chapter 154

132 12 6
                                    


Chapter 154:

"Anong nangyari sayo at nakasimangot ka na naman? Kanina naman masaya ka ah!" Punang saad ni hajime may sachi nang makita itong nakaupo sa counter ng bar na pag aari nilang apat. Magkasusyo kasi ang mga ito sa tulong na rin ni sakuragi.

"Bumalik na siya." Ani sachi na ikinakunot noo naman ni hajime dahil hindi niya naman alam kung sino ang tinutukoy nito.

"Ha?" Sagot ni hajime, umirap si sachi bago ininom ang basong nag lalaman ng alak.

"Iyong babaeng totoong mahal ni sakuragi, bumalik na siya kasama ang anak nila." Malungkot na ani sachi, napaawang ang labi ni hajime at hindi malaman kung ano ang sasabihin dahil sa nakikita niyang lungkot sa kaibigan. Hindi niya alam kung Saan niya sisimulan sa pag comfort.

"Akala ko ba mag momove on kana kay sakuragi? Sabi mo sa oras na dumating ang babaeng mahal niya, iiwas kana?" Ani hajime, pagak na natawa si sachi bago nailing.

"Hindi naman kasi ganon kadali iyon e, limang taon kung minahal si sakuragi habang may minamahal siyang iba. Masakit iyon para sakin, sobrang sakit." Ani sachi na umiiyak, naiiling na lumapit si haji sa pwesto ni sachi bago ito tinap sa balikat

"Hindi ko dapat sasabihin ito sayo, pero mabuti na rin ito para matauhan ka. Sach, Hindi ka magugustuhan ng kaibigan nating iyon dahil may nakalaan na para sakanya. Okay lang na masaktan ka pero wag mong iisiping may kasalanan si sakuragi sa nararamdaman mo dahil una palang tinanggihan kana niya." Natigil si sachi sa pag lagok sa baso nang sabihin iyon ni hajime sa kanya

"Kaibigan ba kita? Tangna, ang sakit non ah! Oo, alam ko naman iyon simula palang, pero umasa kasi ako na baka mabago pa ang nararamdaman niya kaya ako naghahabol sakanya. Ang masakit pa doon, naging masama ako na dati hindi ko naman talaga ginagawa." Himutok ni sachi, natawa nang mahina si hajime dahil bumalik na ang dating kaibigan na abnormal.

"Oo, naging masama ka pero ginawa mo lang naman iyon dahil nagmahal ka. Tsaka andami namang ibang taong Mahal na Mahal ka e hindi mo lang talaga nakikita." Ani hajime na ikinataas kilay ni sachi, hinarap niya pa si hajime bago pinaningkitan ng mata.

"You mean, ikaw?" Ani sachi na may kasama pang turo ng daliri. Ngumiwi naman si hajime na parang nandidiri.

"No. Hindi no, hindi kita type.. ang tinutukoy ko si..." Hinarangan ng palad ni sachi ang bibig ni hajime para hindi na nito matuloy pa ang sasabihin.

"Oo na, ramdam ko naman siya noon pa.. hindi ko lang talaga mabigyan ng atensyon dahil hindi ko naman talaga siya gusto, mahirap para sakin magustuhan ang taong umpisa palang wala ng pag asa sakin. Ayaw ko siyang saktan kaya ako ganito sakanya." Tumango si hajime kay sachi

"Pero kung sakaling hindi mo nakilala si sakuragi, magugustuhan mo kaya siya?" Tanong ni hajime

"Hindi ko alam, kasi noon pa naman na wala si sakuragi wala talaga e. Pero hindi ko alam, hindi ko malalaman ang sagot kung hindi ko susubukan Diba?" Nagulat si hajime dahil doon at pagkaraan ay natawa..

"Pambihira, anong ibig mong sabihin dyan? Pumapayag kanang..." Umirap si sachi bago uminom sa baso

"Hindi pa sa ngayon, Ayoko pa.. tsaka ayokong pumasok sa panibagong sitwasyon na may isang masasaktan. Gusto ko, pag handa na ako ulit magmahal fully healed na ako, wala na akong nararamdaman pa para kay sakuragi." Ani sachi, tumango si hajime at naiintindihan ang pinupunto ni sachi.

"Sure naman akong maiintindihan nang kumag na iyon kung ano ang gusto mo e. Iyon pa ba, ilang taon na iyong nag hihintay sayo." Ani hajime na may panunuksong tono, inirapan na lamang siya ni sachi at hindi na nag salita pa.

'Fine. Talo na ako, talo naman talaga ako. *Sigh* Sana lang hindi tumagal itong pagmomove on ko, gusto ko rin sumaya no. Impyernes, maganda ang girlfriend ni sakuragi hindi na rin masamang tumanggap ng pagkatalo.' napangisi sa kanyang sariling iniisip si sachi, bago nailing.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now