chapter 141

96 9 6
                                    


Continuation...

Habang naglalakad si sakuragi kasama ang mga kaibigan patungo sa sasakyan kung saan nag hihintay si butler lee, kinukulit naman siya ng mga kaibigan tungkol sa mga nangyari sakanya nitong mga nagdaang buwan.

Hindi naman magawang magkwento ni sakuragi dahil pagod siya sa nangyari sakanya kanina. Naiinis na siya sa mga ito dahil hindi talaga siya ng mga ito tinatantanan.

Nang makarating sa parking kung saan nag hihintay si butler lee, nagulat pa ito ng makitang kasama ng kanyang amo ang mga kaibigan.

"S-sir?!" Gulat na bulalas ni lee, tinignan pa nito ang mga kaibigan ni sakuragi bago muling tumingin kay sakuragi.

"Ako na ang bahala mag sabi kay lolo mamaya, umuwi na tayo pagod ako ngayon." Saad ni sakuragi sa blangkong expression, hesitant na tumango si lee bago pinag buksan si sakuragi ng pintuan.

Nang makasakay silang lahat na sobrang sikip naman para sa limang nasa likod kaya si noma at ohkusu ay sa lapag nakaupo mula sa backseat. Napuno kasi ito bigla dahil kay takamiya.

"Damn! Mag papayat kana nga takamiya, di na ako makahinga sa sobrang sikip natin dito." Pagrereklamong saad ni mito na ipit na ipit dahil nasa gitna siya ni rukawa at takamiya.

"Nagrereklamo ka pa dyan, alangan ako dyan ang maupo sa lapag, edi mas lalo tayong nahirapan." Giit ni takamiya kay mito

"Manahimik nga kayo. Tsk!" Saad ni sakuragi na medyo mababa ang boses ngunit may halong diin. Nagturuan naman ang mga loko bago nanahimik.

"Ikaw kasi.. reklamo pa, alam mo namang lima tayo dito sa sasakyan. Buti sana kung limousine gamit na sasakyan na katulad ng dati edi sana kasya tayong lahat." Paglaban pa ni takamiya, hindi naman umimik pa si mito dahil nakita niyang tumiim bagang si sakuragi kaya sinenyasan niya si takamiya na tumahimik na.

Pinagmasdan naman ni rukawa ang biglaang pagbabago ng mood ni sakuragi, kanina naman ay ayos lamang ito.

Nang makarating sa mansyon agad na lumabas si sakuragi at pinag bilinan si lee na pag meryendahin na muna ang mga ito dahil mag papahinga lang siya saglit bago bumaba. Sumunod naman si lee sa inutos ng amo, nag aalala naman si lee na baka nandyan si don fermin sa loob at siya ang gisahin nito sa napakaraming tanong.

Pagkapasok palang nila, agad siyang nilapitan ng mayordoma ng mansyon.

"Lee, umalis nga pala si don fermin kaninang tanghali ang bilin satin na wag na wag raw natin papabayaan si señorito habang wala siya. Mukhang may nangyari sa kompanya kaya siya nag mamadaling umalis kanina. Balita rin kanina dyan na may mga pagnanakaw na nagaganap at may namatay. Kaya mas mabuting pagbawalan mo munang lumabas si señorito." Saad ng mayordoma kay lee, tumango naman si lee dito bago iniutos na mag handa ng makakain para sa bisita ni sakuragi.

Samantalang kakausapin naman ni butler lee ang ilang tauhan na mag bantay 24/7 sa mansyon at mag libot libot kada isang oras.

"Sir, nag papahinga pa sa ngayon si sir sakuragi sa kanyang kwarto kaya kung maaari ay mag laro nalang muna kayo gaming room, ipapa'guide ko nalang kayo sa isa sa mga katulong." Saad ni lee, napatingin naman ang mga ito sa isa't isa at kalaunan ay tumango nalang sila.

"May problema po ba?" Tanong ni noma kay butler lee, nang mapansin nila na medyo naging maingat na ito sa harapan nila at maging ang mga maid ay naglalabas pasok mula sa kusina at kung saan.

"Wala naman po, sir. Sige na ho!" Tinanguan niya ang isa sa maid na lumapit naman agad sakanya, igi'nuide naman sila rukawa paakyat sa second floor patungong gaming room.

"Tol, pansin mo ba? Biglang naging aligaga ang ilang maid kanina. Alam ko may nangyari talaga eh!" Saad ni ohkusu na pabulong na sinabi kay mito at rukawa.

"Manahimik ka nga, baka marinig ka dyan." Sitang sabi ni mito

"Eh bakit? Sa totoo namang aligaga sila 'nung dumating tayo kanina e. Malakas pakiramdam ko na baka may problema." Bulong pa na laban ni ohkusu



Samantalang ang babaeng katulong ay naririnig ang kanilang bulungan kaya napakagat labi ito upang maiwasang hindi mag salita at sabihin ang totoong dahilan. Kabilin bilinan rin kasi sakanila kapag may ganitong kinahaharap ay dapat hindi mag panic o mag bigay ng ikakahinala sa kanila.


Nang makarating sila sa double door ay agad huminto ang babaeng katulong, nakayukod ito bilang pag bigay galang sa kanila.


"Nandito na po tayo," saad nito bago binuksan ang pintuan


"Ahm, ate! Si sakuragi ba? Saan banda iyong kwarto niya?"tanong ni noma na mukhang nag papacute pa sa babaeng kaharap.



"Nasa ikatlong palapag pa po ang kwarto ni señorito, " polite na sagot nito sa tanong ni noma


"Oh! Pwede ba namin siyang puntahan?' tanong pang muli ni noma, naikinailing ng katulong


"Hindi po maaari, kabilin bilinan samin ni sir lee na hindi po pwedeng istorbohin si señorito kapag nagpapahinga." Saad nito na ikinakunot noo nila



"Eh! Kaibigan naman namin si sakuragi, hindi iyon magagalit sa oras na makita niya kami." Paglaban na saad parin ni noma na pinigilan naman ni mito sabay iling nito dito, medyo nakakaramdam na kasi ng hindi maganda si mito para sa katulong kapag mas kinulit pa namin ito.


"Sige na po, ate! Pwede na po kayong umalis. Pasensya na po sa pangungulit ng kasamahan ko. Salamat po!" Nakangiting saad ni mito bago tinulak tulak papasok ang mga kasamahan para hindi na ito mangahas na magtanong pa.


Nang makaalis ang babaeng katulong, agad na sumimangot si noma dito..


"Pre, bakit naman ganon? Gusto ko lang naman kausapin eh!" Saad ni noma


"Tse! Kausapin, tapos gagawin mo pang dahilan si sakuragi, siraulo ka ba?" Asik nito na sinamaan pa ng tingin


"Eh! Gusto ko lang din naman malaman kung nasaan si sakuragi eh. Tsaka kung bakit naging ganon nalang silang lahat kanina." Anas pa nito


"Baka utos rin ni sakuragi sa kanila na wag tayong pag alalahanin. Wag kana ngang magtanong pa at mangulit." Inis na saad ni mito bago tumungo sa upuan kaharap ng isang malaking tv kung saan ay may playstation.


"What if.. puntahan natin si sakuragi mamaya sa kwarto niya, siguraduhin natin if okay lang ba talaga siya doon o ano?" Suhestiyon ni takamiya



"Oo, tama. Gusto ko rin makita kung gaano ba kalaki ang kwarto niya." Masayang pag tanggap ni ohkusu sa naging suhestiyon ni takamiya



"Ipapaalala ko lang ha? Wag naman sana tayo maging dahilan ng kaguluhan dito." Anas ni rukawa sa mga ito


"Kj mo naman bro, tsaka wala naman kaming balak na manggulo no." Laban na saad ng tatlo


"Tsk! Sige na, pero mamaya na.. maglaro na muna tayo dito. Sayang din naman, huling beses na nakapag laro ako dito ilang buwan na ang nakakalipas." Anas ni mito na sinet ang game sa jackass



"Sus, salit salitan tayo.. kung sino ang matalo siya ang gagawa ng dahilan sa oras na mahuli tayo mamaya." Umagree naman ang mga ito bago sinimulan ang laban.








The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon