chapter 68

123 19 6
                                    

Sa itaas kung saan nanunuod ang iba't ibang manlalaro na nag rerepresent ng kani-kanilang school ay namamangha sa angking galing ni sakuragi at rukawa. Ibang klaseng pinag samang galing na hindi mo kailanman maihahanlintulad sa mga manlalarong ilang beses na munang nag ensayo para lamang maging magkasundo. Sa kilos palang na ipinakita ni sakuragi kanina ay halos tila kabisado niya na ang gagawin ni rukawa, ni hindi nga ito nag abalang tumingin sa lokasyon ni rukawa at agad na ipinasa ang bola.

Ganon marahil kalakas ang kompyansa niyang masasalo ito ni rukawa at ito ang makakashoot ng bola. Sa gaanong paraan ng pakikipag teamwork masasabi na ng lahat na may pag asa manalo ang ganyan ugali ng pag lalaro.

"Bilang isang manlalaro din, inaamin ko na napapabilib na ako ng husto sa ipinapakitang galaw ni sakuragi at rukawa." Saad ni nobunaga na nakadungaw mula sa itaas. Pinag mamasdan ang nangyayaring laban sa ibaba, limang minuto nalang ang natitira sa oras ng first quarter kaya pursigido rin ang team shoyo na mahabol man lang kahit papano ang score ng okaido.

"Sinabi mo pa, halos kilabutan ako sa bawat dunk at pag assist na ginagawa nila sa isa't isa. Nandoon talaga iyong matibay na teamwork nila sa isa't isa." Gatong pa na saad ni jin na halatang halata sa itsura ang pagkatuwa. Tanging si maki lamang ang tahimik na nakamasid kay fujima, nag tataka kung bakit hindi ito lumalaban pa?

"maki? Ayos ka lang ba? Kanina ko pa napapansin na natahimik ka?" Tanong ni jin.

"nagtataka lang ako sa kinikilos ni fujima, hindi naman kasi siya ganyan maglaro noon e." Pagpunang anas ni maki na ang tinitignan naman ay si sakuragi na nakahawak sa tagiliran.

"baka may pinaplano? Hindi naman agad iyan magpapatalo ng ganon ganon lang, nawitness na natin kung gaano rin kagaling si fujima kaya tiyak ako na may gagawin siya na ikakagulat nating lahat." Napaisip din sa bagay na iyon si maki, pero mukhang nasisira talaga ang paglalaro nila dahil sa bago nilang kateam na nanggaling pa sa nagoya high, kilala itong si ezekiel na maruming maglaro.

'Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit hindi nakakapag pokus si fujima?' Anas sa isipan ni maki bago pinag masdang mabuti si ezekiel.

Sa loob ng court kung saan muling nag simula ang laban, okaido 19 samantalang ang shoyo ay 11 napakaganda kung titignan dahil sa higpit ng okaido sa shoyo.

"Wag niyo ng hahayaan na masundan pa tayo team, kung maaari lang ay tambakan na natin sila." Anas ni tetsuya na ikinasigaw ng kateam nila, ngunit si sakuragi lang ang expressionless na walang pakialam sa paligid. Nahihirapan parin kasi itong huminga dahil sa ginawang pag siko ni ezekiel sakanya.

Bahagya na rin itong namumutla kaya nag aalala si rukawa para sa kaibigan. Hawak ng team shoyo ang bola at si fujima ang nag papasok nito, wala na itong sinayang na oras at agad itong umatake sa depensa ni takasugi na hindi na nagulat sa nangyari dahil na lagpasan na naman ulit siya ni fujima na parang kidlat na nawala.

Muling nag kaharap si fujima at sakuragi, napansin ni fujima ang pamumutla ni sakuragi kaya napakunot ang noo niya. Pero isinawalang bahala niya ito at sinubukang makatakas sa pag babantay nito, ngunit laking gulat niya ng mabilis niya lang na naiwasan si sakuragi. Napasinghap din ang mga kasamahan nito sa nangyari kaya napahiyaw sila.


"sakuragi?" Sigaw ng mga manunuod sa pangalan niya. Sinubukang sundan ni sakuragi si fujima ngunit huli na dahil naipasok na nito ang bola sa basket nila.

"nice one captain." Saad ni hanagata.

okaido 19
shoyo 13

Agad na dinaluhan ni rukawa si sakuragi ng makita ang pamumutla nito. Pambihira, mukhang napuruhan talaga ng maigi ang tagiliran ni sakuragi dahil sa lakas ng paniniko ni ezekiel kanina.

