chapter 32

260 29 10
                                    

(A/n: Hi po, thank you po kay sir/kuya sa pag correct  sakin kanina. (Time out) maging kay ate donabelsiagene na pinagtanungan ko rin kanina. Edit ko nalang po siya pagkapost ko ng chapter na ito. Maraming salamat po sa mga sumusuporta)

******

Two in a half minutes nalang ang natitirang oras para sa first quarter, 24-17 na ang score sa magkabilaang panig lamang ang okaido kaya mas ikinabahala iyon ni miyagi at akagi.


'Kung matatapos ang first quarter na hindi parin namin naaabutan score nila, baka mahirapan na kami sa second quarter.' Anas ni miyagi na nakakunot noo habang nag iisip ng panibagong plano.



"Miyagi? Sakin mo ipasa ang bola, ako na bahala sa puntos." Saad ni akagi na tumungo pa sakanya para sabihin ang mga iyon.


"Pero paano si mitsui, baka magkagulo na naman kung gagawin natin ang gusto mo." Saad ni ryota na natatakot para sa buong team niya.



"Naging captain rin ako ng shohoku team miyagi at alam ko ang sitwasyon na nangyayari ngayon. Hindi na ako makakapayag na gawin pa ito ulit satin ni mitsui, dahil sa nararamdaman niya na galit nadadamay ang laro natin." Anas naman ni akagi na  medyo inis para sa sarili.

"Wag mo nang sisihin pa ang sarili mo akagi, alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon, tapos na rin naman at nangyari na. Siguro ang magagawa nalang natin ay gumawa ng tama at... makahingi ng tawad kay sakuragi." Nakangiti ng saad ni miyagi habang tinatapik tapik ang balikat ni akagi.



"Tama ka miyagi, salamat. Sige na, hahabulin natin ang score ng okaido." Saad ni akagi bago tumungo sa center ng kanilang babantayan.



Sa okaido team naman ay seryoso ng nakapwesto sa kani kanilang babantay habang ipinapasok na ito ni miyagi, dinidribble niya ito habang nakatingin sa mga kasamahan na pwede mapasahan, sinubukan niyang umatake sa pagbabantay ni takasugi.



Napansin naman ni takasugi ang pagbabago sa kilos ni miyagi kaya agad niyang pinag tibay ang ginagawa niyang pagbabantay. Pero nang subukan niyang agawin ang bola kay miyagi dahil nakita niya ang posibleng paraan para maisteal ang bola, ngunit mabilis lamang itong iniiwas ni miyagi sa mabilis na pag dribble palipat sa kabila. Sabay mabilis na cross over sakanya.


Napatingin si takasugi dahil sa ginawa nito na may halong pagkagulat. Ang bilis bilis na rin kasing kumilos ni miyagi ngayon kumpara kanina.

"Miyagi ipasa mo ang bola dito." Sigaw na saad ni mitsui na nakataas pa ang mga kamay, napangisi si sakuragi dahil alam niya na agad ang mangyayari.

imbes na ipasa ni miyagi kay mitsui ang bola ay mabilis nitong inilihis patungo sa direksyon ni akagi na hindi man lang nagulat sa ginawa ng huli.

"Nice pass, miyagi." Sigaw ni ayako

"Team tayo naman ang pupuntos." Sigaw na saad ni akagi bago tumalon ng pagkataas taas kahit na binabantayan din siya ni tetsu.

Nang tumalon din si tetsu para sa pagblock kay akagi, nagulat ito ng mukhang intensyon ni akagi na ibunggo ang katawan niya dahilan para makita ng referee na ako ang gumawa non. Nang pumito ang referee ay siya rin namang pag release ni akagi.

"Jersey number 4, intentional foul okaido team." Deklara ng referee kay tetsu na hindi niya na rin naman Ikinagulat.

"counted. One free throw." Saad muli ng referee.

(a/n: correct me if im wrong, jusko! Hindi ko na alam kong tama pa po ang ginagawa sa basketball😂😂)

napahiyaw ang team shohoku sa narinig kaya muli ang mga itong ginanahan sa paglalaro. Nag cheer ang mga ito para kay akagi.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now