chapter 99

78 10 2
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 99;

Continuation...

*****

Matapos sabihin iyon ni sakuragi ng nakamgisi sa limang lalaki, tila naangasan ang mga ito kaya kahit walang hudyat na magsisimula na ang laro ay agad sumugod si green na buhok.

Napanganga sila mito at ang tatlo dahil sa nakita nilang ginawa nito. Imbes na idribble ang bola ay tinakbo lamang nito iyon habang binabangga ang mga humaharang sakanya.

Gusto man umapila ng apat sa ginawa nito subalit nakita nila kung paano nagbago ang mood ni sakuragi, naexcite marahil ito dahil pisikalan pala ang gusto nito.

Napadain ang isa sa kakampi ni sakuragi ng malakas itong sikuhin nang isa ng subukan nitong tumakas sa pagbabantay. Si green hair naman ay malawak na ang pagkakangisi ng makitang tulala lamang si sakuragi na nag aabang sa pagdating niya.

Sampung baitang nalang ang nailalayo ni green hair kay sakuragi ng ihagis nito ang bola sa ring, napataas kilay si sakuragi sa nakita bago walang habas na iblinock ito ng malakas patungo sa direksyon nito pabalik.

Nanlalaki ang mata nito sa gulat nang saktong tumama sa mukha nito ang bola. Aangal pa sana ito ng mabilis mawala sa harapan niya si sakuragi, habang nakuha naman ng isang kakampi ni sakuragi ang bola.

Pinasa naman nito iyon ng mabilis kay sakuragi dahil paparating ang dalawang lalaki na bigla nalamang itong dinambahan. Nang makuha iyon ni sakuragi, drinibble niya ito kahit na paparating na ang tatlo sa direksyon niya.

Tila sinapian si sakuragi ng bigla siyang kilabutan ng mahawakan ang bola at kung paano niya ito idribble na walang kahirap hirap sa mga kamay niya. Tatlo na ang nag babantay subalit mas ginanahan parin siya sa nakikita.

'Isang buwan na magmula ng tumigil ako sa paglalaro, ang sarap sa pakiramdam.' anas ni sakuragi sa sarili bago walang ano ano'y mabilis na nag fake cross over pakanan na sinundan ng mga ito. Kumaliwa si sakuragi at muling kumanan, nakatakas naman siya mula sa pagbabantay ng mga ito ng maout balance ang isa.

Mabilis niyang drinibble ang bola, ang mga taong nanunuod ay nag sihiyawan na dahil sa agresibong galaw ni sakuragi.

"Gagi mga tol, ang angas ng ginawa niyang fake cross over. HAHA! mahilo hilo ang mayayabang na hindi naman marunong  maglaro ng basketball." Anas ng lalaki sa may bahagi ng puno. Kasama nito ang ilan pang nakikisilong din dahil medyo mainit.

"Sinabi mo pa, akala ko nga magaling maglaro dahil natalo iyong apat iyon pala ginawang american football ang laban." Anas pa nang isa malakas na tumawa.

Naipasok ni sakuragi ang bola ng walang kahirap hirap, hinarap niya pa ang mga ito ng may blangkong expression bago mabilis na pinasa sa green hair ang bola.

"Kayo Naman." Malamig ang boses na anas ni sakuragi

"T-tse! Mayabang ka, foul iyong ginawa mo kanina. Pinatumba mo iyong isa kung kasamahan." Pagmamagaling ni green hair na akala mo hindi foul simula palang ng laban nila.

"Walang foul foul pag dating satin, kung gusto mo ng pisikalan ibibigay ko sainyo. Tumira kana, ang dami mong dada." Maangas na bira ni sakuragi na hinihanda ang sarili.

"Kayo? Bantayan niyo ang isang yan, tapusin na natin ang laban." Utos ni green sa apat, nailing Naman si sakuragi bago walang emosyon tumitig dito.

Nang mapalibutan si sakuragi ng apat, mabilis na sinugod ni green hair ang distansya ng ring, nasa ilalim non si sakuragi na may apat na nag babantay. Bagamat apat ang nag babantay at may humahawak pa ng damit niya.

Buong lakas niya itong tinalunan na kinagulat ni green hair, naabot parin kasi ni sakuragi ang bola sabay kuha nito ng walang kahirap hirap. Ang apat naman ay nanlalaki ang mata dahil sa gulat.

"H-halimaw ka, imposible apat na kaming nagbabantay sayo pero walang kahirap hirap mo kaming dinala pataas.." exaggerated na sagot ng isa

"Nagawa mo pang iblock iyong ititira ko." Anas ni green ang buhok.

"Ang OA niyo naman, sadyang mahina lang kayo kaya mabilis ko kayong napatumba. Malakas ako e, malamang na matatalo ka." Sabay tawa ni sakuragi na kinatinginan ng apat na mga kaibigan niya.

"The hell, bumalik na ang hambog na si sakuragi." Anas ni takamiya

Natapos ang laban ng si sakuragi lamang ang gumagawa ng paraan para manalo, para na ngang 5 vs. 1 ang laban dahil nanuod na lamang ang apat na kakampi ni sakuragi sa kanila.

Masaya naman ang apat sa nakuhang pera, napag desisyunan ng mga ito na kumain sa ramen house.

"Bumalik na nga ba ang dating hambog na si hanamichi sakuragi?" Pagtatanong ni takamiya dito

"Pinagsasabi mong taba ka," singhal ni sakuragi na binatukan si taba sa ulo

"Ganda ng laban niyo kanina, nagulat ako nung tinakbo ni green hair iyong bola." Panimulang anas ni mito na natatawa.

"HAHAHAHHAHA yabang yabang pa nung una e. Iyon pala hindi alam ang patakaran ng laro." Gatong pa na saad ni noma sabay tawa ng malakas na sinundan pa ng tatlo.

Wala namang emosyong sumunod si sakuragi sa mga ito, hanggang sa malapit na sila sa ramen house na pupuntahan nila. Napakunot na lamang ng noo si sakuragi ng matigil sa pag iingay ang apat,

"Bat natahimik kayo-." Natigil sa pagsasalita si sakuragi ng makita niya ang tinitignan ng apat. Nawala na naman ang emosyon ni sakuragi nang makita ang matagal niya nang hindi nakikita na.

"Tara na.." anas ni sakuragi bago tinulak ang apat palakad dahil ilang distansya nalang naman ang layo ng ramen house sa pwesto nila.

Lalagpasan na sana ito ng apat ng hawakan ni haruko ang kamay ni sakuragi.

"Sakuragi, Pwede ba tayong mag usap?" Mababa ang boses na saad ni haruko. Winaksi ni sakuragi ang kamay ni haruko na nakahawak sa kamay niya.

"Umalis kana haruko, hindi ko pa kayang kausapin ka ngayon." Malamig ang boses na saad ni sakuragi

"Pero sakuragi... Kakausapin ko si aki para sayo, sasabihin ko na ang lahat para maging ayos na kayo." Napatingin si sakuragi sa sinabi ni haruko, naiiling din siya at natawa bigla.

"Kakausapin? Bakit ngayon pa? Huli na para sa bagay na iyan haruko, ayaw ko nang madagdagan pa sakit na nararamdaman ko. Kung ayaw nila sakin, ayaw ko narin sa kanila." Anas ni sakuragi na tumalikod at maglalakad na sana ng makita niyang nasa di kalayuan si aki at rukawa na magkasamang nagkakatuwaan.

"See, masaya na siya, kaya wala na akong dahilan para guluhin pa sila." Matigas at walang emosyon saad nito bago nakapamulsang dinaanan ang dalawa na nagulat pa sa presensya niya.

Si aki na natameme at si rukawa na magsasalita pa sana ngunit nilagpasan lamang sila ni sakuragi na parang di sila nakita.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon