chapter 105

110 12 2
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 105:


****

Continuation...

**

Nang makapasok ang dalawa sa kwarto agad dumeretso si sakuragi sa kama para kunin ang isang unan na nandoon, dalawa kasi ang unan na meron siya kaya kinuha niya na lang iyon.


Habang si aki naman ay nakatayo lamang sa may gilid ng pintuan kung saan pinag mamasdan ang kabuuan ng kwarto, malawak ito katulad lang din ng kanyang kwarto. Kaunti lang din ang gamit sa loob kaya maaliwalas tignan.


"Diyan ka matulog doon ako sa sala, tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka." Anas ni sakuragi na kinatango ni aki, tumungo na si aki sa kama nito.


"Salamat sakuragi." Nakangiting saad ni aki, ngumisi naman si sakuragi ng pilyo kaya napailing si aki.


"Gusto mo akong makatabi no? Umamin ka?" Pang aasar nito kay aki, natawa naman si aki bago nailing.


"Manahimik ka nga, alam ko namang hindi mo kayang gawin iyon dahil nirerespeto mo ako. And thank you for that, hindi ko lang talaga maintindihan kay daddy kung bakit hindi ka niya matanggap?" Naguguluhang saad ni aki sabay buntong hininga ng malalim


"Wag mong sabihin yan, kahit siguro ako kapag nagkaroon ng anak na babae. Gagawin ko ang lahat para sakanya, naiintindihan ko lang iyong sitwasyon ng daddy mo dahil lalaki rin naman ako at wala pang trabaho dahil nag aaral pa tayo." Anas ni sakuragi na kumibit balikat.


"Salamat sa malaking pang unawa sakuragi sa daddy ko, kahit na alam mong ayaw niya sayo." Umiling si sakuragi bago pilit na ngumiti.


"Wala na ang papa ko aki, nang dahil sakin kaya siya namatay, kung hindi ko lang pinairal ang pagbabasag ulo ko dati marahil hanggang ngayon buhay pa siya ngayon." Anas ni sakuragi, ramdam ni aki ang pagpipigil ni sakuragi sa emosyon nito, nakita niya kasing namumula ang ilong nito, hudyat na nagpipigil lamang ito ng luha.


"Kaya minahal kita eh, kasi sobra sobra ang tatag na meron ka para sa sarili mo. Despite of all people na walang ginawang maganda sayo ay lumaban ka parin. Gustong gusto kitang alagaan sakuragi, gusto kong gawin ang mga bagay na hindi ipinaranas sayo ng mga taong nasa paligid mo." Mangiyak ngiyak na saad ni aki, punong puno iyon ng pagmamahal na nararamdaman naman ni sakuragi, sa tingin palang na iginagawad ni aki ay ramdam na ni sakuragi na napakaswerte niya talaga dito.


Kaya buo na talaga ang naging desisyon niya, gagawin niya ang lahat para maging worth it para dito, ipapakita niya sa daddy nito na hindi lang siya basta bastang nag bago lang, kundi nag bago para sa anak niya at para sa sarili niya.


"Hmm, tama na yan.. magpahinga kana, bukas na bukas alam ko na susunduin ka dito ni rukawa." Anas ni sakuragi na kinatango ni aki, nahiga na si aki samantalang lumabas naman na si sakuragi para tumungo sa sala.


Sa kabilang dako kung saan namomroblema si rukawa dahil sa biglaang pag dating ng papa ni aki sa bahay nila. Kung kailan umalis si aki ay tsaka naman ito nagpakita.


"Rukawa, alam ko na nandito si aki sainyo, ilabas mo ang anak ko." Anas ni kotaro mula sa labas ng gate, nagising ang ama ni rukawa na nakakunot ang noo.


"Anak? Anong meron bakit may sumisigaw sa labas ng gate?" Tanong ng ama na marahil naalarma din dahil sa pag sigaw ng tatay ni aki sa labas.


"Pa, tatay yan ni aki.. hinahanap niya si aki." Anas ni rukawa na sumilip pa sa may kurtina kung saan kitang kita ang gate nila.


