chapter 155

214 13 6
                                    


LAST CHAPTER:

"Magsihanda na ang mga abay, bridesmaids.." anas ng organizer na siyang nag aayos ng lahat magmula pa kanina.

"Andyan na ba ang bride?" Tanong ni sachi na inaayos ang damit ni sakuragi, nakangiti si sachi habang nakatingin dito.

"Masaya ako para sayo sakuragi, sa wakas ito na iyong pinakahihintay mo na moment, hangad ko ang habang buhay na kaligayahan niyong dalawa." Sachi genuinely smiled at sakuragi, yinakap ito ni sakuragi bago ito tinapik sa braso.

"Salamat sachi, maraming salamat sa lahat ng ginawa mo." Nakangiting panayam ni sakuragi dito, umiwas naman nang tingin si sachi dahil sa pagbabadya ng luha sa mga mata nito.

"Ano kana, wala lang iyon.. o Sige, doon muna ako maya maya pa'y dadating na si aki." Nakangiting anito bago tumalikod at naglakad palayo.

"Tol, kinakabahan talaga ako,. Paano kung tanggihan niya ako?" Ani sakuragi kay rukawa na ginawa niyang best man, samantalang ang maid of honour ay si haruko.

"HAHA! Kumalma ka nga, hinding hindi mangyayari iyang iniisip mo.. dahil sure naman ako na bago pa mabuo itong kasal bilang surpresa sa kapatid ko. Nakahanda na iyon sa isasagot sayo. Mahal ka ng kapatid ko, kaya dapat magtiwala ka sa pag mamahal niya para sayo." Ani rukawa na binibigyan assurance si sakuragi para hindi na ito makaramdam pa ng kaba.

"Eh hindi naman niya alam e," umirap si rukawa sa sinabi nito bago umiling.

"Pambihira, wag kana ngang mag alala pa.. hintayin mo nalang ang pagdating niya, takte! Ito ba sinasabi mong simple, ang ganda kaya ng pagkaka set up." Puna ni rukawa sa buong venue para sa kasal.

"Yeah! Akala ko rin simple lang din, mga kaibigan ko gumawa nito nag tulong tulong na sila para dito." Sagot ni sakuragi sa sinabi ni rukawa, maya maya pa'y humudyat na ang organizer na dumating na ang bride.

Nagsi pila naman ang unang maglalakad sa gitna ng aisle. Napakaganda ng ganap sa loob ng simbahan, parang hindi ito ginawa sa panandaliang oras lang, napaka organize kasi ng detalye ng bawat design.

Nagsimula na sa pag lalakad ang flower girl kasunod ang ring bearer hanggang sa mag tuloy tuloy ang seremonya. Hanggang sa matapos, ang nakasarang pintuan ng simbahan napatingin ang lahat ng mga bisita. Inaabangan nila ang bride sa usot nitong gown.


Unti unti nang bumubukas ang pintuan, ang maaninag ang sinag ng araw sa hapong iyon ay nakadagdag sa ganda ng ambiance. Si aki na nasa labas ng simbahan ay tila naiiyak sa gulat ng makita kung gaano kaganda ang loob nito.


Sa mga nakausap niya sa oras na iyon sa boutique, alam niyang hindi lang basta pag aayos ang ginagawa nila para sakanya kanina. Meron din kasing mga wedding gown kaya hindi na nagulat si aki nang suotin niya ang isa sa magandang klase ng gown doon.


Habang binabaybay niya ang daan patungo sa red carpet patungong dulo kung saan nag aabang ang mapapangasawa niya. Lubos ang kaligayahang natatamasa niya, kakauwi palang nila galing america ngunit ito na, nangyayari na iyong pinapangarap at iniimagine niya na kasama ang taong pinakamamahal niya. She couldn't ask for anything else, dahil nasa harap niya na ang matagal niya nang hinihiling.



Ang anak nilang si saki ang naging ring bearer nila na cute na cute sa suot nitong black suit, napakagwapo nito lalong tignan.


Nasa kalagitnaan na si aki sa paglalakad ng makita niya ang kanyang ina, umiiyak ito at hindi malaman kung ano ba ang nararamdaman sa mga oras na iyon. Napabaling ang tingin ni aki sa ibang direksyon at doon niya nakita ang ama na may kasamang pulis na nagbabantay sakanya. Unti unti na ring naiintindihan at nauunawaan ni aki ang totoo talagang nangyari, na lahat nang ginawa ni sakuragi para sakanya at sa pamilya nila ay walang katumbas na halaga.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon