chapter 109

96 11 3
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 109:

*****

Isang araw na ang nakakalipas, wala paring gana si sakuragi na gawin ang mga bagay na gusto ng kaibigan niyang ipagawa dito. Hindi kasi ito umalis na matapos nitong makinig sa kanila kahapon sa pag papaliwanag sa kanya ng bagay bagay. Pero mukhang lumala ito dahil hindi na makausap.

"Mito, paano na yan? Mag iisang araw na ay hindi parin natin iyan nakakausap." Anas ni takamiya na ibinulong na lamang kay mito upang di marinig ni sakuragi.

"Hindi ko na rin alam kung ano ang sasabihin pa sakanya, nag aalala lang ako na baka mawala nalang basta mga pinag hirapan ni aki na pagsasakripisyo dahil sa kanya." Pagpaparinig ni mito na mukhang sinasadya talaga ang paglakas ng boses nito.

"Eh! Paano iyong nangyari kagabi, nung alam mo na.. kinausap tayo ni mitsui tungkol kay sakuragi." Bulong pang muli ni takamiya, biglang sumagi sa isipan ni mito ang bagay na iyon kung hindi lamang binanggit ni takamiya sakanya.

"Hayaan mo muna iyon, ang mahalaga si sakuragi.." pagdedesisyong saad ni mito, nagulat na lamang sila ng agad tumayo si sakuragi at dere deretsong lumabas ng bahay nito.

"Putcha pre, narinig niya kaya sinabi mo?" Saad ni noma kay takamiya, hindi naman umimik si mito dahil nakatingin lamang siya kay sakuragi na mabilis na naglalakad.

Hanggang sa matigil sila sa tapat ng isang....


"BAR?!" Gulat na tanong apat

"Teka!? Ang aga pa para magkaroon ng bukas na bar ngayon." Anas ni ohkusu, sumilip pa ito sa butas ng bintanang medyo may siwang.

"Hayaan mo na, si sakuragi.. baka kung mapano iyan, dalian niyo nang pumasok." Anas ni mito na hinila pa ang mga kasamahan papasok, pag kapasok palang nila si sakuragi na agad ang nakita nila dahil wala pa silang nakikitang customer.

"Table?" Malalim ang boses na tanong ng isang bartender mula sa loob

Umiling si mito bago tinuro si sakuragi na sinisimulan ng uminom sa mismong bote.

"Shit! Anong gagawin natin, Ayoko namang pigilan yan baka sakin pa ibunton ang galit niyan." Sabi ni takamiya na tinutulak si ohkusu

Inis na sinamaan nang tingin ni mito ang tatlong nag tutulakan bago nilapitan si sakuragi na walang pakialam, basta umiinom lamang siya habang nakatulala.

"Pre, may dala kabang pera para dyan?" Tanong ni mito subalit pabulong naman.

Umiling si sakuragi na ikinailing ni mito, buti nalang lagi siyang handa may posibilidad kasi na may gawin na namang kabalbalan mga kaibigan niya kaya nagdala na siya ng pera.

"Pre, bakit kailangan mo pang uminom? Kung ako sayo, imbes na uminom ka dapat ipahinga mo muna isip mo." Suhestiyon ni mito na tinap pa sa balikat si sakuragi

"Hindi ko kayang manahimik at walang gawin mito, kilala mo ako handa kong gawin lahat para sakanya, pero lintek na pakiramdam ito e. Sa tuwing namimiss ko siya nawawalan ako ng ganang lumaban pa." Anas ni sakuragi na unti unti na namang naluluha

"Ganon talaga, hindi mo naman mapipigilang masaktan kung iyon talaga iyong nararamdaman mo eh. Ang akin lang, wag mong sayangin ang oras mo sa ganitong bagay, mag pokus ka sa kung anong goal mo sa buhay. Kaya mo naman yan e, ikaw pa ba? Kung tutuusin kong itutuon mo lang ang sarili mo sa gusto mong gawin walang imposible na magbago ka talaga." Anas ni mito na pinapaliwanagan ang kaibigan, hirap din si mitong makita ang kaibigan sa ganitong state.


The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now