"Oh! Bat di mo tawagin si aki nang makausap niya ang papa niya." Anas ng ama ni rukawa subalit napakamot sa batok si rukawa sa frustration dahil nakita niya lang kanina na umalis si aki.


"E-ehh dad, iyon na nga po ang problema e. Wala si aki sa kwarto niya, mukhang umalis siya kanina." Bulong na saad ni rukawa na narinig na namang tumawag ang tatay ni aki sa labas.


"ANO!?! anak naman, alam mong sa atin siya ngayon nakatira Diba? Paano kung mapaano si aki, lagot tayo sa tita mo." Anas ng tatay ni rukawa na naiiling pa, "dumito ka lang, mag bibihis lang ako at kakausapin natin ng mahinahon ang tatay ni aki." Anas nito, tumango naman si rukawa bago bumuntong hininga ng malalim.


"Tsk, bakit ngayon pa nangyayari to? Lagot ako nito e." Anas ni rukawa sa sarili bago napag pasyahang lumabas at pag buksan ng gate ang tatay ni aki.


"Good evening coach, napadaan po kayo?" Tanong ni rukawa na kahit obvious naman ang dahilan nito, hindi siya pinansin ng tatay ni aki bagkus ay pumasok ito ng Wala man lang narinig na pahintulot ni rukawa.


Naiiling na lamang si rukawa bago sumunod dito, saktong pababa na ang tatay ni rukawa na presentableng nakabihis ng damit na pang bahay.


"Gandang gabi, kayo coach ni rukawa Diba? Ang tatay ni aki, ano po ang sadya niyo dito?" Tanong ng tatay ni rukawa, tinignan siya ng tatay ni rukawa.


"Alam ko na nandito ang anak ko, gusto ko siyang kausapin, Pwede niyo ba siyang tawagin?" Pakiusap ng ama ni aki, nagkatinginan naman ang dalawang mag ama bago tumingin sa ama ni aki.


"Ah! Si aki ba, pasensya na..pero wala siya ngayon e. Umalis siya kanina." Anas ng tatay ni rukawa, kumunot naman ang noo nito bago tinignan si rukawa


"Paanong umalis? Saan naman pupunta ang bata na iyon--." Tila natauhan ito sa pag sasalita ng biglang sumagi sa isipan niya si sakuragi, bumalik ang matapang na Expression nito na maging si rukawa ay bahagyang natakot para sa kaibigan niya.


"Mukhang alam ko na kung nasaan ang anak ko, nasa lalaking iyon na naman." Giit nito bago tinignan si rukawa ng seryoso.   "Ituro mo sakin kung saan ang bahay ni sakuragi," anas nito na lalong kinalunok sa kaba ni rukawa.


"P-pero po, gabing gabi na sir, baka pwedeng bukas nalang." Pakiusap ni rukawa sa mahinahong paraan


"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Paano kung mapahamak ang anak ko sa lalaki na iyon ha?" Sigaw nito kay rukawa, mukhang napigtas naman ang pasensya ng tatay ni rukawa at agad itong tinulak palayo sa anak niya.


"Umayos ka ng pananalita mo sa anak ko, nasa pamamahay kita." Malamig ang boses na saad ng tatay ni rukawa, bumuntong hininga naman ang tatay ni aki bago umatras.


"Pasensya na, nag aalala lang ako sa anak ko." Anas Naman nito


"Coach, hindi masamang tao ang kaibigan ko, hindi niya sasaktan si aki dahil mahal na mahal niya ito. Hindi tulad niyo, lagi niyong hinahadlangan ang kaligayahan ni aki para lamang sa sarili niyong kagustuhan." Anas ni rukawa, nakita ng tatay ni rukawa na nasaktan ang tatay ni aki sa mga salitang binitawan ng anak kaya kinuha nito ang atensyon bago inilingan.


"Pakiusap sir, bukas niyo nalang sunduin ang anak niyo. Alam ko na nasa mabuting kalagayan si aki." Pakiusap muli ni rukawa, gusto kasi ni rukawa na makapag usap ang dalawa ng sarilinan kaya ginagawa niya ito para sa mga kaibigan.


Hindi na sumagot pa ang ama ni aki

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now