chapter 131

120 12 8
                                    


Continuation....

'dapit hapon na ng matapos ang lahat ng mga trabahador sa malawak na lupang sakahan, halos lahat ay pagod na pagod at gutom na gutom bagamat may mga pagkain namang pine'prepare ang mansyon para sa kanila ay sa utos na rin ni sakuragi sa kanya lolo na ikinatuwa naman din nito.

Hindi lubos maisip na napakabuti pala ng kalooban ng kanyang apo sa kanyang magsasaka. Kaya unti unti'y napapaisip si don fermin sa bagay na ginagawa ni sakuragi para sa sarili, isa iyong desisyong hinding hindi pag sisisihan ni don fermin.


Sa bukid kung saan may kubo kung saan pahingahan ng karamihan, hiwalay ang kubo ng babae at lalaki para iwas na rin dahil may nag bibihis at may naliligo bago umuwi ng kani kanilang bahay.


Naisip ni sakuragi na mag pahinga saglit sa isa sa malaking puno ng mangga. Napakasariwa ng hangin doon habang tinatanaw ang green na green palay mula sa kaduluhan na sinasaka.


Nasa katahimikang iyon si sakuragi ng marinig niya ang tatlong magkakaibigan na jun, hajime at sokomo na nag uusap sa di kalayuan. Hindi na sana papansinin ni sakuragi dahil wala naman talaga siyang balak makipag usap sa mga ito.


"Jun? Ano ba kasing binabalak mo?" Tanong ni sokomo ng pinipigilan nito si jun na tumungo sa kubo ng mga babae. Gusto kasi nitong makita si sachi at makiusap narin na wag ng lalapitan pa si sakuragi.


"Ano ba! Wag niyo nga akong pagbawalan. Wala naman akong gagawing masama eh. Kakausapin ko lang si sachi." Giit ni jun kay sokomo. Napaface palm naman si hajime sa kulit ng kanyang kaibigan.


"Pre, hindi mo ba alam o sadyang kinakalimutan mo lang ang rules dito. Sabing walang pwedeng pumunta sa tuluyan ng mga babae sa kabila, unless asawa mo iyong na andoon. Pag may nakakita sayo na pumunta ka doon, mapapahamak ka lang." Saad ni hajime, natigilan naman si jun subalit inaalala nito na baka nakaalis na si sachi.


"Pero baka hindi ko na maabutan si sachi, kung pipigilan niyo pa ako baka hindi ko na naman siya makausap." Inis na saad ni jun, blangko namang napakinggan ni sakuragi ang mga pinag uusapan nila. Nakasandal ang braso ni sakuragi sa puno bilang unan ng kanyang ulo.


"Wag niyo na siyang pigilan pa, kung gusto niyang pumunta doon 'hayaan niyo siya." Saad ni sakuragi sa walang emosyong mukha. Nakatingin na ito sa tatlo na nagulat pa ng makita siyang nakahiga doon.


"Sakuragi, pag ginawa niya iyon mapapahamak siya." Giit ni sokomo, umiwas ng tingin si sakuragi bago umupo.


"Iyon na nga ang mangyayari sakanya kung ipagpipilitan niya ang sarili niya. Swerte niya na nga sainyong dalawa dahil may kaibigan siyang takot na mapahamak siya.. pero ipinag pupumilit niya parin ang gusto niya." Pagpaparinig na sabi ni sakuragi at pagkaraan ay tumingin kay jun.



"Ano bang pakialam mo?" Saad ni jun kay sakuragi


"Wala akong pakialam sayo. Pero sa mga kaibigan mo na madadamay sa kabaliwan mo, meron. Isa kayo sa masisipag na trabahador dito, kaya kung mapapaalis kayo sayang naman." Giit ni sakuragi, may naisip kasing kalokohan si sakuragi sa mga oras na iyon.


Natigilan ang dalawang nakahawak sa balikat ni jun upang pigilan subalit inalis ng mga ito ang kamay sa balikat ni jun na ikinagulat naman ng huli.


"Wag niyong sabihin na hahayaan niyo ako ng dahil lang sa sinabi niya." Saad ni jun, hindi umimik ang dalawa bagkus ay tumingin kay sakuragi.


