Chapter 35

238 28 11
                                    

"sakin niyo ipasa ang bola, ako ang gagawa ng puntos." Saad ni sakuragi bago nilagpasan si shintaro na natunganga nalang sa narinig. Tumango  parin ito kahit na nakatalikod na si sakuragi.


"Hoy! Hindi ka lang ang nag lalaro ha? Ipasa mo rin sakin." Saad ni rukawa na binibiro pa si sakuragi, samantalang hindi naman umimik si sakuragi sa pagbibiro nito kaya umalis nalang ito at binantayan si shin.


Nang ipasok na ng team okaido ang bola, agad nga itong ipinasa ni shintaro kay sakuragi. Pagkahawak na pagkahawak palang nito sa bola ay agad din nitong inirelease ang bola mula sa tres na kinaawang ng labi nila rukawa at ng team shohoku.



"Kakahawak niya palang ng bola itinira niya na agad. Pambihira, ang bagsik niya na talaga." Saad ng isang manunuod na pumalakpak pa.

Nakaawang parin ang bibig ng mga kasamahan ni sakuragi na hindi pa man nakakapunta sa direksyon ng babantayan nila ay naitira na agad nito ang bola.


matagumpay nga na naipasok ni sakuragi ang bola bago tinignan si mitsui at kyoushi na galit namang nakatingin sakanya.


"Hindi ka naman siguro nag mamadali no?" Natatawang saad ni kazuko ngunit nginisihan lamang siya ni sakuragi bago tingnang muli si mitsui at kyoushi.


"Tanggapin niyo ang galit ko, sisiguraduhin ko na matatalo kayo sa larong ito." Saad ni sakuragi ng harap harapan kay mitsui. Napalunok nalang si kyoushi habang hindi naman nakaimik pa si mitsui dala ng kakaibang kabang nararamdaman.


"Nice one sakuragi, ang galing mo talaga." Sigaw ni aki na tumatalon talon pa, kinurot naman ito ni coach kotaro sa tagiliran kaya napangiwi ito at napaupo nalang.


"Goooo sakuragi.." nagulat si sakuragi ng marinig ang mga boses nila mito sa taas. Napatingala siya at tinignan ang mga ito bago tumango bilang pagbati sa mga ito.


"Naks. Pakitang gilas agad, hanep. Tumakbo pa ako para lang magbantay pero ititira mo naman pala agad." Saad ni kazuko na parang nag rereklamo pa sa ginawa ni sakuragi.



"Magaling sakuragi, ipag patuloy mo lang yan." Saad ni tetsu na nahihiya pang lapitan si sakuragi dahil sa ginawa niya dito kanina.



"Salamat captain." Saad ni sakuragi sa blangkong expression.



35-31 naging apat na ang lamang ng okaido kaya kahit paano ay bumalik na sa pagiging panatag ng kanilang kalooban.



"Bagsik talaga ni sakuragi. Hindi ko tuloy alam kong ano ang mararamdaman ko sa oras na makalaban natin siya." Saad ni kyota



"malalaman natin yan sa oras na magkaharap harap tayo." Saad ni maki



Muling na simula ang laban hawak na ni mitsui ang bola at binabantayan ito ni sakuragi. Hindi niya talaga ito nilulubayan kahit saan man mag tungo si mitsui ay nasusundan parin ito.



Hanggang sa mabilis na nadanggil ni sakuragi ang bola sa kamay ni mitsui na kinagulat talaga nito ng husto. Nakuha ito ni kazuko na agad namang pinasa kay rukawa na mabilis ding umatake sa depensa ni shin. Nag cross over ito at ishoshoot na sana ang bola ng mabilis nitong nakita ang gagawing block sakanya ni ryo, kaya mabilis niyang iniiwas ang bola sabay pasa ng mabilis patungo sa direksyon ni sakuragi.



Nasa free throw line na kasi si sakuragi at nang mahawakan na nito ang bola ay agad na tumalon si sakuragi para gawin ang dunk ngunit nakipag sabayan si akagi sakanya.


napahiyaw ang manunuod at samo't saring komento na agad ang naririnig ng lahat.


Nakipag tagisan ang dalawa sa ere at kahit napakalaking tao nilang dalawa ay mas malakas parin si akagi ngunit may matibay naman na pangangatawan si sakuragi. Kaya sa isang mabilis na pag ikot ng kamay nito kasama ang bola ay agad nitong iniiba ang direksyon upang gumawa ng hook dunk mula sa likod ng ulo ni akagi.



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon