chapter 96

92 9 4
                                    

The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 96;

*****

"Nakakainis talaga ang lalaki na iyon, hindi ko talaga siya papansinin bahala siya." Bulong na saad ni aki sa sarili bago nagdabog at naupo sa bench na malapit sa garden.

Kahit naman kasi nagtatampo siya kay sakuragi hindi parin maalis sa isipan ni aki kung susuyuin ba siya nito at susundan dito sa labas. Alam niyang parihas silang may problemang dalawa, nagselos siya at napagsabihan ito ng hindi maganda habang naglalaro.


Nandoon na sa punto ng pag uunawa si aki sa ginawa niya subalit hindi niya maintindihan kung bakit kailangan umeksena ni haruko sa buhay nila? Bakit kailangang bumalik pa siya kung kailan okay na lahat? Inayawan na nila si sakuragi at pinabayaan.


Ako iyong nandoon sa panahong hinang hina ito, ako iyong tumulong para mabuo ulit ito, pero kung kailan unti unti ng nabubuo iyong tao, bakit kailangan pa nilang bumalik?


Maraming sumasagi sa isip ni aki na mga katanungan, lahat ng iyon ay nahihirapan siyang unawain at intindihin, maging sa relasyon nilang dalawa ni sakuragi, napapansin niyang unti unti ng lumalabo.


Hindi niya tuloy mawari kung totoo ba talagang minahal siya ng taong minahal niya o ginawa lamang panakip butas para maibsan ang sakit ng dahil kay haruko.

Umpisa palang naman alam na ni aki ang posisyon niya sa buhay ni sakuragi sa oras na bumalik na ulit ang orihinal nitong minahal bago pa ako dumating sa buhay niya. Nandoon na siya sa pagtanggap na sa oras na bumalik ang totoong magpapasaya kay sakuragi ay magpapaubaya na siya para dito.


Pero bakit sa tuwing iniisip niyang iwan ito, sa twing iniisip niyang ipaubaya na ito sa iba, sobra ang sakit na ibinibigay nito sakin pabalik. Minahal ko lang naman siya e, pinahalagahan at inalagaan. Pero mukhang hindi parin iyon sapat para isipin ko na mananatili parin siya sakin.


Nung makita ko kanina na sobrang saya niya ng icheer siya ni haruko, dapat doon palang tinanggap ko na natalo na ako e.


Napasinghap ng hangin si aki ng maramdaman niyang sabay sabay na tumulo ang luha sa kanyang mata, malamig ang simoy ng hangin pero sobrang init sa pakiramdam kapag nasasaktan ka.


Habang umiiyak ng palihim sa madilim na parte si aki, sa di kalayuan nakita siya ni haruko, napangisi ito at may naisip na paraan para tuluyang mag hiwalay ang dalawa. Dali dali itong umalis at agad na hinanap si sakuragi.



Pagkakita palang nito ay agad niya itong hinila patungo sa garden malapit kay aki, sapat na iyon para marinig silang nag uusap.


"Anong kailangan mo haruko? Kailangan ko pang hanapin si aki." Inis na saad ni sakuragi kay haruko, panandaliang dumaan ang sakit sa maya ni haruko ng sabihin iyon ni sakuragi. Pero iwinaksi niya ang bagay na iyon at ngumiti sa harapan ni sakuragi.


" Gusto ko lang makausap ka sakuragi bago ako tuluyang makapag paalam sayo." Pauna nitong salita sa katamtamang boses, napakunot ang noo ni sakuragi dahil doon.


"Ano ibig mong sabihin haruko?" Takang tanong ni sakuragi


"Tanggap ko na hindi talaga tayo ang para sa isa't isa, pero gusto ko lang ipaalam sayo ang totoo kung nararamdaman.. ayokong umalis na may pinag sisisihan." Lalong napakunot ang noo ni sakuragi sa inaasta ni haruko


"Ano ba kasi iyon?" Tila naubos ang pasensyang saad ni sakuragi, ngumiti si haruko


"Gusto Kita sakuragi, gustong gusto Kita.. pero alam ko namang wala kanang nararamdaman para sakin pero sana kahit sa huling pagkakataon, sabihin mo sakin na ako ang gusto mo. After non, hindi ko na kayo guguluhin pa ni aki." Anas ni haruko kay sakuragi, napakunot si sakuragi sa bahagyang pag taas ng boses nito, di niya Kasi maintindihan kung bakit nito kailangang sumigaw pa..

Mag sasalita pa sana si sakuragi upang tumanggi sa kagustuhan nito, subalit...


"Please, sakuragi.." malambing ang boses na pakiusap ni haruko, napabuntong hininga si sakuragi at wala ng nagawa kundi ang tumango habang napipilitan.


"Gusto Kita, haruko. Gustong gusto." Matapos bigkasin iyon ni sakuragi ay automatic na napangiti ng maluwag si haruko, nakita niya kasi sa likod ni sakuragi si aki na umiiyak.


