chapter 129

113 13 8
                                    


*****Continuation of flashback/s*****

Ilang oras din ang byinahe nila rukawa kasama ang lolo ni sakuragi, magmula ng matapos ang pag uusap nito mula sa cellphone ay hindi na ito umimik pa, nakatingin na lamang ito sa loptop habang may seryosong mukha. Hindi rin nagawang mag ingay nila mito dahil sa takot na baka biglang magalit ito.

Two in a half hour ay nakarating na rin sila sa presinto ng kanagawa maliit lamang ito kumpara sa ōsaka na city kung tutuusin dahil nandoon rin ang iba't ibang establishments.

Nang makababa silang lima at tanging naiwan sa loob ng kotse ay si don fermin, may isang lalaki na may dalang attache case ang lumapit sa pintuan ng kotse. Kumatok ito mula sa bintana kung saan doon banda nakaupo si don fermin.

Pinag buksan ito ni butler lee at pumasok naman ito sa loob, at pagkaraan ay sinarado din ang pintuan ng sasakyan.

Pamasid masid lamang ang lima mula sa labas ng presinto habang hinihintay nilang matapos ang pinag uusapan nila don fermin at nung lalaki.


Ilang minuto rin ang hinintay nila ng dumating ang galit na galit na si kotaro kasama si mitsui na bakas rin ang pagkagalit sa mukha. Dumeretso ito sa loob ng presinto ng hindi man lang tumitingin sa kanilang direksyon.

Maya maya pa ay narinig nila mito ang ingay mula sa loob kaya dali dali silang tumungo doon at tinignan kung ano ang nangyayari. Pagkapasok pa lamang ay bumungad na agad ang panduduro ni mitsui kay sakuragi. Samantalang galit namang si kotaro habang kung ano ano na lamang ang sinasabi kay sakuragi.

"Anong klaseng rules ang meron sa presintong ito? At hinayaan niyong makalaya ang kriminal na ito." Galit at nagsisigaw na saad ni kotaro, prente lamang nakaupo si sakuragi doon habang may malamig na tingin na ipinupukol kay mitsui.

Bigla tuloy naalala nila mito ang sinabi ni sakuragi na meron pang atraso si mitsui dito. Marahil ganon nalang ang galit at kasing lamig ang titig nito kay mitsui dahil doon.

"Sir, ilang beses ko rin bang sasabihin sainyo na menor de edad pa lamang ho ang kinakasuhan niyo, hindi nga dapat kami nakinig sa paratang niyo dahil wala naman akong nakikitang dahilan para ikulong siya e. Ang utos lamang ni boss chief ang sinusunod namin." Anas ng pulis na sinasabihan si kotaro


"Ako na nga ang sasabi sainyo, masama ang tao na iyan. Kinidnap niya ang anak ko--." Natigil sa pagsasalita si kotaro ng may biglang sumingit doon.


"Ikaw ang dapat kasuhan ng sa pamimintang na wala namang sapat na ebidensyang nakukuha. Hinuli niyo ang alaga ko ng wala namang warrant of arrest, kayo dapat ang makulong at matanggal sa trabaho dahil sa ginawa niyo sa inosenteng tao." Nangilabutan si mito at ang kasamahan nito dahil sa narinig mula sa lalaking nakausap ni don fermin mula sa kotse.


"At sino ka naman na nangingialam ka sa usapan?" Galit na turan ni mitsui na lalapitan pa sana ng harangin siya ni butler lee


"Wag mo ng balaking humakbang pa ng isang beses bata, dahil kahit nandito pa tayo sa presinto sasaktan kita." Firm na firm ang boses na saad ni butler lee na ikinaatras ni mitsui, napalunok ito at agarang sinunod ang sinabi nito.



"Uulitin ko, alaga ko ang pinagbibintangan niyo sa kasong hindi naman niya ginawa. Ako ang attorney niya." Nagulat si kotaro at mitsui sa narinig, bagamat ganon din si sakuragi ay hindi na lamang siya nangialam sa usapan nila.


"Saan naman kukuha ng pambayad ang bastardong iyan? Eh mas mahirap pa iyan sa daga." Ngising saad ni kotaro, nagitla ang lahat ng may malakas na tumama mula sa sahig.

