chapter 148

101 12 9
                                    


Continuation...

"Sakuragi? Saan ka pupunta?" Paghabol ni rukawa sa kaibigan ng dali dali itong lumabas sa dining area, sumunod si butler lee dito.

"Kailangan ko nang umuwi, mag isa lang si lolo sa bahay." Saad ni sakuragi

"Iniisip mo ba na baka doon tumungo ang daddy ni aki?" Saad ni rukawa kay sakuragi, hindi naman nakapag salita si sakuragi ngunit naiintindihan naman ni rukawa si sakuragi.

"Sige, mag iingat ka. Ako na ang bahala sa kanila dito." Saad ni rukawa kay sakuragi, tumango naman si sakuragi dito.

"Lee, magpadala ka ng limang tauhan na mag babantay dito. Make sure na may mga alam sa self defense ang ipapadala mo, Ayoko na ulit maulit iyong nangyari sa mansyon." Ani sakuragi kay lee, tumango si lee kay sakuragi bago ito tumawag sa headquarters ng kanilang mga tauhan.

Hindi naman mapakali si sakuragi sa kinauupuan, isipin niya pa lamang na nakatakas si kotaro sa kulungan, tiyak na pupuntahan nito ang lolo niya para gumanti. Napatiim bagang nalamang si sakuragi habang madiing nakakuyom ang kamao.

"Pakibilisan lee, hindi ako mapakali." Saad ni sakuragi na agad namang sinunod ni lee.

Nang makarating sila sa labas ng mansyon nila dali daling binuksan ni sakuragi ang main door ng bahay, nag aalala kasi siya para sakanyang lolo na mag isa lang kanina pa.


"Lo?" Tawag ni sakuragi sa malakas na boses, umeecho ang boses ni sakuragi sa loob ng mansyon kaya nagsilabasan ang ilang maid at ang mayordoma.


"Señorito! bakit ho? Bakit ho kayo sumisigaw?" Tanong ng mayordoma kay sakuragi


"Nasaan po si lolo?" Tanong ni sakuragi pabalik


"Nasa silid niya na ho, nag papahinga. Kakatapos lamang po niya kumain." Anito kay sakuragi, bumuntong hininga ng malalim si sakuragi nang makaramdam siya ng ginhawa dahil walang masamang nangyari sakanyang lolo.


"Lee, pakisabihan ang mga tauhan na doblehin ang pag babantay mula sa likod, gilid at harapan ng mansyon.. para narin masiguradong walang ibang makakapasok." Tumango si lee sa sinabi ni sakuragi bago ito naglakad patungo sa telepono. Nag mamay ari din si don fermin ng isang agency.


"Sige ho, pupuntahan ko lang po ang lolo sa kwarto niya. Mag pahinga na rin ho kayo pag tapos niyo diyan." Tipid na ngiting ani sakuragi, yumukod ang mga katulong habang nakangiti.

Nang makaakyat agad nang tinungo ni sakuragi ang kwarto mismo ng kanyang lolo, nang buksan niya ito'y nakita niya itong nakahiga sa kama kaya pinuntahan niya ito doon.


"Lo?" Tawag pansin ni sakuragi sa lolo, mahimbing na natutulog ang lolo ni sakuragi kaya payapa ang pakiramdam ni sakuragi na okay lang ito.


Aalis na sana siya upang makapag pahinga na rin ng mapansin niya ang red stain sa kaliwang bahagi ng kama ng lolo. Dali dali niyang tinignan ito at ganon nalang ang gulat niya ng makitang may dugo ang kama at ang tagiliran ng kanyang lolo.


"LOLO!? LOLO!! LEE, LEE!!! SI LOLO!!" Sigaw ni sakuragi, binuhat ni sakuragi ang lolo niya.

Dumating si lee at ang ilang mga bodyguards, nagulat sila sa dinatnan nilang don na punong puno ng dugo.


"Ano pang tinatayo tayo niyo dyan? Dalhin na natin si lolo sa hospital." Sigaw ni sakuragi na agad namang tinungo ng mga tauhan nila ang don fermin para mabuhat.



"Señorito? A-ano pong nangyari?" Nag aalalang tanong ni lee kay sakuragi, napahagod si sakuragi sakanyang buhok dala ng frustration, takot at galit sa kung sinong gumawa nito sa lolo niya.



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now