chapter 136

99 10 4
                                    


Continuation...

KINABUKASAN maagang nagising si sakuragi upang mag asikaso sa pag pasok sa eskwela, tuwing weekends lamang siya nakakapasok sa trabaho upang mas matutukan ang pag aaral. Yun na rin kasi ang usapan nila ng kanyang lolo fermin, pumayag nalang si sakuragi kahit ang gusto ni sakuragi ay makapag ipon ng maraming pera.



Pagkababa mula sa hagdanan, nakita na agad niya ang kanyang lolo na babad na agad sa harapan ng laptop nito. Napatingala ang ulo ni don fermin ng makita ang kanyang apo na nakasuot ng uniforme ng ōsaka high.


"Napakagwapo mong tignan sa uniporme mo apo!" Ngising saad ni lolo fermin kay sakuragi. Umirap si sakuragi sa papuring ibinungad sakanya ng lolo.


"Iwan ko sainyo lolo, parang pabago bago ng isip samantalang ilang beses niyo na akong nakikita sa ganitong suot twing papasok." Naiiling na saad ni sakuragi sa lolo, tumawa naman si don fermin back sinarado ang laptop.


"Ay bakit? Bawal ka na bang purihin ngayon ha? Eh sa totoo lang ang sinasabi ng lolo mo. Ibang iba ang aura'ng pinapakita mo ngayon kumpara sa tinutukoy mo noon. Napakalaki na ng pinagbago mo apo ko." Nakangiting saad ni lolo fermin, nagkibit balikat naman si sakuragi at napuna bigla ang pagiging madrama ng kanyang lolo.


"Lo? Ang aga aga nag dadrama kana dyan, mamamatay ka na ba?" Saad ni sakuragi, agaraan namang nanlaki ang mata ni lolo fermin at si butler lee naman ay halos napaawang na lamang ang bibig sa pagkabigla sa sinabi ni sakuragi.


"Aba't tarantado ka talagang bata ka, napakatabil ng dila mo." Aambahin na sana ito ni don fermin ng palo na hawak hawak na tungkod ng harangan siya ni butler lee.



"Huminahon kayo don fermin, wag niyong pakastressin ang inyong sarili." Paalalang suway ni lee dito. Ibinaba naman ni don fermin ang hawak na tungkod bago unti unting natawa.


"May pagkasutil talaga iyang bata na iyan. Naku, lee.. buti nalang hindi ka inuuban sa bata na iyan, araw araw mo pa namang nakakasama yan." Saad ni don fermin sa natatawang tono


"Hindi naman po gaano, don fermin. Mabait po ang apo niyo, maloko nga lang po.. marahil ganon po ang pagmamahal na ipinapakita niya mula sainyo." Saad ni lee kay Don fermin, tumingin naman si don fermin sa apo na may pang aasar.


"Ganon ba ang pagmamahal mo para sakin apo? Iyong patayin ako sa konsumisyon?" Pagbibirong tanong nito kay sakuragi


Napaface palm na lamang si sakuragi sa pang aasar sakanya ng lolo bago tumalikod at naglakad na patungo sa dining area nila. Nang makapasok si sakuragi sa loob ay doon lamang sumeryoso ang mukha ni don fermin.



"Lee?" Tawag ni don fermin sa malamig na tono na boses


Napayukod si lee bilang pag bigay galang kasabay ng pagiging blangko ng mukha nito at atentibong nakinig sa kanyang kaharap.


"Alam ko ang nangyari kahapon sa restaurant, at hindi ko nagustuhan ang nangyari sa apo ko. Alam mo naman na siguro kung paano patatahimikin ang tatlong iyon Diba?" Yumukod muli si lee kay Don fermin bilang pag bigay kasiguraduhan na alam na nito ang kanyang gagawing kilos.


"Naiintindihan ko, don fermin. Makakaasa po kayo na hindi po makakalabas lahat ng mga nalaman nila. Alam ko naman pong pino'protektahan niyo lang si sir sakuragi. Ganon din po ang intensyon ko." Saad nito na punong puno ng determinasyon sa kanyang tono na hindi niya bibiguin ang anumang iutos sakanya ng kanyang amo.


Tumango si Don fermin sa naging saad ni lee, tuwang tuwa ito na sobrang mapagkakatiwalaan talaga ito sa oras na kailanganin.



"Mabuti naman. Ayoko lang malaman ulit na kinakaya kaya na lamang ang apo ko ng ganon ganon nalang, hindi na ako papayag na may mang bubully pa sakanya." Anas ni don fermin kay lee


"Sige po, Don fermin. Ako na po ang bahala sa lahat." Saad nito na yumukod pa


Maya maya pa'y dumating na si sakuragi mula sa dining area, marahil mabilis lamang nitong tinapos ang pagkain ng agahan para makapasok na ng maaga sa eskwelahan.