Malakas pala itong itinukod ni don fermin ang kanyang hawak na mamahaling tungkod, may nakaalalay sakanya na bodyguard habang naglalakad siya at galit na galit na nakatingin kay kotaro.


"Ako? Ako ang nag bayad para sa attorney ng apo ko. At ikaw na lalaki ka, mas makabubuting sa loob ka na lamang ng selda manirahan, tutal doon ka naman nababagay. Attorney, ikaw na ang bahala sa dalawang iyan.. make sure na hindi na sila makakalaya." Anas ni don fermin


"Anong pinag sasabi mong matanda ka? Sino kaba?" Galit na sigaw ni kotaro na dinuro duro pa si don fermin.

*Slap*

Napahiyaw si kotaro sa sakit ng lumipad ang dulo ng tungkod ni don fermin sa mukha nito. Nagulat din si mitsui sa biglaan nitong ginawa kaya hindi siya nakakilos.


"Ako si don fermin gregory hanamichi Sr. At si sakuragi ang kaisa isahang apo na inaakusahan niyo ng kidnapping. In the first place, ikaw itong may maraming kasong tinakbuhan 'nung binata ka pa, may tatlo kang ginahasa sa edad lamang na bente anyos samantalang menor de edad pa lamang ang ginahasa mo. Meron ka ring illegal na business na katuwang ang ama mismo ng taong iyan." Itinuro nito si mitsui, ang tatay nito na kabusiness partner ni kotaro.

Nagulat si kotaro sa narinig at ang ikinatago tago niyang lihim ay nabunyag na lang ng bigla at dahil iyon sa matandang nagpakilala bilang lolo ni sakuragi.


"Kaya wala kang karapatang kasuhan ang apo ko, you bastard." Galit na sigaw ni don fermin kay kotaro na napaluhod sa semento.

"Butler lee, ang apo ko. Kunin niyo ang apo ko." Utos nito na agad namang sinunod ng men in black.

Samantalang si sakuragi naman ay nakatulala na lamang habang nag papaubayang nagpahila sa kung sino man, hindi niya kasi akalain na ang taong gustong gusto siyang ampunin noon pa man ay lolo niya pala mismo. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon, samo't saring katanungan ang tumatakbo sakanyang isipan hanggang sa maupo na lamang siya sa loob ng isang sasakyan.

Nakita niya ang matanda sa gilid niya habang nakaawang parin ang labi niya dahil sa pagkabigla.

"Apo?" Ibinuga ni sakuragi ang pinipigil nitong paghinga bago pagak na natawa.


"Ano to? Joke? Paanong naging lolo kita? Samantalang ikaw itong matandang laying nangungulit sakin noon sa rehabilitation center. Pinagtitripan mo ba ako?" Tanong ni sakuragi, napangiwi si don fermin sa tono ng pananalita nito. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng awa para sa apo niya, ilang taon din itong nangulila sa pagkalawa ng kanyang mga magulang.


"Hindi kasinungalingan ang sinabi ko kanina apo, totoong apo kita.. at ikaw ang anak ng anak kong nejie hanamichi." Doon na nagulat si sakuragi ng mabanggit nito ang pangalan ng kanyang tatay.

"Ano naman sa ngayon kung totoo ka ngang kamaganak ko? May magagawa ba iyan sa ilang taong pangbabalewala niyo sakin?" Malamig ang boses na saad ni sakuragi, kung ang lolo ay ay mabangis, ganon din ang apo nito.


"Hindi sa ganon apo," pagpigil ni don fermin sa sinabi ni sakuragi


"Sa ganon iyon, binalewala niyo ako ng ganon katagal dahil wala naman talaga kayong pakialam sakin simula palang." Asik ni sakuragi sa lolo nito


Umiling si don fermin bago bumuntong hininga ng malalim.


"Apo, huli ko na rin nalaman na may anak pala si nejie nung nakilala kita mismo sa rehabilitation center kung saan may charity event ako. Nakilala kita dahil inilagay mo ang buong pangalan ng magulang mo kahit na patay na ang mga ito. Itinago ka ng mga magulang mo sakin dahil ikapapahamak mo kung malalaman ng lolo mo sa mother side mo na may anak pala si carmen." Pagkekwento ni don fermin kay sakuragi







The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now