Chapter 22

304 38 27
                                    

Pagkabalik ng dalawa sa loob ng gym, tila sadyang inaabangan talaga sila ng lahat except kay rukawa na wala na namang pakialam sa paligid.




Magsasalita na sana si takasugi para magtanong sa nangyari, ngunit dire-diretso lamang na naglakad ang dalawa patungo sa direksyon ni rukawa na nakatalikod sa kanila. Busy ito sa pag ball handling ng bigla...



Siyang kinutusan ni sakuragi sa ulo, nabitawan ni rukawa ang bola dahil sa pagkagulat. Pero ang loko mukhang inaasahan na gagawin sakanya iyon ni sakuragi dahil wala lang itong imik na bumalik ulit sa pag ball handling.


Natapos na ang practice ng tsukuba at okaido, nanalo ang okaido sa practice kaya nag pahinga na ang mga ito. Kahit hindi nag laro ang dalawa ay nanalo parin ang okaido.



"Anong nangyari? Bakit parang ang saya niyo yata ngayon?" Pagtatanong ni shintaro na tinitignan pa silang dalawa ni sakuragi.


hindi man mapigilan ni aki na mapangiti, pero wala naman siyang sinabi pa basta nakangiti lang siya sa mga ito na lalong kina curious ng iba.



"Kayo na ba?" Nagulat si sakuragi at aki sa tinanong ni kazuko na kinapula naman ng mukha ng dalawa. Napabungisngis ang mga loko sa nakita kaya inis na binatukan sila ni sakuragi.



"Tss. P-pinagsasabi niyo." Inis na laban ni sakuragi bago naglakad paalis, patungo sa mga lalagyan ng bola. Hinila niya ito patungo sa gitna ng court para sa pag practice ng shooting.



"Ano nga nangyari? Ito pa suspense pa e. Sabihin mo nalang kasi." Pamimilit pa na saad ni kiyo, sinamaan na talaga siya ni sakuragi. Kakamot kamot naman sa ulo si kiyo bago naglakad paalis.



Tatalikod na sana si aki ng makita siya ni sakuragi.



"Saan ka pupunta? Sinabi ko bang umalis ka? Dito ka lang sa tabi ko." Sabay tikhim at muling iwas ng tingin ng marinig niya ang kantyawan ng mga kateammates niya.


namula naman ang buong mukha ni aki dahil sa tinuran ni sakuragi sakanya. Nanahimik nalang siya habang nakatayo doon at nanunuod sa bawat pagtira niya ng bola.



"Nagugutom ka na ba?" biglang tanong ni sakuragi habang nagshoshoot ng bola sa ring.




napatingin naman sakanya si aki bago napanguso.



"H-hindi pa naman." Sagot ni aki na nauutal.



"Mag sabi ka lang, bibilhan kita ng makakain." Tuluyan ng napaupo si aki sa sobra sobrang kilig na nararamdaman.



'my god! Ganito pala pakiramdam ng pag aalaga ng isang bad boy at cold hearted.. nakakakilig.' Anas ni aki na hindi mapigilang mapangiti ng malaki.




"mukha ka dyan sira, tumayo ka nga." Sita ni sakuragi sakanya. Napatayo naman siya agad dahil sa sinabi nito, nang tignan niya ito ay may kung anong ngising nakaflastered sa labi nito o guni guni lang niya.




"sakuragi.. aaminin ko na, gusto kita." Nagulat ako ng biglang nadulas si sakuragi mula sa kinatatayuan nito. Maging ang tira nito ay hindi man lang sumagi sa ring.






nakarinig kami ng tawanan sa paligid namin, napatingin ako sa kanila at ganon nalang ang lawak ng pagkakangiti ng labi nila ng nang aasar silang nakatingin sakin. Napatayo si sakuragi mula sa pagkakadulas, kaya  hindi mapigilan ni aki na biglang makaramdam ng kaba dahil sa sinabi nito.








Tinignan siya ni sakuragi ng seryoso kaya napalunok siya, langya. Hindi ko akalain na mapapasubo din ako, nawala ang tapang at lakas ko dahil doon kaya imbes na harapin siya e. Tatalikod na sana para tumakas ngunit hinigit lang ako nito.





The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Onde histórias criam vida. Descubra agora