Nakita iyon ng team captain nila kaya agad na sumenyas sila sa kanilang coach na kailangan nilang mag time out kaya agad na tumango ang coach nila. Nag aalala namang tumakbo palapit si aki kay sakuragi na sapo ang tagiliran.

"A-anong nangyari? Bakit namumutla si sakuragi?" Tarantang tanong ni aki na pinupunasan ang noo ni sakuragi dahil sa pamumuo ng pawis nito doon.

"M-masakit tagiliran ko. H-hindi ako makahinga ng ayos." Saad ni sakuragi na dahang dahang itinaas ang jersey shirt at tumambad sa kanilang mga mata ang bahagyang pamumula at pag violet ng tagiliran ni sakuragi.


"saan niya nakuha ang pamamaga niyan?" Tanong ni aki na agad na inutusan ang ilang member na kumuha ng yelo at ilagay sa malinis na twalya.

"Si ezekiel, siniko niya ng malakas si sakuragi ng mapagitnaan nila ni fujima  si sakuragi kanina." Saad ni rukawa na nakatiim ang bagang.

"tsk! Bat hindi man lang nakita referee iyon?" Inis na saad ni aki na mahablot na kinuha ang towel na may yelo at dahan dahan na idinampi sa namamagang parte ng tagiliran ni sakuragi.

"napakalaking siraulo talaga ng isang iyon." Galit na saad ni captain tetsuya habang masamang nakatingin sa grupo ng shoyo. Nakatingin din pala sakanila si fujima at hanagata na nakakunot ang noo.

"Ilalabas na muna kita sakuragi, kailangan mong ipahinga yan." Saad ni coach na ikinaangat naman ng ulo nito.

"hindi na kailangan coach, kaya ko pa naman ang sarili ko. Tsaka may gagawin pa ako." Anas  ni sakuragi sa malamig na boses.  Wala namang nagawa ang mga kasamahan nito dahil sa tigas din ng ulo ng kausap nila.


"Pwes, hindi ako mananahimik lang sa isang tabi habang nakikita ko na pinapahirapan ka nila. Kaibigan mo ako sakuragi, kaya paumanhin kung makakagawa ako ng bagay na maliligtas ka." Anas ni rukawa na ikinatingin ng lahat dito. Seryoso itong nakatingin kay sakuragi habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ngumisi si sakuragi bago tumayo sa kinauupuan na parang wala lang.



"tss. Umayos ka nga soro, bina baklaan kana ba?" Pang aasar ni sakuragi kay rukawa, ngumiwi si rukawa bago inis na binatukan si sakuragi.


"Tanga. Mas gwapo naman ako na di hamak sa yo." Anas ni rukawa


"Wala ka namang girlfriend." Sagot naman pabalik ni sakuragi na ngumingisi ngisi pa.


"Masaya na ako kahit wala akong girlfriend. Tsk! Tara na nga, andami mong alam." Saad ni rukawa na  hinintay matapos ang ilang minuto bago matapos ang time out nila.

sa kabilang dako kung saan seryosong nag uusap ang shoyo, napansin iyon ni hanagata at fujima ang pagbabago biglaan ni sakuragi.

"bakit kaya sila nagpa time out?" Curious na tanong ni hanagata


"Wala rin akong ideya. Pero ang pinagtataka ko lang kanina, namumutla si sakuragi." Saad naman ni fujima na lalong ikinakunot noo ni hanagata.

Biglang sumagi sa isipan ni fujima ang ginawang pag siko ni ezekiel kanina. Hindi niya iyon makalimutan dahil masakit ang ginawa nito.


"ezekiel? May ginawa ka ba?" Tanong ni fujima sa malamig na boses.


"Bat ako agad ang nakita niyo? Wala akong ginagawang masama." Sagot ni ezekiel na lalong hindi pinaniwalaan ni fujima.


"siguraduhin mo lang dahil hindi kana muling makakalaro ng basketball sa oras na gumawa ka ng katarantaduhan."

pumito na ang referee kaya agad na nag sipasukan ang mga manlalaro sa loob ng court. Kapansin pansin parin ang pamumutla ni sakuragi ngunit hindi nakabawas doon ang matatalim at malalamig nitong titig.



"mag sisimula na ang totoong laban."



*****
(a/n: bawi ko guys.. alam ko tagal na magmula ng mag update ako. Sobrang BUSY lang talaga kaya wala akong choice kundi huminto muna sa pag sulat. Malapit na rin ang exam namin. Nararamdaman ko ang pressure😭😭)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)On viuen les histories. Descobreix ara