Chapter 15

336 43 21
                                    


[Author note: salamat po sa araw araw na votes and comments po. Hayaan niyo po mas pagagandahin ko pa po ang bawat eksena para matuwa po kayo🥺🙂😊 thank youuu so muchhhh🥺😍🤧]

*****

Lunch time na at hindi alam ni aki kung ano ang gagawin niya sa hawak niyang lunch box na para kay sakuragi, inagahan nito talaga ang pag gising para madami itong maluto. Kaso hirap pala kapag ibibigay mo na, doon ka nawawalan ng tapang.





"Hindi kaba kakain baby aki?" Tanong ni takasugi na  may malawak na pagkakangiti sa labi. Napasimangot si aki dahil sa tinawag na naman sakanya ni takasugi.




"sabing don't call me baby e. Baby na ako ni sakuragi ." Inis na bulyaw ni aki. Napaatras naman ito sa gulat at kunwa'y nasasaktan sa sinabi niya. Though alam niyang nasaktan niya talaga ito sa sinabi niya, ayaw naman kasing tumigil e.






"ang sakit naman non baby aki, ako iyong nandito pero iba naman hinahanap mo. Sana ako nalang si sakuragi para sakin naman mabaling ang atensyon mo." Napayuko naman si aki, wala siyang masabi sa sinabi nito.





"Sorry takasugi. Ilang beses ko na rin kasing sinabi sayo na hindi ko kayang subukan na magmahal ng iba, kasi parihas lang tayo na masasaktan kung ipipilit natin ang relasyon na hindi naman talaga mag bubunga." Malungkot na saad ni aki



"naiintindihan ko naman aki, oo aaminin ko nasasaktan ako pero hindi ibig sabihin non hindi ko na kayang sumuko. Hayaan mo lang akong mahalin ka kahit na nasa malayo lang."



Hindi nalang umimik si aki dahil sa walang maisip na isasagot sa sinabi nito.



"Aki? Paano kung malaman mo na one sided lang at ikaw lang iyong nagmamahal? Anong gagawin mo?" Tanong ni takasugi, napaisip si aki sa bagay na iyon at napatingin kay takasugi.




"Kagaya mo, hindi rin ako susuko. Mamahalin ko siya kahit na malayo ang pagitan naming dalawa. Ang pagmamahal kasi choice natin yan e. Kaya 'nung nahulog ako kay sakuragi, choice ko rin na masaktan sa maaaring kalabasan ng gagawin ko." sagot ni aki sa tanong ni takasugi




"Naks, swerte naman pala ni sakuragi sayo aki." Nakangiting saad ni takasugi kay aki




"Mas maswerte naman ako kay sakuragi, kasi alam mo kahit na nakilala siya ng iba bilang isang basagulerong tao ay willing parin siyang magbago para lang sa mga taong pinapahalagahan niya." Nakangiting saad ni aki, hindi naitago ni takasugi ang lungkot ng makita kung gaano talaga kasaya si aki habang binabanggit ang mga bagay na may kinalaman si sakuragi.




"Kahit masakit, support nalang kita sa gusto mong mangyari." Hanggang sa mapatingin si takasugi sa dalang lunch box ni aki.




"aki? Para kanino yang lunch box na hawak mo?" tanong ni takasugi na umaasang sana sakanya ibigay




" a-ah ito ba? P-para sana kay sakuragi kaso...nahihiya akong ibigay." Natawa naman si takasugi bago inakbayan si aki





"Nagsisimula ka palang sa laban sumusuko ka na agad, kung mahal mo dapat gawin mo ang bagay na makapag papasaya rin sayo." Pagbibigay lakas sakanya ni takasugi




Napaisip din sabagay na iyon si aki bago tinignan si sakuragi na kasama ang ilang kateammates. Bumuntong hininga ng malalim si aki bago dahan dahang naglakad patungo sa direksyon ni sakuragi, napatingin iyong iba sa kanya at maging sa dala na lunch box, tila automatic na nagkaintindihan ang mga lalaki at agad ang mga itong tumayo na tila tapos na kumain kahit hindi pa naman.




The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now