chapter 9

345 38 24
                                    

Matapos ang second half 34-33 na ang score, lamang ang team sakuragi, kaya nag pahinga na muna sila ng ilang minuto para ipag patuloy ang practice mamaya.

Kasama ni sakuragi si aki na masayang masayang nagkekwento dahil sa ginawa ni sakuragi kanina, hindi kasi akalain ni aki na mayroon talagang itinatagong galing si sakuragi tapos sasabihin ng lahat na wala itong kwenta eh samantalang ginagawa naman ni sakuragi ang lahat para makapuntos lang kanina.

"Galing mo sakuragi, sabi na e. Hindi ka basta basta lang na manlalaro, hay! Pumayag kana kasi sa offer ko. Mas pagagalingin kita sa paglalaro kung papayag ka lang." Pagbubukas bigla ni aki sa usapan na pag alis ni sakuragi sa shohoku. Natawa naman si sakuragi bago ginulo gulo ang buhok ni aki na kinasimangot nito.

"Sabi mo hindi mo ko mamadaliin? Bakit ang kulit kulit mo ngayon?"nakangiting saad ni sakuragi. Titig na titig ito kay aki, samantalang si aki naman ay sobrang naiilang dahil sa paninitig ng huli. Sobrang bilis narin ng tibok ng puso niya at halos hindi na siya makahinga ng maayos dahil sa kilig na rin.

" E-eh kasi.. p-puros panlalait na ang ginagawa nila sayo? Hindi ka ba nasasaktan?" Mapait na napangiti si sakuragi sa sinabi ni aki.

"Nasasaktan. Pero kung hahayaan ko sila sa gusto nilang gawin, makakalimutan ko rin naman iyon kalaunan. Gusto ko talaga ang paglalaro ng basketball, dati kasi ayaw na ayaw ko dahil puros pagyayabang lang at pagpapapansin ang ginagawa ng mga basketbolista. Pero 'nung naranasan ko na ang paglalaro, doon ko narealize na maling mali pala ang akala ko noon. Dahil ngayon mahal na mahal ko na ang ginagawa ko at ang basketball." Saad ni sakuragi, natahimik naman si aki habang titig na titig kay sakuragi.

'Siya na talaga ang hinahanap ko na makapagpapabago ng lahat. Sakuragi, pasisikatin kita sa oras na pumayag ka lang sa gusto ko.' anas ni aki sakanyang isipan bago tumango tango sa sarili

"Oo na po, hindi na kita pipilitin pero hindi rin naman ako susuko." sabay ngiti ng pagkalaki laki na kinatawa ni sakuragi.

"Haha sige, magdedesisyon na rin ako sa oras na matapos ko na ang goal ko."

"Goal? Ano ba iyong goal mo sakuragi?" Tanong ni aki

"secret. Tsaka ko na sasabihin kapag nakapag isip isip na ako tungkol sa offer mo."

muling nagkwentuhan ang dalawa, nag tatawanan at nagkukulitan, kung iisipin ng ibang nakakakita ay mag kasintahan silang dalawa, kahit silang dalawa lang ang magkasama ay hindi naman nauubusan ng kwento si aki. Lahat ng mga tao ay napapatingin sa kanila at nagtataka kong bakit may babaeng close na close si sakuragi.

Si mitsui naman ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa nakikita. Gusto niyang puntahan si aki at kausapin ito ngunit palaging nasa tabi nito si sakuragi.

"may binabalak ka na naman ba mitsui?" Puna ni miyagi ng makitang madilim na naman ang buong expression ng mukha nito.

o

napabaling si mitsui dito habang nakakunot ang noo, matalim rin itong tumingin kay miyagi kaya napailing nalang ang huli.

"tumigil kana mitsui, wala rin naman kasing napapala mga pinagagawa natin sakanya. Hindi naman tayo ganito dati e." Saad ni miyagi

"Titigil lang ako kung lulubayan niya si aki at aalis siya sa team natin. Inis na inis ako sakanya dahil lahat nakapabor sakanya, baguhan lang naman siya pero lahat ng nakapaligid sakanya gustong gusto siya."

DOon lang napansin ni miyagi ang kakaibang emosyon na ipinakita ni mitsui.

'Kung ganon naiinggit siya kay sakuragi sa paraan na hindi niya magawa gawa ang nagagawa ni sakuragi.' unang konklusiyon na pumasok sa utak ni miyagi ng mga oras na iyon.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon