chapter 150

116 11 6
                                    


Continuation...

 

     Agad napigilan ang balak ni sakuragi sa pag sugod kay kotaro ng hawakan siya ni doss at uno sa braso, ramdam ng dalawa ang panginginig ng katawan ni sakuragi dahil sa galit na nararamdaman nito para sa kaharap. Tinanguan ni doss si uno bago inilayo si sakuragi doon.

"Hanamichi, huminahon ka.. alam kong mahirap para sayong harapin iyong taong gumawa nito sa lolo mo, pero wag mong hayaan na lamunin ka nang galit mo." Pagpapagaang sabi ni uno dito

Napahilamos na lamang ng palad sa mukha si sakuragi dala ng frustration, habang pinipigilan Niya ang galit na nararamdaman niya, mas lalong humuhusbong ang kagustuhan niya na saktan ito.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko? Patay na ba lolo mo?" Pagngising tanong ni kotaro, pumikit nang mariin sakuragi bago bumuntong hininga ng malalim. Bago nginisihang hinarap si kotaro na ikinagulat nito, hindi ang reaction ni sakuragi ang gustong makita ni kotaro kundi ang galit nito mismo.


"Sakuragi, wag mo siyang pakinggan, prino'provoke ka lang niya para mas lalo ka lang magalit sakanya. Pigilan mo ang galit mo." Bulong muling panayam ni uno, tumango si sakuragi sa sinabi ni uno habang tinitignan si kotaro.


"Buhay na buhay pa ang lolo ko, mukhang mauuna ka pa nga yata sakanya e. Sayang, hindi mo makikita ang apo mo bago ka mamaalam." Pang uuyam na ani sakuragi kay kotaro, gusto niyang galitin ito sa pamamaraan nang pananalita niya, kung hindi niya ito masaktan ng pisikalan, pwes sasaktan niya ito sa mga salita niya nalang.

napakunot noo naman ito sa sinabi ni sakuragi. Tila hindi nakuha ang kanyang huling sinabi?

"Anong pinag sasabi mong apo?" Giit ni kotaro, bakas na bakas sa mukha nito na naguguluhan ito. Mas tumand ang itsura nito ngayon, di tulad noon na maayos tignan.

"Anak naming dalawa ni aki, pitong buwan na siyang nag dadalang tao at ako ang ama ng dinadala niya, wala ka man lang bang balak maging mabuting lolo para sa magiging apo mo." Anas ni sakuragi, seryoso na nitong tinitignan si kotaro. Gusto niyang hintayin ang magiging reaction nito sa oras na sabihin niya ang kalagayan ng anak nito.

Nanlalaki ang mata ni kotaro sa sinabi ni sakuragi sakanya, kahit nahihirapan ay tumayo ito at hahablutin sana ang kwelyo ni sakuragi ng hawakan siya ng dalawang tauhan.

"Buntis ang anak ko? Pinagsamantalahan mo siya, Ginahasa mo ang anak ko." Pagsigaw sa galit na ani kotaro nang bintang kay sakuragi. Wala namang emosyong pinagmasdan ni sakuragi ang kaharap.

"Nah! Malaki ang respeto ko sa anak mo, hindi ko iyon gagawin kung hindi ginusto ni aki na may mangyari samin. Wag kang mag alala, aalagaan ko ang anak mo at ang magiging apo mo." Ngising saad ni sakuragi bago tumalikod at tinap ang balikat ni doss.

Ngunit huminto si sakuragi at muling may iniwang salita...


"Galit na galit ako sayo sa lahat nang ginawa mong pagpapahirap sakin, hinding hindi ko makakalimutan iyong mga iyon. Pero dahil tatay ka nang babaeng pinakamamahal ko, isinantabi ko iyon alang alang sa respetong natitira para sayo. Mahal na Mahal ko ang anak mo, kung ano mang pagkakamaling nagawa ko noon lubos na pinag sisihan ko iyon at napagbayaran ko na iyon." Anas ni sakuragi sa malamig na tono, hindi nakaimik si kotaro .

"Kayo na ang bahala sa kanya, wag niyong papatayin.. wag niyo lang pakainin sa loob ng isang linggo, pagkatapos dalhin niyo na sa presinto." Ani sakuragi kay doss at uno na kinatango ng dalawa.

"Noted. Kami na ang bahala sa kanila." Ngising sagot ng dalawa.

Hanggang sa tuluyan na ngang makalabas si sakuragi mula sa loob, doon lamang nabalik sa wisyo si kotaro.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now