chapter 111

99 12 4
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 111:

****
Continuation...

'LUNCH TIME'

Tapos na ang pang umagahang klase nila sakuragi at kakain na sila ng tanghalian, hindi nakapag prepare si sakuragi ng pagkain dahil late na rin siyang nagising at masakit pa ang ulo niya dahil sa hang over.

"Wala kang dalang pagkain?" Tanong ni rukawa

"May nakita kabang kinakain ko?" Inis na balik tanong ni sakuragi, ngumiwi si rukawa bago tumayo.

"Samahan mo ako, cafeteria tayo." Sabay hila nito sa braso ni sakuragi, inis namang tumayo si sakuragi at sumunod din dito.

Walang gana itong naglalakad katabi si rukawa habang seryosong nag lalakad, madami ring napapatingin sa gawi nila dahil kahit papano ay sikat na rin naman ang dalawa dahil sila ang dahilan kung bakit nagkaroon ng karagdagang honor ang okaido.

"Magdalawang araw na simula ng mangyari iyon? Sa tingin mo nasaan siya ngayon?" Tanong ni rukawa, hindi naman umimik si sakuragi dahil wala rin siyang balak mag salita at kausapin ito.

"May gusto sana akong sabihin sayo pero wag nalang muna siguro." Napakunot noo si sakuragi sa pasuspense nitong sinabi pero hindi naman siya nag tanong pa.

Nang makarating sila sa cafeteria agad na napatingin ang lahat sa gawi nila, ito ang pinaka ayaw ni sakuragi iyong madaming nakatingin sa kanila. Tuloy imbes na pumila siya ay tinulak niya nalang si rukawa para ito nalang ang bumili ng makakain.


"Hindi ka ba bibili?" Tanong ni rukawa

"Tsk! Bumili ka nalang at bilisan mo." Anas ni sakuragi na masama na naman ang timpla

Naiiling na tinanguan siya ni rukawa bago nakipila sa mga estudyante rin doon. Uupo na sana si sakuragi sa bakanteng upuan ng makita niya sila takasugi na nakatingin pala sa gawi niya.

Nagsimula na ang mga itong maglakad patungo sa gawi niya


"Sakuragi, Pwede ka ba naming makausap?" Tanong ni takasugi


"Tungkol saan naman?" Balik na tanong ni sakuragi, tinignan niya ang mga ito ng seryoso


"Pinakiusapan kami ni captain na sa oras na pumasok kana, kakausapin ka raw niya."anas ni shintaro


"Kung tungkol iyan kay Coach, wala na akong makitang dahilan para pag usapan pa natin ang bagay na iyan." Malamig ang boses na saad nito


"Hindi iyon, gusto niya na bumalik ka ulit sa team." Bulalas ni takasugi, napatingin si sakuragi sa kanya ng hindi makapaniwala.


"Bumalik? Narinig niyo naman siguro na ayaw na ni coach kotaro na nandoon ako Diba?" Sarcastic na pahayag ni sakuragi, hindi niya mapigilang hindi mainis sa mga ito.



"Oo, nung nandyan pa si coach.. pero wala naman siya, kaya Pwede ka nang bumalik muli sa team natin." Pagak na natawa si sakuragi, naalala bigla ang eksena ng shohoku ng makiusap din ang mga ito na bumalik siya.


"Gets ko naman na malaki ang naitulong ko sa team natin, pero sana naman iconsider niyo rin ang nararamdaman ko. Wag puros ang sarili niyo lang." Anas ni sakuragi na medyo tumataas ang tono


"Huminahon ka sakuragi, alam naming galit ka kaya mo nasasabi ang bagay na iyan. Pero kailangan ka talaga namin, ikaw ang lakas ng buong okaido." Anas ni shintaro


"Wag niyo namang ipamukha sakin ngayon na kaya tayo nananalo dahil asang asa kayo sa galing ko. Wala ba kayong tiwala sa mga sarili niyo, na kada lalaban ay kailangan nandoon din ako. Ano pang saysay ng pagpapractice niyo araw araw kung sa akin niyo rin pala ipapasa ang pagkapanalo natin. Hindi ako palaging magaling, Sana isipin niyo rin iyan." Pag papangaral ni sakuragi na ikinayuko ng dalawa


"Yosh! Anong meron?" Bungad na saad ni rukawa na kakarating lang galing pila


"Oh! Nasa inyo parin pala si rukawa, mananalo parin kayo kahit wala na ako." Anas pang muli ni sakuragi


Natahimik ang dalawa sa mga sinabi ni sakuragi, naiintindihan naman nila ang pinag mumulan ng galit ni sakuragi dahil sa tatay ni aki. Pero sana wag niyang idamay ang basketball team.



"Sakuragi, hanggat nasa okaido ka, obligasyon mo parin gawin ang gusto ng school natin. Nangako ka sa buong team na hindi ka aalis hanggat si natin nakakamit ang goal natin." Anas ni takasugi na seryosong tinitigan si sakuragi


Bumuntong hininga si sakuragi at galit nang tinignan si takasugi


"Bat ba hindi niyo maintindihan na ayaw ko nang bumalik doon, wala na si aki na siyang dahilan nang pag stay ko. Gusto ko abutin ang goal ko na hindi iyan ang ginagawa ko, gusto kong baguhin sarili ko dahil iyon ang pangako ko sakanya." Bulalas ni sakuragi na medyo napupuna na ang pakikialam ng dalawa sa kanya at sa desisyon niya.


"Ahem! Takasugi, tama rin naman si sakuragi.. naging desisyon iyon ni coach at narinig niyo rin naman nang sabihin niya iyon diba? Sana respetuhin niyo ang naging  desisyon ni sakuragi, hindi rin naman sakanya madali ang iwan tayo, pero wag niyo naman siyang torturin." Buong buo ang boses na pakiusap ni rukawa, sumingit na ito sa usapan dahil hindi na nito nagugustuhan ang pangungulit ni takasugi



"Tsaka nandito naman ako eh, bago naging mahusay si sakuragi ako ang kauna unahang mas magaling saming dalawa. Wag niyo sabihin minamaliit niyo ang kakayahan ko." Seryosong saad ni rukawa, nailing ang dalawa sa sinabi ni rukawa.


"Takasugi, tara na. Umalis na tayo, hayaan nalang muna natin siyang makapag isip." Saad ni shintaro na tinap sa likod si takasugi


"Sakuragi, Sana pag isipan mo parin. Kailangan ka parin ng buong team." Huling katagang sinabi ni takasugi bago sumunod kay shintaro


Nang maiwan na ang dalawa, doon lamang napabuga ng hininga si sakuragi. Napahilamos siya sakanyang mukha bago tinignan si rukawa.


"Bakit ganito? Bakit parang ang hirap nitong gawin para sakin."


"Pagod ka lang, sa dami ng iyong pinag daanan marahil gusto mo lang gawin ang bagay na gusto mo. Suportado naman ako sa lahat ng gagawin mo e. Pero sana pakinggan mo rin kung ano ba talaga nilalaman ng puso mo. Kung ano sa tingin mo ang makakabuti para sayo." Anas ni rukawa para dito



"Bahala na siguro, basta ang gusto ko.. matahimik nang pansamantala ang buhay ko. Pagod na pagod na rin kasi ako."

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now