Matapos non ay yinakap ito ni haruko na kinagulat pa lalo ni sakuragi, nagulat na lamang si sakuragi ng bumulagta nalang siya bigla sa sahig na gulat na gulat.


"Tangna pre, ang lala mo naman. Hindi mo napansin nasa likod mo lang si aki, kung makikipag landian ka lang pala sana hindi sa lugar na ito. Gago!" Galit na singhal ni rukawa na kauna unahang beses na makitaan ni haruko na magalit at magsalita ng ganoon ng dahil lang kay aki.


Dali daling napatayo si sakuragi mula sa pagkakaupo ng makita niyang hinihingal na si aki sa kakaiyak, nakatingin parin ito sakanya habang takip na takip ang bibig dahil sa pag pipigil ng iyak.


"A-aki, mali ang nasa isip mo, hindi--." Hind na natapos pa ni sakuragi ang sinasabi ng tumakbo na si aki palayo, hahabulin pa sana ito ni sakuragi subalit galit lamang siyang tinulak palayo ni rukawa.



"Fuck off, dude.. YOU better stay away from her.. sinaktan mo siya, makiramdam ka naman." Malamig na boses na sabi ni rukawa bago tinignan ng puno ng disgust si haruko.


"Noon pa talaga ayaw na ayaw ko na sa tulad mo, mas better talaga sayo si aki." Huling sinabi ni rukawa bago tumalikod at tumakbo para habulin si aki.


Napahilamos si sakuragi sakanyang mukha, napaluhod narin siya dahil sa sobrang panghihina, di na rin niya namalayang umiiyak na rin pala siya.


"Haruko, ano bang ginawa ko para gawin mo ang bagay na ito ha?!" Mahinahon ngunit punong puno ng galit na tanong ni sakuragi. Napatingin siya dito na may luha narin sa mga mata.


"S-sorry sakuragi, sorry talaga. Oo, intensyon ko na gawin iyon para mag hiwalay kayo ni aki, Kasi... Simula palang naman ako naman talaga ang gusto mo Diba? Inagaw ka lang niya sakin, akin ka naman talaga in the first place eh." Umiiyak na sabi ni haruko, ilang ulit na napailing si sakuragi sa narinig..



"Tangna.. hindi eh! Hindi dapat ganito..  Alam mong mali pero bakit ginawa mo parin? Tangna haruko, Mahal na Mahal ko iyong taong sinaktan mo, mahal na mahal. Pero anong ginawa mo? Sinaktan mo siya gamit ang pagiging selfish mo..." Humagulhol si sakuragi habang nakayuko parin sa sahig. Punong puno ng hinagpis at pang hihinayang dahil sa nangyari.


"Tangnaaaaaa.. huling tyansa nalang ang binigay sakin ng papa niya at sa huling tyansa na iyon bumabawi pa ako na wag siyang paiyakin, pero ito ang nangyayari.." saad ni sakuragi na muling napahagulhol ng iyak..



"Mas masakit pa ito sa ilang beses na rejection at pagpapatalsik sakin noon e. Tangna, kung kailan handa na ako, kung kailan tayang taya na ako sa kanya ganito pa ang nangyayari, BAKIT PA KASI BUMALIK KA PA?" Sigaw ni sakuragi, hindi niya namalayang ang ilang bisita at mga kateam niya ay nandoon din habang nakikinig sakanya.


Gulat na gulat ang expression nila takasugi at shintaro at ang ilang pang kaibigan.


"What the hell! Totoo ba ang narinig ko?" Nagulat sila ng marinig nila ang boses ni coach kotaro. Napatingala si sakuragi at tinignan si coach kotaro.


"C-coach... Si aki, umiiyak na naman siya ng dahil sakin." Humihikbing ani sakuragi, nanlalaki ang mata ni coach kotaro at pasugod na kwenilyuhan si sakuragi.


"Sinabihan na kita sakuragi, na wag na wag mong paiiyakin ang anak ko pero anong ginawa mo? Binigo mo ako,.. sakuragi, magmula ngayon umalis kana at wag na wag kanang babalik pa dito, wag kanang lalapit pa sa anak ko." Huling katagang sinabi ni coach kotaro bago tuluyang muling napahagulhol si sakuragi sa labis na panghihina. Bagamat na aawa ang ilang kaibigan ni sakuragi ay hindi na lamang nila ito nilapitan, instead ay umalis silang lahat at iniwan itong nasasaktan at nahihirapan.




*****
(Author note: malapit na ang pagtatapos ng story na ito.. Sana nandyan parin kayo para suportahan ito hanggang huli. Salamat ng marami, hindi ko kayo makakalimutang lahat. Sorry kung hindi maganda ang pagkakagawa ko, salamat parin dahil pinag laanan niyo ito ng oras para basahin. Lovelots guys..)






The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now