"Sakuragi, tama ka. Baka kapag sumunod kami kay jun ikapahamak lang namin.." unang saad ni sokomo na ikinailing ni jun


"Pero... Matagal na kaming magkakaibigang tatlo, kung ano man ang mangyari pagkatapos nito. Bahala na, minsan lang ako makatagpo ng totoong kaibigan kaya hindi ko pwedeng pabayaan nalang si jun na mag isa. Tutal, wala namang umaasa sakin sa uuwian ko." Saad ni hajime na tinanguan naman ni sokomo.


Nagkibit balikat naman si sakuragi bago tumango..


"Okay. Desisyon niyo yan, mag iingat nalang kayo.." huling sinabi ni sakuragi bago tumalikod at umalis. Napangiti si sakuragi ng marahan sa pagiging loyal ng magkakaibigang iyon.


Limang buwan na ang nakakalipas, namimiss niya na ang mga kaibigan niya sa kanagawa. Gustuhin man niyang pumunta doon ay hindi pa pwede, iyon ang pakiusap ng lolo niya sakanya na hanggat di pa siya tapos sa sakahan hindi siya aalis.



'nang malapit na siya sa bahay na maliit patungo sa mansyon, tinawagan niya si butler lee at may pinakiusap na wag aalisin ang tatlong lalaki kung sakaling may mabalitaan na reklamo bukas sa sakahan.

Sinunod naman ni butler lee ang pakiusap ng kanyang amo bago natapos ang usapan.


Nang makarating sa mansyon agad siyang tumungo sa palikuran kung saan may malawak na paliguan, naligo na muna siya at nagpalit ng damit bago pumasok sa loob ng mansyon.


Medyo may kahabaan na ang buhok ni sakuragi, ang kulay ng kanyang balat ay mas naging tan pa, isama mo pa ang pangangatawan nitong mas lumaki pa kesa nung dating hindi pa siya sumasabak sa trabahong pang bukid.


Karamihan sa mga dalagita sa kanilang lugar ay maraming nahuhumaling sa kagwapuhang taglay ni sakuragi, hindi iyon maitatanggi ng iba dahil kahit sila'y napupuna ang kakaibang karisma na meron si sakuragi. Hindi rin nito ugali makipag usap sa mga babaeng nagpapacute sakanya, kundi kay sachi lang..


Alam ni sakuragi na may gusto si sachi sakanya at may gusto naman si jun kay sachi, walang balak si sakuragi na mangialam sa pagitan ng dalawa. Dahil ang tanging babae lamang na nag mamay ari sakanya ay nasa malayo at hindi siya sigurado kung kamusta na ba ito at ang kanilang anak.



Nang matapos sa pagligo si sakuragi agad siyang dumeretso sa likod bahay papasok. Nakita siya ng mga katulong doon na agad siyang binati ng magandang gabi, tumango lamang si sakuragi bago ito nilagpasan.


Nangangalahati na si sakuragi sa paglalakad ng mapailing siya dahil sa tilian ng mga babae sa kusina. Nakarinig ng mahinang tawa si sakuragi mula sa sala ng mansyon. Nandoon ang kanyang lolo na naiiling na pinag mamasdan siya.


"Hindi kana dapat manibago apo ko, dahil kung titignan ka naman ngayon ay lahat talaga ng babaeng dalaga at may asawa na'y mahuhumaling sayo. Napakagwapo mo apo ko." Nakangiting saad ni don fermin


"Iwan ko sayo, lolo. Lagi mo nalang sinasabi iyan sakin kahit na wala naman akong pakialam sa kanila. Alam mo namang kay aki lamang ako." Saad ni sakuragi sa lolo na nagmano sakanya lolo ng makalapit ito sa pwesto ng lolo niya.


"Biro lang apo ko, nag aalala rin ako para sa kasintahan mo. Ilang buwan na ang nakakalipas baka nahihirapan iyon sa isa ko pang apo." Giit ni lolo fermin, natahimik si sakuragi at naalala nga ang bagay na iyon. Sa araw araw na busy siya, hindi iyon nawawala sa kanyang isipan.



"Lo, namimiss ko na siya. Namimiss ko na sila." Saad ni sakuragi na naluluha


"Alam ko apo, pero hindi ka pa tuluyang nag babago.. babaguhin na muna kita bago ka mag pakita sakanila." Nakangiting saad ni lolo fermin. Tumango na lamang si sakuragi sa kanyang lolo.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now