chapter 110

91 12 1
                                    


The newest hanamichi sakuragi: Cold hearted



Chapter 110:


****
Continuation...


'Nang maihatid nga ng apat si sakuragi na kasama si aki agad din ang mga itong nag paalam na aalis na sila dahil baka magalit na ang kanilang magulang. Medyo nastruggle pa si aki sa sitwasyon ni sakuragi dahil ito ang kauna unahang beses na mag aalaga siya ng lasing, naiiling na iniwan niya ito sa kama bago bumaba para kumuha ng basin at towel pamunas.


Nang makaakyat muli siya, sinimulan niya na itong punasan upang mahimasmasan ng konti ang mawala ang init sa katawan nito.


'bakit ba kasi uminom ito?' anas ni aki sa sarili bago muling pinigaan ang towel sa basin na may tubig. Pinagmasdan niya ng mabuti any mukha ni sakuragi habang hinahaplos haplos ang pisngi nito.


Napakunot ang noo ni sakuragi ng maramdaman marahil nito na may humahawak sa kanya, nagulat pa si aki ng mabilis nitong hinawakan ang kamay niya ng mahigpit dahilan para mapangiwi siya.


'pambihira, ang lakas niya parin kahit na lasing na lasing siya.' muling sabi ni aki sa sariling isipan, aalisin niya sana subalit mas hinihigpitan no sakuragi ang pagkapit sa wrist niya.


Hanggang sa unti unting nag salita si sakuragi na ikinabilis ng puso ni aki..


"U-umalis kana, m-magagalit ang girlfriend ko, a-ayokong magalit si aki, kaya u-umalis kana at wag mo akong hahawakan." Sabay taboy nito palayo sa kamay ni aki, imbes na masaktan siya sa ginawa nitong pagtulak sa kamay niya ay natuwa pa siya dahil akala pala nito ay ibang babae ang kasama niya.


Gustong umiyak ni aki sa pagiging loyal at faithful in sakuragi kahit na ipinag tabuyan ko na siya para sa kaligtasan niya. Kung pwede niya lamang suwayin ang kanyang ama ay gagawin niya, alang alang sa pag mamahal niya para kay sakuragi.


"Thank you, love. Kahit na itinaboy kita ay hindi parin napapalitan ng galit ang pagmamahal mo para sakin. Kung alam mo lang kung gaano din ito kahirap sakin, gusto kitang makasama ng matagal pero... May humahadlang sa atin." Naiiyak na saad ni aki na muling hinaplos si sakuragi sa mukha, unti unti nang nag silaglagan ang luha sa mga mata ni aki.



"Hindi mo naman kailangan masaktan pa ng ganito sakuragi, p-pwede mo na akong kalimutan para mas mapadali ang pagmomove on mo. H-hindi ko ito sinasabi sayo para kamuhian mo ako, ginagawa ko ito para hindi kana mas masaktan pa sakin." Bulong na sabi ni aki na pinupunasan ang pisngi na punong puno ng luha.


"Hay, ano ka ba naman aki, nag sasalita ka ng ganyan, eh natutulog iyong kinakausap mo." Kastigo ni aki sa sarili, bumuntong hininga siya bago napag pasyahang tumayo.


"Aalis na ako, love. Mahal na Mahal kita, at kung sakaling mag Mahal ka ulit, pangako hindi ako magagalit sayo, magiging masaya pa ako kasi nahanap mo ang kasiyahang nararapat para sayo. Mag iingat ka, love. Hanggang sa muli nating pagkikita." Nag bend si aki upang ilapit ang mukha niya kay sakuragi at dinampian niya ito ng halik sa labi.



Gusto niyang umalis habang baon baon ang huling halik na iginawad niya para sa lalaking mamahalin niya habang buhay. Tumayo na ng tuwid si aki bago dahan dahang umatras bago binuksan ang pintuan mula sa kanyang likuran.


Nang makalabas si aki, ang siya namang pag mulat ng mga mata ni sakuragi hudyat upang mag unahan sa pag patak ng kanyang luha.


Bigla kasing nagising ang diwa ni sakuragi ng akalain nitong ibang babae ang kasama niya ng hindi niya marinig na magsalita ito kanina. Pero nang marinig niya ang boses nito gustong gusto niya itong yakapin ng mahigpit at mag makaawang wag na siyang iwan ulit.

Pero nang marinig niya na itong magsalita habang umiiyak, unti unti na ring nadudurog ang puso ni sakuragi sa sakit, kaya imbes na imulat niya ang kanyang mata mas pinili niyang pakinggan ang mga sinasabi nito.


'Mahal na Mahal din kita, baby.. sobrang Mahal na Mahal, kaya alam ko sa sarili ko na wala nang ibang babae na makakahigit sayo.' anas sa isipan ni sakuragi habang patuloy parin sa pag patak ng kanyang luha.



Kung iyon ang nais ni aki, mas mabuting gawin ko nalang kung ano iyong mga nakasanayan ko sa buhay ko. Ibabalik ko iyong dating ako habang binabago ng paunti unti ang buhay ko.


Hanggang sa muli mahal ko, hihintayin kita kahit gaano pa katagal ang abutin ng panahon o taon para sating dalawa. Kung talagang para tayo sa isat isa at bumalik ka sa panahong Mahal na Mahal pa natin ang isa't isa, ipaglalaban na kita sa panibagong hanamichi sakuragi na iyong makikilala.




-KINABUKASAN

agad na dumalaw ang mga kaibigan ni sakuragi upang matignan kung okay na ba ito, subalit na gulat na lamang sila ng makitang nakagayak ito. Nakasuot ng uniform ng okaido school.


"My man?! Nakakagulat pero anong gagawin mo?" Tanong ni mito na kahit alam niya na ang kasagutan sa kanyang tanong ay mas ginusto niya parin na manggaling parin kay sakuragi ang sagot.



"Hindi ba obvious? Papasok na ako sa school, ilang araw na akong absent, di ko naman pwedeng pabayaan pag aaral ko diba?" Nagulat ang apat sa narinig mula sa kaibigan, isang himala para sakanila  na marinig iyon mula sa bibig nito ang pag seseryoso sa buhay.


"A-anong nag tulak sayo para gawin iyan?" Nauutal pa natanong ni takamiya, pinag taasan siya ng kilay ni sakuragi.


"Bat ba ang dami niyong tanong ha? Imbes na suportahan niyo nalang ako, ang dami niyo pang dada dyan. Aalis na ako, mag kita nalang tayo mamaya." Anas ni sakuragi sa masungit na paraan.


Nagkatinginan pa ang mga loko bago sinundan si sakuragi, mag kaiba ang daan na tatahakin nila kaya nag usap usap ang mga ito na magkita sa open space  mamayang uwian.


Ilang minuto rin ang nilakad ni sakuragi ng magkasalubong sila ni rukawa papasok my gate ng okaido. Hindi na sana ito iimikan ni sakuragi subalit inakbayan siya nito.


"Aba't mukhang naalog ang utak mo at pumasok kana rin pala." Ngising saad ni rukawa kay sakuragi, inalis naman nito ang pagkakaakbay sakanya ni rukawa bago tinignan ito nang seryoso.



"Tantanan mo ako." Saad ni sakuragi kay rukawa na nagulat sa inasta nito sakanya, pero imbes na mainis ay mas nginisihan pa siya nito.



"Paano kung ayoko?" Pang aasar pa nito hanggang sa mapasok sila sa loob ng classroom na ikinagulat ng iba, kauna unahang beses kasi nilang nakita ang mga ito na pumasok room nila.


"Par, sila sakuragi at rukawa oh!" Anas ni noya, mag kakaklase kasi sila takasugi, shintaro, noya, rukawa at sakuragi.


Hindi pinansin ni sakuragi ang mga tingin nito sakanya, bagkus ay naupo na lamang siya sa pinakadulo. Sumunod si rukawa na gusto talagang tabihan si sakuragi para mas maasar ito sakanya.



"Sakura---." Sinamaan na into nang tingin si runaway ng hindi ito tumigil.



"Shut up!" Gigil na saad nito kay rukawa, tawa tawa lamang ito bago tumango.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now