"Lo, aalis na ako. Wag niyo po sanang pabayaan ang sarili niyo. Mas mahalaga ang kalusugan kesa sa kayamanan. Kaya mas makabubuting magpahinga din kayo kahit ilang oras lang." Pag papaalalang saad ni sakuragi sa lolo ng makita niya muli itong nakatutok sa laptop.


"I know, apo. Wag mo na akong pagalitan pa, alam naman ni lolo kung nasobrahan na ba siya sa trabaho e. Ikaw ang mag iingat, papasok ka na naman ng walang bantay." Napakunot noo si sakuragi sa sinabi ni Don fermin.



"Lo, binabalaan ko kayo, wag na wag niyo akong pasusundan sa tauhan niyo dahil siguraduhin ko na magugulpi ko ang mga iyan. Please, magtiwala na lamang ho kayo sakin na hindi ako mapapahamak. Ako pa ba?" Ngising pag mamayabang na saad ni sakuragi. Nailing naman ang lolo at pagkuwa'y kinaway kaway ang kamay sa ere na parang sumusuko.



"K. Fine. Basta ang bilin ko, wag na wag mag sisinungaling." Tumango si sakuragi at bahagyang napatingin kay lee na nakayuko parin


"Oo na po, ang kulit nitong matandang to." Saad ni sakuragi, inis namang yumukod ang lolo ni sakuragi at kinuha ang tsinelas.


Tumatawa namang agad na pumasok sa kotse si sakuragi, ngumisi siya dito at kumaway.


"Love you lolo, wag papakapagod." Saad ni sakuragi bago inutusan si lee na umalis na sila.



Pagkastart ni lee ng engine ng kotse agad namang lumamig ang atmosphere sa loob ng kotse. Naramdaman iyon ni lee at ang pag babago ng mood ni sakuragi.


"Lee, umamin ka nga sakin? May sakit ba ang lolo ko?" Seryosong tanong ni sakuragi


"Po, wala pong sakit ang lolo niyo.. maniwala man kayo o hindi, walang sakit si don fermin." Saad ni lee sa diretsong boses. Pinag masdan pa siya ni sakuragi kung nag sisinungaling ba ito o hindi.


"Sigurado ka ba? Para kasing may kakaiba akong nararamdaman sa lolo ko." Saad pang muli ni sakuragi pero tanging pagbigay ng assurance lamang ang ibinibigay ni lee kay sakuragi na healthy ang kanyang lolo fermin.



Ilang minutong katahimikan, akala ni lee ay buong byahe patungong school ay magiging tahimik si sakuragi ngunit hindi.. may tinanong ulit ito.



"Eh! Iyong pinag usapan niyo ni lolo kanina sa sala? Ano iyon?" Tanong ni sakuragi na ikinagulat naman ni lee, nakita ni sakuragi ang pagbabago sa Expression ni lee kaya alam niyang may laman ang mga pinag usapan ng dalawa kanina nung nasa dining siya.



"Sir, alam niyo namang hindi ko pwedeng ipaalam sainyo mga sinabi ni Don fermin Diba? Ayokong mawala ang tiwala sakin ang lolo niyo, tsaka sir kahit di naman ako mangako sa harapan niyo ngayon, isa lang ang alam ko. Hinding hindi kayo pababayaan ng iyong lolo. Gagawin ni don fermin ang lahat para sa nag iisa niyang apo." Saad ni lee kay sakuragi, napatingin na lamang si sakuragi sa labas at hindi na nangahas pang mag tanong.


Pag usapan kasi ng pagpoprotekta para sakanya ng kanyang lolo, nawawalan na siya ng lakas para alamin pa ang bagay na iyon. Alam niya naman na hindi siya pinapabayaan ng lolo niya, hindi man sabihin ni lee sakanya. Mukhang nasesense niya naman kung tungkol saan ang pag uusap nila kanina.



"Naiintindihan ko po, ganon din naman ang gagawin ko. Poprotektahan ko ang lolo ko kahit sa anumang paraan. Si lolo nalang ang nag iisang kadugo ko at ayaw na ayaw kong mawalan ulit." Anas ni sakuragi.


Nang makarating sila sa medyo malapit sa school, agad niyang pinahinto ang sasakyan, matagal ng gawain ni sakuragi na bumaba sa di kalayuan bago pumasok sa ōsaka high. Ayaw kasi niyang makita siyang nakasakay sa kotse, mas mabuting tahimik lamang ang buhay niya at isipin ng iba na isa lamang siyang commoner kesa malaman na ang lolo niyo ay si Don fermin.


"Sige lee, mamaya nalang ulit. Mag iingat ka sa pag uwi, wag mong papabayaan si lolo pag uwi mo." Tumango na lamang si lee sa sinabi ni sakuragi bago ito tuluyang umalis.


Nagsimula ng maglakad si sakuragi ng harangin siya ng tatlo kahapon na mga lalaki.


"So, totoo nga!? Mayaman ka ngang talaga." Saad ni ace

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now