Chapter 12

366 35 18
                                    

[𝚊𝚞𝚝𝚑𝚘𝚛 𝚗𝚘𝚝𝚎: 𝚃𝚑𝚊𝚗𝚔 𝚢𝚘𝚞 𝚐𝚞𝚢𝚜! 𝚂𝚘𝚋𝚛𝚊𝚗𝚐 𝚐𝚊𝚗𝚍𝚊 𝚍𝚒𝚗 𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚜𝚒𝚗𝚊𝚜𝚊𝚋𝚒 𝚗𝚒𝚢𝚘 𝚔𝚊𝚢𝚊 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚒𝚗𝚜𝚙𝚒𝚛𝚎𝚍 𝚗𝚊 𝚜𝚞𝚖𝚞𝚕𝚊𝚝 𝚞𝚕𝚒𝚝. 𝙽𝚊𝚞𝚞𝚝𝚘 𝚗𝚒𝚢𝚘 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚊𝚔𝚘 𝚑𝚊𝚑𝚊(;´༎ຶٹ༎ຶ') 𝚊𝚗𝚐 𝚐𝚊𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚒𝚢𝚘 𝚖𝚊𝚖𝚋𝚘𝚕𝚊. 𝙲𝚑𝚊𝚛😂😂]

❤︎❤︎❤︎❤︎㋛︎



"Heh, anong baby ka dyan." Sabay block ng kamay ni aki sa mukha ni takasugi, meron kasing gusto si takasugi kay aki ngunit alam naman ng lahat kung sino ang gusto ni aki.

hindi naman iyon dinaramdam ni takasugi, minsan nakikipag one on one siya kay sakuragi, pero sa huli natatalo parin siya ni sakuragi dahil sa kakaibang abilidad nito. Sa sobrang laki na rin ng inimproved ni sakuragi hindi mo aakalain na dati siyang baguhan na minamaliit noon.

ibang iba na kasi ang kilos nito ngayon, kaya niya narin gawin lahat ng posisyon ng kanyang buong ka teammates na lalong kinamangha ng iba sakanya. Napag aralan niya na rin bawat kilos ng kanyang kakalabanin, sa isang iglap nga lang ay alam niya na ang gagawin niya sa oras na nakatapat niya na ito.


Totoo nga ang sinabi ni aki noon na may tinatagong galing si sakuragi ngunit hindi pa alam ni sakuragi kung paano gamitin. Ngayong nailabas niya na ang full potential niya sa paglalaro wala na ditong makakapag patigil, nasaksihan din iyon ni rukawa na ngayon ay kinokonsidera na ring kaibigan si sakuragi.


"kamusta sakuragi?" Tanong ni aki na tumabi pa sa kinatatayuan ni sakuragi kung saan ay nag tetraining na naman ito sa pag shoot sa three point line.

'walang mintis kung tumira'

unang sumagi sa isip ni aki ng tumira si sakuragi at mabilis din nitong inirerelease ang bola na hindi man lang tinatansya kung gaano ito kalayo. Basta isa lang ang sigurado ang buong kateam ng okaido kay sakuragi, na lahat ng ititira nito ay walang mintis at confidence silang maipapasok nito lahat.


"hindi mo na ako kailangan araw arawin na kamustahin aki, dapat nag aaral ka ngayon. Gusto mo bang mapagalitan ka na naman ni coach?" Saad ni sakuragi sa flat na flat na tono. Napasimangot naman si aki bago kumuha ng bola sa lagayan, nag didribble ito at ititira na sana ng iblock ito ni sakuragi ng isang kamay lang.

"wag mo rin akong iistorbohin kapag naglalaro." Isa rin sa nagbago sa ugali ni sakuragi ay iyong pagiging prangkahan nitong magsalita at pagiging walang gana kapag sasagot ito. Except nalang kapag kausap nito si rukawa na parihas na may tupak na katulad ni sakuragi.


"palagi mo nalang ako sinusungitan, wala ka naring time para sakin sakuragi." Malungkot na saad ni aki, napabuntong hininga naman si sakuragi bago tinignan si aki ng seryoso.



"kailangan ko itong gawin dahil iyon ang nararapat, Aki wag ka nang mag tampo okay, gagawa ako ng paraan para matapos ang 1000 jump shot ko ngayong araw, tas lalabas tayong dalawa." Saad ni sakuragi na nakapagpaliwang sa buong mukha ni aki



"yiieee. Love mo na ako no? Amin amin din sakuragi." Naiiling naman si sakuragi sa kakulitan nito bago muling nag seryoso sa paglalaro.


tumabi nalang sa isang gilid si aki at pinagmasdan si sakuragi, sobrang laki na ng pinagbago nito. Tatlong buwan lang siyang nag practice at ito na ang resulta ng lahat ng pagsisikap niya. Malikli man ang tatlong buwan para sa iba, ngunit kakaiba si sakuragi dahil kailanman ay hindi ito nag reklamo. Lahat ginagawa nito para matuto lang, nag oover night practice pa ito ng mag isa at naaabutan nalang ng lahat na nakahiga sa sahig ng gym na pagod na pagod. Kung titignan ay napaka ordinaryo lang na tao ni sakuragi na nagpapractice ng shooting pero ang bawat tira nito ng bola ay napaka smooth at swabe lang.


The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt