chapter 43

238 26 12
                                    

Okaido 60
shohoku 45

Lamang na lamang ng kinse ang koponan ng okaido sa shohoku bagamat ganon ay pursigido parin ang team shohoku na makabawi at ang kailangan lang nilang gawin ay mailabas si sakuragi mula sa paglalaro. Iyon naman talaga ang main goal nila mitsui ngunit na sira lang dahil sa ginawang pagpapahiya sa kanila ni sakuragi.

Pero ngayong nandito na ang nagpapalakas ng loob ng team shohoku na si coach anzai ay mas ginanahan silang ipakita ang kakayahan nila para sa laban.

"Sakuragi, gusto mo bang mag pahinga muna?" Tanong ni rukawa ng mapansin ang biglaang pamumutla ni sakuragi. Itinaas ni sakuragi ang kamay upang ipaalam kay rukawa na ayos lang siya.

"Ayos lang ako. M-medyo sumasakit lang ang paa ko dala ng pamumulikat." Biglang naalala ni rukawa ang nangyari sakanya 'nung umpisa kaya agad niyang tinawag ang mga kateam niya.



tumakbo naman ang mga kateammates nila sa direksyon ni sakuragi dahilan para mapatingin lahat sa kanila. Si aki na nakaupo ay agad na napatayo dahil sa pag aalala kaya tumakbo na siya papasok sa loob dahil pumito rin naman ang referee bilang time out.

"Anong nangyayari sakanya?" Tanong ni aki na lumuhod pa sa gilid ni sakuragi.

"tss. Wag ka ngang OA aki, napulikat lang siya hindi pa naman yan mamamatay." Saad ni takasugi na nakasimangot.

"Eh kung ikaw kaya ang patayin ko?" Inis na saad ni aki na sinamaan pa ito ng tingin. Maya maya pa ay balak niya na sanang hawakan ang mga paa nito ng hilahin siya ni rukawa at tinulak siya paalis.

"Rukawa!?" Gulat na sita ni aki sa kanya, inilingan siya ni rukawa.


"Ako na ang bahala." Blangkong expression na saad ni rukawa, ngunit sa kaloob looban niya ay natutuwa na siya sa mangyayari. Sa wakas makakaganti na rin siya sa ginawa ni sakuragi sakanya.


Nang mahawakan ni rukawa ang paa ni sakuragi ay agad na nanlaki ang mata ni sakuragi dahil agad niyang narealize ang ginagawa ni rukawa sakanya.



"N-no!" Bulyaw na saad ni sakuragi na sinisipa pa si rukawa para lamang makabitaw sa pagkakahawak nito, pero tawa naman ng tawa ito dahil mas hinihigpitan niya pa ang pag hihilot sa ilalim ng binti nito at daliri sa paa.


mangiyak ngiyak din na sinamaan ng tingin nito si rukawa na mukhang nag eenjoy sa ginagawa niya. Naiiling naman ang mga loko sa nakita dahil mukhang binalak talaga ni rukawa ang pag pepresenta para makabawi.


"Bwesit ka, h-humanda ka sakin." Saad ni sakuragi na pilit kumakawala sa pagkakahilot ni rukawa. Malikot rin ito kaya hinawakan na siya ng iba, Hindi niya mawari kung ano ba ang nararamdaman niya dahil medyo nakikiliti siya na nasasaktan.


"Heh, binabalik ko lang naman iyong kabayaran na pagtulong mo sakin nong una e. Sarap ba?" Nanunuyang tanong ni rukawa kay sakuragi na naluluha na.


Hindi naman malaman ng mga kasamahan kong ano ang mararamdaman, maaawa ba sila o matatawa para kay sakuragi. Maluha luha na kasi itong nakasalampak sa sahig, hindi na nakatiis si captain tetsu kaya tinungo niya ang direksyon ni rukawa at tinapik ito balikat.


"Rukawa tama na yan.. may laro pa tayo, ilabas na muna natin si sakuragi ngayon at sa fourth quarter nalang natin siya ipasok." Saad ni tetsu na seryosong tinitignan si sakuragi, bigla rin naging seryoso si sakuragi at pagkuwan ay napatango.

inilalayan naman siya ng mga kasamahan na makalakad maging si rukawa ay nakaalalay din sa bestfriend niyang iniinda parin ang sakit.

"magpahinga ka na muna, kami na ang bahala." Saad ni rukawa bago tumalikod.



Muling nagsimula ang laban at gaya nga ng inaasahan ng team shohoku, ngayon na wala na si sakuragi sa loob ay magagawa na nilang makahabol.


Sa bench kung saan nakaupo si sakuragi ay bahagyang naging blangko na naman ang mukha nito kasabay ng pagngisi niya ng may makahulugan.

napansin iyon ni ayako at kogure na nakatingin pala kay sakuragi.


