chapter 83

125 9 4
                                    


Nakalipas ang ilang minuto at natapos na nga ang first half, sa loob ng isang minuto ay nagawan naman din ng paraan ni fujima na makapuntos sa tulong ni hanagata at ng iba pa nitong member.

Okaido 47
Shoyo 35

Nasa loob na sila ng kwarto na para sa mga basketbolista upang mag pahinga, 10 minutes pa bago mag simula ang sunod na laban nila sa second half.

(a/n: *Not aware po sa laro ng basketball kaya paki tama po if may mali po ako. Salamat)

"sakuragi, mag pahinga ka muna, kayong dalawa ni rukawa." Saad ni aki ng may dala dala itong honey lemon na nakalagay sa garapon.

"Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang second half kaya hindi na kailangan pang mag pahinga." Sagot ni rukawa sabay kuha ng garapon sa kamay ni aki, ito ang unang kumain non.

"Tsk! Inunahan mo pa talaga ako sa pagkain niyan.."singhal na saad ni sakuragi sabay hablot sa garapon na hawak ni rukawa.

"napaka damot mo, eh sa pang lahatan naman yan, hindi lamang sayo." Anas ni rukawa na pilit inaabot ang garapon.

"Tsk! Nandoon iyong sainyo oh! Bat nakiki agaw ka ng sakin?" Bulyaw ni sakuragi sabay sipa nito sa tagiliran si rukawa, mahina lamang iyon subalit napa upo parin ito sa sahig.

"Tsk! Damot mo, bestfriend pa man din kita, tas ganyan ka sakin." Tila nag tatampong saad ni rukawa sabay nag dabog na tumayo at tinungo ang pwesto ng ilang player.

"Oh! Nakasimangot ka dyan rukawa?" Puna ni shintaro na narinig din ni sakuragi at aki

"Tsk! Pinag tatabuyan na ako ng bestfriend ko, porket may girlfriend na siya, hindi na ako mahalaga para sakanya." Napangiwi si sakuragi sa narinig, napabungisngis naman si aki sa nakitang reaksyon ng kasintahan.

"Kadiri ka naman, umayos ka nga rukawa." Sigaw ni sakuragi na ipinapakita talaga na nandidiri siya sa pagiging clingy ngayon ni rukawa sakanya.

Hindi nag salita o nag react man lamang si rukawa sa sinabi ni sakuragi, patuloy lamang itong kumakain kasama ang ilang member.

maya maya pa ay may kumatok mula sa pintuan ng kanilang kwartong pinag papahingahan. Nang buksan ito ni takasugi ay ang buong team shohoku pala ito, si akagi, miyagi, haruko, ayako, kogure.. ang tanging wala lamang doon ay si mitsui dahil nasa labas lamang ito habang nakasandal sa pader. 

"oh! kayo pala akagi, pasok na muna kayo." Aya ni tetsuya sa mga ito, ngunit umiling lamang ang mga ito sabay tingin kay sakuragi na walang emosyong nakatingin sa kinakain na honey lemon.

"sakuragi? Pwede kaba naming makausap?" Malumanay at malambing ang boses na pakiusap ni haruko, nakaramdam ng hindi magandang tensyon sa pagitan ni aki at haruko dahil doon.

"Love? Gusto ka raw kausapin ng dati mong myembro!" Saad ni aki kay sakuragi na medyo nilapit ang mukha sa tenga ni sakuragi, bahagyang iniharap ni sakuragi ang ulo dahilan upang aksidenteng magkalapit ang mukha ng dalawa.

"Gusto mo bang kausapin ko sila?" Tanong ni sakuragi sa kasintahan, medyo nagulat si aki sa naging tanong ni sakuragi pabalik hanggang sa maramdaman niya ang unti unting pamumula ng kanyang pisngi.

"M-marahil may importante silang gustong sabihin sayo k-kaya kausapin mo na sila." Kanda utal na saad ni aki, napangiti si sakuragi dahil doon bago pinag masdan si aki na may puno ng pagmamahal sa kanyang mga mata.

"Okay, sige. Masusunod master." Malambing na sagot ni sakuragi kay aki na kinindatan pa ito.

meanwhile, habang pinag mamasdan ni haruko si sakuragi at aki ay nakaramdam siya ng inggit at pang hihinayang, naiinggit siya sa katayuan na meron si aki dahil siya dapat ang nasa posisyon nito ngayon, siya dapat ang nilalambing at kinakausap ni sakuragi ng ganyang kalapit.

May kung anong galit at inis na nararamdaman si haruko para kay aki at may kung anong bagay siyang naiisip upang manumbalik ang pagtingin sakanya ni sakuragi.

"Sakuragi, pwede ka naman namin makiusap diba? Kahit saglit lang.." muling malambing na pakiusap ni haruko, nakaramdam si ayako sa biglaang paglambing ng boses ni haruko na nasa tabi niya.

"Limang minuto lang, hindi ako pwedeng magtagal dahil gusto ko ilaan ang ilang minuto sa girlfriend ko." Walang pag aalinlangang sagot ni sakuragi bago tumayo mula sa upuan. Tinap din nito ng marahan ang ulo ng kasintahan bago hinalikan sa noo.

"babalik din ako saglit, baby. Dito ka lang at wag kang lalabas." Bilin na saad ni sakuragi kay aki na tumatango habang may malawak na pagkakangiti.

"Opo, love. Dito lang ako at hindi aalis." Sagot naman ng huli, ngumisi ito bago tumingin sa pintuan na walang kaemo emosyon.

"Sa labas nalang tayo mag usap." Suhestiyon ni miyagi bago nag patiuna sa paglalakad na sinundan naman ni akagi, ayako,kogure...nagpahuli si haruko upang makasabay si sakuragi.

"kamusta ka naman sakuragi?" Mahinhin ang boses na tanong ni haruko kay sakuragi, tumingin si sakuragi kay haruko ng ilang segundo bago muling ibinalik ang tingin sa daan.

"Nakikita mo naman siguro ang sagot sa tanong mo diba? Na ayos lang ako." Malamig at tila hindi interesadong sagot ni sakuragi sa kaharap.

Napahiya si haruko sa naging pabalang na sagot ni sakuragi subalit ipinasawalang bahala niya na lamang ito bago ngumiti.

"Masaya ako ulit na makita ka sakuragi, ibang iba ka na talaga ngayon. Napakalakas mo na at galing sa pag lalaro." Puno ng paghangang anas ni haruko, narinig iyon ni sakuragi at ang medyo malapit na si ayako kaya napapakunot ang noo nito sa biglaang pag lambing ni haruko.

"Nag eensayo ako palagi, kaya mas nahasa ako at mas naging magaling pa, nandyan rin kasi ang girlfriend ko na nakaagapay sakin.." sagot ni sakuragi na ikinawala ng masayang ngiti ni haruko, napalitan iyon ng inis at dismaya.

"H-hehe, ganon ba? Magaling ba siyang mag turo? Pansin ko kasi halos lahat ng member ng okaido is... malapit sakanya, balita ko rin na may nanliligaw sakanya.. alam mo ba ang tungkol doon?" nabigla si ayako sa narinig mula kay haruko, hindi niya akalain na masasabi ito ni haruko.

"Oo, alam na alam ko dahil kaibigan ko rin naman ang tinutukoy mo na nanliligaw 'NOON' sa girlfriend ko. Takasugi ang pangalan niya." Pasarkastimong sagot ni sakuragi

" Pero.. bat nagustuhan mo parin siya kahit na alam mong may iba na pala siya?" Anas muli ni haruko

"Ha? May iba siya? Wala siyang naging iba, dahil ako lang naman ang minahal niya...kilala ko ang girlfriend ko kaya kahit ano pang sabihin mo hindi ako maniniwala sa sasabihin mo." Anas ni sakuragi bago mabilis na naglakad paalis.

" Ano bang ginagawa mo haruko? Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni ayako na hinila pa sa gilid si haruko.

"Nakakainis. Nakakainis talaga ang aki na yan, kung hindi lang siya nakisali marahil hanggang ngayon ay nasa akin parin ang atensyon ni sakuragi." Gigil na saad ni haruko na hustong kinagulat ni ayako.

"Haruko? Ayos ka lang ba?" hindi makapaniwalang pag tatanong parin sa kaharap.

"Makikita mo aki, aagawin ko at kukunin ang pag aaring akin naman talaga sa simula pa lang."

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now