chapter 61

156 22 6
                                    

"lumabas na kayo oras na para magpakita sa mga manunuod." Anunsyo ng coach ng okaido, nakaabang narin sa labas ang ilang member samantalang ang starting five na si tetsuya, shintaro,  takasugi, rukawa at sakuragi ay naiwan sa loob upang mag usal ng panalangin.

Nasa labas din ang ilang team ng shohoku upang ibigay ang suporta sa team okaido. Natuwa naman ang ilan dahil mukhang nagiging malapit na ulit ang shohoku ngunit si sakuragi nalang ang tanging naiiba, wala parin itong planong makipag usap sa mga ito.


nang makalabas sila sakuragi ay tinignan nya pa ang ilang kasamahan na nasa labas bago bahagyang tumango at naglakad na pauna, sinundan ito ng apat na walang imik ngunit nakikiramdam. Sumunod narin ang ilang kateam at ang mag ama na nagkakatitigan dahil sa napansin.


Lumiko naman sa ibang direksyon ang team shohoku patungo sa bench nila. Nandoon ang lahat para manuod at sumuporta, maging ang ryonan ay nanunuod din, halos kumpleto sila upang masaksihan muli ang larong ipapalaganap ni sakuragi laban sa shoyo.

Pagkapasok palang ng team shoyo ay naghiyawan na ang maraming taong sumusuporta sa mga ito, pinangungunahan ito ni kenji fujima na blangko ang expression. Wala itong karea reaksyon bagkus ay nakatingin lang ito sa pintuan na papasukan nila sakuragi.

Nang tinawag naman ng emcee ang Team okaido tila umalog ang kanilang nilalakaran dahil sa lakas ng pagsigaw at pagtap ng kani kanilang paa sa taas. Bukang bibig ng mga ito ang pangalan ni sakuragi na wala namang emosyong tinignan pabalik si kenji, sa tinginan palang ay mahahalata mong may mga malalaman iyong kahulugan.


"assemble!" Sigaw ni captain tetsuya sa mga kakampi, nagsilapitan naman ang mga ito at nag usap na sa unang gagawin.


hindi naman nakikinig si sakuragi, nakapikit lamang ito habang kunot na kunot ang noo. Lumapit si aki dito para sana kausapin ngunit iminulat na ni sakuragi ang mata bago tumayo, todong nalungkot si aki sa ginawang pag iwas ni sakuragi sa kanya. Apat na araw na ang nakakalipas magmulang maging malamig ang pakikitungo nito sakanya.

Wala kasi siyang maisip na dahilan para iwasan siya nito ng ganito, tinapik siya ni shintaro sa balikat bago tipid na ngumiti.


"Ngumiti ka lang manager, hindi sayo bagay kapag malungkot ka. Baka may dahilan lang siya kung bakit ka niya iniiwasan." Pagpapagaan na saad ni shintaro kay aki na tipid lang na tumango at muling tumingin kay sakuragi na nakatungo lang sa pinaka dulo ng upuan.


Dalawang minuto na lang ang natitira at magsisimula na ang laban, nagpapractice sa pag shoot ang team okaido at maging ang team shoyo.

nang biglang...

*Blaaag*

napatingin sila sa kabilang court ng marinig nila ang malakas na pagkalabog ng headboard dahil sa lakas ng impact na ginawa ni ezekiel na dunk. Pagkababa niya ay nanunuya siyang tumingin kay sakuragi habang nakaturo ang daliri nito sa direksyon ni sakuragi, inirapan naman siya ng huli kaya hindi mawari ng mga taong nakakita kong matatawa ba o maiinis sa pagiging suplado ni sakuragi.


"Tablado siya eh! Kausapin ba naman ang lalaking pinag lihi sa sama ng loob." Saad ni kiyo na narinig naman ni sakuragi. Sinamaan siya nito ng tingin kaya ngingisi ngisi itong umatras bago tumalikod.



"Ano bang nangyayari sa dalawang ito? Pansin ko ang lamig na nila sa isa't isa." Saad ni takasugi na ang pinupuna ay si sakuragi at rukawa na may sarili ding mundo.


"wala rin akong idea, kahit nga si aki na kasama nila ay wala rin alam sa nangyayari sa kanila e." Sabat naman ni kiyo sa usapan, narinig iyon ni aki ngunit wala naman siyang sinabi sa mga ito bagkus ay natahimik nalang siya at nag isip.


matapos ang two minutes ay pinapasok na sila ng referee sa loob, unang pasok palang nila ay halos mabingin na sa ingay ang mga manlalaro dahil sa todo bigay na suporta sakanila.

Ang nag jump ball ay si sakuragi at ezekiel na may ngisi sa labi, tinitignan na siya ni sakuragi na parang wala lang kaya nakaramdama ng irita doon si ezekiel.

"Nagharap na naman tayong dalawa, dito natin makikita kong sino ba ang totoong magaling." Saad ni ezekiel na nagmamalaki pa sa harap ng huli.



"Sa dami mong sinabi wala ni isa akong pinaniwalaan, patunayan mo nalang." Sabay talon ng mataas ng ibato ng referee ang bola ng mataas. Nagulat si ezekiel doon kaya hindi siya agad nakatalon pa, tagumpay na naihampas ni sakuragi ang bola sa direskyon ni rukawa.

Nagkatinginan ang dalawa sabay tango sa isa't isa. Nang makuha ni rukawa ay walang pag dadalawang nitong tinira ang bola mula sa three point line. Napa atungal ang mga manunuod dahil sa nasaksihan nilang flawless na pag release ng bola ni rukawa.

Agad na nakakuha ng tatlong puntos ang okaido team na ikinapalpak at hiyaw ng mga manunuod. Todo cheer sila sa mga iniidolo nilang manlalaro, nag apiran pa si rukawa at sakuragi sa isa't isa kaya napapakamot sa ulo nalang ang mga kateammates nila.

Okaido 3
Shoyo 0

Tumungo naman si ezekiel kay rukawa at nakita iyon ni sakuragi kaya nilapitan niya ito upang balaan.

"Naka chamba ka lang kaya wag kang mag malaki dyan." Saad ni ezekiel kay rukawa na talagang nilapitan para lang sabihin ang mga katagang iyon. Ngumisi si sakuragi sa narinig.


"Heh! Chamba huh? Sinasabihan mo ang bestfriend ko na isa sa magaling sa kanagawa." Pagmamalaking saad ni sakuragi na bahagyang kinagulat ni rukawa, nakaramdam ito ng kaginhawaan dahil sa sinabi ng kaibigan niya.


"Tss. Ngayon lang naman niya magagawa iyan e. Sisiguraduhin ko na hindi niya na mauulit pa yan." Tumalikod na si ezekiel at aalis na sana ng magsalita si sakuragi.


"Subukan mo, subukan mo lang gumawa ng ikakasira ng paglalaro ng okaido." Lumapit si sakuragi ng ilang pulgada kay ezekiel.    "Dahil ako mismo ang dudurog sayo. Hindi kita binabantaan, sinasabi ko lang kung ano ang aking kakayahan." Saad ni sakuragi bago ngumisi at pag tap nito sa balikat ni ezekiel.


Nasa team Shoyo na ang bola at pinapasok na ito ni kenji fujima, agad na nag handa si takasugi sa gagawing atake ni kenji ngunit padefense palang siya harapan nito ay mabilis siya nitong crinoss over mula sa kaliwa kaya napalingon siya dito na may gulat na expression.





'Ang bilis niya..' bulalas na bulong ni takasugi sa kanyang isipan bago tumakbo at sinundan ito. Nasa harapan na ito ni captain tetsu si fujima kaya nag ready narin ito sa gagawing pag tira, nang iumang nito ang kamay para sa lay up shoot ay mabilis din itong umiwas ng subukan ni tetsuya'ng iblock ito.



Napangisi si takasugi dahil wala ideya si kenji fujima na nasa likod siya, aabutin niya na sana niya ang bola ng mapanganga siyang mabilis nitong diniribble ang bola kasabay ng pag backward step nito at release dito.




"Isang fade away shot!" Saad ni kiyo na napatayo pa mula sa kinauupuan nito .




wala namang naging reaksyon si sakuragi sa ginawa ni fujima, maging si rukawa ay naka poker face lang samantalang si ezekiel ay nagmamalaki sa ginawa ni fujima.





'hindi naman pala masama ang magiging araw ko ngayon e.' Bulong na saad ni sakuragi at rukawa sa kanilang sarili.




*****
(A/n: sorry sa very late upload.. andaming assignment na iniatang samin, nag drawing pa kami kaya lalo akong naging busy. Pasensya na.)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Där berättelser lever. Upptäck nu