Chapter 54

181 24 11
                                    


(A/n: konbanwa min'na! Maraming salamat sa araw araw na suportang ginagawa niyo, sobrang laking tulong na po non sakin. Thank you talaga! Maging sa silent reader ko na tahimik man pero alam kong nandyan palagi. Salamat!)

*****

"HAHAHA! wag dyan mukhang mga bata lang ang pwede dyan." Natatawang pigil ni aki kay sakuragi ng subukan nitong pumila sa bumpy ride, nasa arcades na kasi sila pumunta at meron din ditong pinag sama samang rides kaya sobrang mag eenjoy ka.


"Mukha namang magandang subukan," pilit paring saad ni sakuragi pero hinihigit lang siya ni aki sa braso paalis kaya wala ng nagawa pa si sakuragi kundi ang mag pahila.



"Sa iba nalang tayo o gusto mo kumain muna tayo sa mga food stall. Maraming masasarap dito e." Suggestion na saad ni aki na kinatango naman ni sakuragi bilang sang ayon. Mabuti nalang din na may pera siya para sa araw na ito, inipon niya kasi ang pera na ito in case of emergency dahil mag isa nalang din naman siya sa buhay.



"Anong gusto mo? Ako na ang bibili, hintayin mo nalang ako sa table na iyon." Sabay turo ni sakuragi sa table na pang dalawahan. Ngumiti si aki bago hinalikan sa pisngi si sakuragi na ikinagulat pa nito, bahagyang namula si sakuragi at pagkaraan ay napangiti.



"Kahit ano nalang babyko," malambing at nakangiting saad nito bago tumalikod at naglakad na patungo sa table nila.



Nangingiti si sakuragi'ng pinag mamasdan ang kanyang girlfriend kahit na nakapila siya at ito'y nakatingin lang din naman sakanya. Masasabi mo talagang inlove na inlove sila sa isa't isa dahil sa mga matang kumikislap sa saya.



Itutuon niya na sana ang paningin sa harapan ng may mapansin siya na tatlong lalaki na nakatingin sa girlfriend niya. Tinignan niya si aki na nakatingin lang sa mga naglalaro mula sa mga booth.



"Hi sir, ano pong order niyo?" Rinig na tanong ng babae kay sakuragi ngunit wala doon ang pokus niya kundi sa lalaking biglang tumayo at lalapitan si aki sa pwesto nito. Hindi naman nakapag pigil si sakuragi at agarang sumugod kahit na mag oorder na siya.



"Hi miss pretty, kanina ka pa namin napapansin. Ang ganda ganda mo, may kasama kaba?" Narinig ni sakuragi na saad ng lalaki. Si aki naman na bahagyang nagulat ay napatingin sakanya ng may gulat na expression.



"Yes! Meron akong kasama." Sagot ni aki na pataray.



"Miss, okay lang naman mag pakipot ka pero ang mag sinungaling pa sakin. Eh wala ka naman kasama dito e." Pagpupumilit pa na saad ng lalaki samantalang si sakuragi ay walang pasubaling hinigit si aki mula sa upuan nito.



Nagulat ang lalaki sa nangyari kaya napasugod ang dalawa pa nitong kaibigan.


"Anong problema mo pare? Kung gusto mo rin ang babaeng yan pwede ba mag hanap ka nalang ng iba, ako na iyong nauna e." Bulyaw ng lalaki dahilan para mapatingin ang ilang mga taong nandoon..



"Heh, siraulo ka pala e. Tinatalo mo ang kasintahan ko tapos sasabihin mo yan sakin. Ang kapal din ng mukha mo." Balik na bulyaw ni sakuragi na hindi na talaga makatiis ang pagiging bad temper nito. Napantig naman ang tenga ng dalawang kasamahan at susuntukin na sana ng mapatili si aki dahil doon.


Hindi na tuloy ang binabalak ng tatlo kay sakuragi ng may pumigil sa mga kamay nito. Nagulat pa si sakuragi dahil hindi niya inaasahan ang mga ito.


"Boss? Ano? Titirahin na ba namin?" Tanong ni mito na hinawakan pa sa likod ng kwelyo ang lalaking nambastos kay aki. Natakot naman ang lalaki at nagpupumiglas.



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now