"Sa tingin mo sinadya ba talaga niya na mag sakit sakitan para lang makahabol tayo?" Tanong ni ayako kay kogure na napapaisip din sa bagay na iyon.




"hindi natin alam, kasi kahit nasa labas si sakuragi nandyan naman si rukawa na isa rin sa magaling." Saad ni kogure ngunit hindi parin maalis ni ayako sa isipan na baka sinasadya talaga ni sakuragi na magsakit sakitan para sa kanila.



sa kabilang koponan naman ng okaido team, seryosong nagmamasid si aki ngunit pinapakiramdam niya ang kanyang katabi.




"Totoo ba talaga na napulikat ka o gawa gawa mo lang?" Panimulang tanong ni aki kay sakuragi, naging blangko naman ang expression ni sakuragi bago umiling.



"Ano bang pinag sasabi mo dyan, masakit ang binti ko iyon ang totoo." Sagot ni sakuragi na pasinghal.




"Alam ko at ramdam ko na lumalambot ka na naman pag dating sakanila pero sana naman wag ngayon na may laban tayo. Pangarap din nating lumaban sa inter high final diba?" saad ni aki na talagang ipinapaintindi kay sakuragi ang lahat.



"Alam ko at wala akong balak ipatalo ang team na'to.  May plano ako kaya ko ito ginagawa, boring naman kung panghihinaan sila ng loob habang nilalabanan ako diba?" Saad ni sakuragi bago uminom sa tubig na dala.



"Seryoso ba yan?" Tanong pa ni aki.



"Aki, paniwalaan mo ako. Di'ba kapag gusto mo ang isang tao maniniwala ka sa kanya." Namula naman ng husto ang mukha ni aki ng sabihin iyon ni sakuragi. Nagulat kasi siya dahil bigla na involved ang nararamdaman niya sa pinag uusapan nilang seryoso. Tumikhim naman si kiyo na nakarinig ng sinabi ni sakuragi.



"Nangingiti nalang ako sa relasyon ng iba." Pagkanta bigla ni kiyo na kinatingin ng dalawa sakanya ng masama.


"manahimik ka/tumigil ka." Sabay na sita ng dalawa.



"Okay okay, chill lang kayo. Masyado naman kayong hot." Taas kamay na pag surrender ni kiyo sa dalawa.




Muli silang nanuod ng laban, si rukawa na ang nagpapasok ng bola kaya todo bantay naman si shin dito. Nagkaroon din sila ng sigla dahil sa wakas wala si sakuragi upang tulungan ang okaido team, ngunit hindi nila alam na kahit wala si sakuragi ay si rukawa naman ang pumapangalawa sa magaling, kung titignan ay pantay sila nang galing ni sakuragi.



Sinubukan ni shin na isteal ang bola kaya agad na drinibble ni rukawa ang bola papalit palit sa kamay niya upang malito ang kaharap niya. Nang mabilis nitong inatake ang depensa ni shin ay matagumpay siyang nakalusot.



"Nice one rukawa." Sigaw ni aki na nag che cheer para dito.


Mabilis na tumira si rukawa mula sa free throw line kaya naipasok nito ang bola. Napaumang ang team shohoku sa nakita dahil hindi nila naisip na isa rin magaling si rukawa, ang tanging nasa isip lang nila ay si sakuragi kaya nawala sa isip nila ang kakayahan ng huli.


okaido 62
shohoku 45


Balik na naman sa lamang ang okaido dahil sa ginawa ni rukawa. Napakagaling, hindi talaga nila hinahayaan na maabutan sila ng shohoku.

"tss ang yabang." Bulalas ni sakuragi na tinanguan siya ni rukawa. Humagikhik naman si aki dahil sa sinabi ni sakuragi.


"Bagay talaga kayong dalawa na magkasama." Anas ni aki na tila nang aasar pa, pero nagulat siya nang bigla siyang akbayan ni sakuragi dahilan para manahimik siya sa pagsasalita.



"Mas bagay tayo..." bulong na anas ni sakuragi mula sa tenga ni aki, todo namang ikinapula ng mukha ni aki ang sinabi ni sakuragi na ngumi ngisi lang dahil sa naging reaction nito.


"Daming langgam. Kainis!" Saad ni kiyo na pumapalo palo pa sa binti, natahimik ang dalawa pero nakangiti naman si aki.


"tss. Daldal." Bulong ni sakuragi


*****
(A/n: sorry for the lame update. Jusme! Pilit na pilit ang update ko for today, paumanhin sa lahat! Sana nagustuhan niyo parin🥺🙏 salamat)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon