Chapter 14

364 37 16
                                    

- SHOHOKU SCHOOL

Abala ang lahat sa pagpapractice dahil sa nalalapit na inter high preliminaries, kahit na nabawasan sila ng dalawa sa magaling na manlalaro ay hindi parin sila nawalan ng pag asa para lumaban.

though, sobrang nalungkot ng husto ang ilan ng malaman na wala  na si rukawa sa team ng shohoku, maging si sakuragi na hindi naman nila gusto ay namimiss din nila ang presensya nito. Nang mawala si sakuragi at rukawa may panibagong tranferee student na pumasok sa paaralan ng shohoku, mukhang palaging nakakasagupaan nito si mitsui dahil parihas sila ng ugali.

"MITSUII!! Hindi porket hinahayaan ko kayong gawin ang mga bagay bagay na ito ay hindi nyo na ako rerespetuhin bilang captain ng team na to. Maling mali ko rin na hinayaan ko na gawin mo ang bagay na yon kay sakuragi, kung maibabalik ko lang ang araw na yon, mas gugustuhin ko pa na mag away nalang kayo imbes na mawala ang dalawang pinaka importante sa team na to." Sigaw ni akagi na naging mainitin na rin pag dating kay mitsui at sa dalawang baguhan na bagong sali sa team nila.

"Captain akagi!" Bulalas na saad ni ayako na may gulat expression. Kahit si ayako ay namimiss rin ang presensya ni sakuragi at rukawa, wala na kasi siyang masasaway sa twing may pumapalpak sa pinapagawA niya.


ngayon kasi iyong dalawang baguhan hindi niya mautusan at palaging nakasinghal.



" captain chill ka lang, kung napapagod kana pwede ka naman mag pahinga o kaya naman... bigay mo nalang sakin ang posisyon mo." Saad ni kyoushi.




"At sa tingin mo ganon ganon ko lang sayo maibibigay ang pagiging captain, isa kang hangal para maisip ang bagay na yan. Baguhan ka lang kaya matuto kang lumugar." Saad ni akagi bago dinanggil sa braso ang baguhan na nakangisi lang.



"Okay. Soon magiging akin na rin naman ang posisyon na yan." Nang marinig iyon ni mitsui ay tila nag init ang kanyang ulo.




"masyado kang mayabang, eh kung tutuusin wala ka namang binatbat sa gunggong na sakuragi na iyon e." Bulyaw ni mitsui na kinagulat naman nila miyagi, akagi at ayako.




"Heh, ako walang binatbat sa lalaking iyon. Tignan nalang natin sa laban na mangyayari kung masasabi po ang bagay na yan sa harapan ko." Mayabang na saad ni ryoushi bago tumalikod at naglakad paalis.




"Asan si sakuragi at... rukawa?"

napatingin sila sa kakarating lang na si haruko, ilang buwan din itong nawala dahil sa pagiging busy nito sa pag aaral. Bilang isang student council ay binabalak din nitong mag apply bilang second manager ng shohoku team. Ngunit ng mabalitaan niya ang nangyari ay agad siyang pumunta sa gym.



"Wala kabang nababalitaan haruko? Matagal ng nakaalis sila rukawa at sakuragi." Saad ni ayako




"Wala. Ang alam ko lang at naririnig ay iyong pang mamaliit nila kay sakuragi, paikot ikot lang iyong pag uusap sa loob ng ilang linggo. Pero kalaunan ay natigil at wala na ni isang naguusap tungkol doon." saad ni haruko na muling tinignan ang loob ng gym



"pasensya na haruko, alam naman namin na busy ka sa pag aaral mo. Kaya hindi ako nag abalang sabihin pa sayo iyon." Saad ni akagi sa kapatid na ilang buwan din naitago ito.




"nasan na sila? Gusto ko silang pakiusapan na bumalik nalang ulit." Nag kukumahog na saad ni haruko





"Sa okaido high school na sila ngayon, isa na sa pinaka magaling ang okaido at dahil iyon sa kanilang dalawa." Tila nanlumo si haruko sa narinig bago pabagsak na ibinaba ang mga dala at tumakbo palabas ng gym.



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon