro dyan."



"MAG ISA MO! IDADAMAY MO PA KAMI SAYO, GUSTO PA NAMING MABUHAY.." sigaw ng apat kaya napipikong kakamot kamot sa likod ng tenga si sakuragi.



"Gago, sa dami rami kasi na pwedeng pag pustahan na laro yan pa ang napili niyo." Naiinis na bitaw na salita ni sakuragi, tinulak niya pa ang mga ito palakad kaya nagsipag lakaran naman ang mga ito patungo sa open space ng kanilang lugar.



Medyo marami ang tao kaya mas nakakaexcite para sa apat na may balak pagkakitaan ang pagkapanalo ni sakuragi sa laro.


"Hala! Diba si sakuragi yan?" Puna ng isang lalaki na naglalaro, natatalo na kasi ang grupo nito.



"Oo nga pre, balita ko inalis na siya sa okaido dahil sa ayaw na nitong maglaro." Anas ng isa, pinatalbog naman ng isang lalaki ang bola na mukhang kabilang naman sa kabilang grupo. Tumingin ito kay sakuragi nang maangas kaya tinignan din siya ni sakuragi sa malamig na paraan.


Mukhang nakaramdam ang lalaki sa ginawa ni sakuragi dahil ito agad ang umiwas.


"Tutal nandito na ang sikat na si hanamichi sakuragi, bakit kaya hindi natin siya isali sa grupo niyo na talunan. Isang score nalang natatalo na kayo e." Mayabang na saad ng lalaki na may green na buhok.


"Ang yabang nang gago na ito, ni isang shoot nga sa ring wala siyang naiambag kundi ang mga kasamahan niya lang." Saad ng isang manunuod, narinig iyon ng mayabang na lalaki kaya sinamaan nito iyon ng tingin.


Mag sasalita na sana si sakuragi para pumayag ng biglang humarang si mito at ang tatlo.


"Hep! Hindi naman magiging exciting ang laro kung walang pustahang magaganap. Oh ito, pusta ko mananalo ang grupo ni sakuragi laban sainyo." Anas ni mito na inilabas ang 1000 yen (in philippine peso, 1,963 pesos)



"Siraulo ka, meron ka naman palang perang nakatago dyan bakit di mo sinabi? Edi sana nakakain na tayo." Anas ni ohkusu na di makapaniwala sa nakikitang pera mula kay mito.



"Alam ko kasing mga sugapa kayo, kapag nandoon na tayo sa ramen house kung ano ano na naman oorderin niyo na wala na sa budget kaya ang ending nag huhugas tayo ng plato." Asik ni mito, tumingin siya sa harapan kung saan nakatayo ang limang lalaki kabilang doon si green hair na nakangisi pa ng mayabang.



"Sige payag, ito 2000 yen... Matatalo rin naman kayo kaya ayos lang makipag pustahan." Aalis na sana ito ng pigilan ito ni sakuragi gamit lamang ang napakalamig nitong boses.



"Hindi niyo na kailangan ireset pa ang laban, isang puntos nalang naman Diba? Mananalo na kayo?" Nagulat si ang apat sa sinabi ni sakuragi.



"Pambihirang katangahan yan sakuragi, wag mong sabihing bumalik na naman pagiging tanga mo?" Anas ni takamiya, ngunit hindi siya pinansin ni sakuragi.


"HAHAHHAHAHA tangna, bilib ka rin sa sarili mo no? Oh siya sige, pano ba yan? Kaibigan niyong nagmamagaling ang nag sabi, isang puntos nalang matatalo na kayo." Anas ni green hair na tumatawa tawa pang tumalikod.



"Sana pala sinabi ko na sainyo na may pera ako, di sana may nakain pa tayo kahit mag hugas na ng plato." Anas ni mito na nagsisisi sa naging desisyon.


Naglakad naman na si sakuragi patungo sa gitna, kasama ang apat na kaninang magkakampi. Lugi talaga, lima ang kalaban samantalang apat sila.


Pagkalapit ni sakuragi sa mga magiging kakampi niya ay agad nitong sinabi ang plano. Tumango tango naman ang apat.



"Tara, simulan na natin ang laban." Sigaw ni sakuragi ng seryosong naghanda..

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now