chapter 6

331 38 12
                                    

realace009 thanks sa comment mo maging sa iba rin na nagcomment. 😊😊 nakakatuwa kasi nauto niyo ako.😂😂 godbless guys!

✰✰✰✰

Nagtaka naman si aki sa biglaang pagbabago ng mood ni sakuragi, napatayo na rin siya at hinabol si sakuragi dahil sa mabilis nitong paglakad palayo. May kung anong naramdaman na kakaiba si aki ngayon, bakit biglaang nagbago ang mood ni sakuragi? Dahil ba iyon sa kwentong ibinahagi niya, pero imposible naman iyon diba?

"sakuragi? Mag lalaro ka ba ngayon?" Tanong ni aki kay sakuragi na sobrang dilim ng aura. Mapapalayo ka nalang sa takot kahit wala pa naman siyang ginagawa, jusme!

"Oo aki, pwede ka rin namang pumasok sa loob para manuod. May tatrabahuhin lang ako." Nangilabot ng husto si aki dahil sa lamig ng boses ni sakuragi, ang mata nito na kaninang kalmado ay kasing talim na ng kutsilyo. Napakadilim ng aura niya kumpara kanina na nag uusap lang kami.

"S-sakuragi? Okay ka lang ba talaga?" Nag aalalang tanong ni aki kay sakuragi, napatigil naman sa paglalakad si sakuragi at hinarap si aki, nagulat pa si aki ng hawakan siya ni sakuragi sa ulo bago nito ginugulo ang kanyang buhok ng bahagya.

Ngumiti naman ito sakanya ng kaunti at muling bumalik sa malamig ang aura nito. Instant, nakakatakot palang iprovoke si sakuragi, mabagsik.

Nang makapasok sila sa loob ng court ay natahimik ang lahat, nagulat pa ang ilan ng makita si sakuragi at sa kakaibang aura'ng nilalabas nito ngayon. Walang nag tangkang magsalita sakanila dahil sa takot na baka mapagbalikan sila ng kakaibang sakuragi'ng nakikita nila.

"Mabuti naman nandito kana, akala namin aalis kana e." Sabad ni mitsui na nakangisi pa kay sakuragi, ngunit mas lalong dumilim lang ang mukha ni sakuragi ng marinig iyon mula kay mitsui.

'wala akong inatrasan na laban, kung sa tingin mo naduduwag ako sayo pwes, hintayin mo ang oras na ibalik ko sayo ang panlalait mo mitsui.' Anas ni sakuragi sa kanyang isipan kaya mas lalong tumalim ang titig ni sakuragi dito

Nagulat si mitsui sa ginawa ni sakuragi at hindi niya maintindihan kong bakit bigla nalang siyang kinabahan. Nanuyo rin ang kanyang lalamunan kaya tumikhim siya at umiwas nalang nang tingin kay sakuragi.

'Hindi ko maintindihan pero bigla akong kinabahan sa kakaibang titig na ipinapakita ni sakuragi ngayon.' Anas ni mitsui sakanyang sarili at muling tinignan si sakuragi na nakatingin parin sakanya, pero nagulat siya ng ngumisi ito ng bahagya bago tumalikod at nagtungo sa gilid para mag warm up.

"napansin niyo ba ang kakaibang kilos ni sakuragi? Parang hindi na siya iyong sakuragi na nakilala ko." Anas ni miyagi na tumingin kay sakuragi na nag wawarm up.

"Oo pansin ko rin yon, iyong aura niya nakakaiba at
sobrang delikado." Anas din ni shin na sinang ayunan ng lahat ng nakarinig.

Si rukawa naman ay nakatingin lang kay sakuragi at may kung anong ngiting naglalaro sa labi nito bago tumalikod at nag warm up na rin para sa practice nila.

'masaya ako na nandito si sakuragi.' Anas ni rukawa sa kanyang isipan.

ilang minutong pag warm up ay pumito na si yasuda bilang referee and scorer ngayong araw, dati lang din ang team up. Kakampi ulit ni sakuragi si miyagi, rukawa, ryu at hayato..

nag jajump ball na si akagi at sakuragi, sa pagkakataong ito si sakuragi ang nakakuha ng bola at buong pwersahan niya doong ibinuhos ang lakas niya. Napunta ito kay miyagi na gulat na gulat parin sa ginawa ni sakuragi, tumakbo ng mabilis si sakuragi papunta sa direksyon ni kogure, ito ang binabantayan niya ngayon.

habang dinidribble ni miyagi ang bola ay napatingin ito sa gawi niya kasabay ng pagpasa kanya ng bola. Pagkahawak palang ng bola ni sakuragi ay agad na itong nawala sa paningin ni kogure ng hindi niya namamalayan, naramdaman niya nalang sa kaliwang bahagi ang malakas na hangin kung saan doon mabilis na tumungo si sakuragi.

Mabilis na huminto sa pag atake si sakuragi ng harangan siya ni mitsui na may ngisi sa labi, ngunit lalo lang naging blangko ang mukha ni sakuragi dahil sa kayabangang ginawa ni mitsui sakanya. Sa isang mabilis na cross over kasabay ng double spin moves ay nakalusot siya kay mitsui at agad na tumalon para itira sana ang bola kaso nandoon si akagi na ibablock sana siya kaya agad niyang inatras ang kamay na may hawak ng bola at agad na pinasa kay rukawa na nakaabang pala sa labas.

Nagulat ang lahat sa ginawang pag pasa ni sakuragi, maging si rukawa na hindi makapaniwala sa ginawa ni sakuragi ay nadelay ng kaunti bago nairelease ang bola.

Meanwhile, si akagi na natameme habang iniisip ang ginawa niyang pag block sa atake ni sakuragi ay bigla nalang nawala sa harapan niya ang bola. Hindi siya makapaniwala sa nakikita.

"WOAAAAH!! si sakuragi ba talaga ang nakikita natin o ibang tao?"

"chamba lang yan, imposible namang gumaling na siya sa isang araw lang."

"Pero aminin mo, napabilib ka rin sa ginawa niyang the moves kanina."

Samo't saring usapan ang nangyari sa loob ng gym, nandoon ang paghanga at pagkagulat sa ginawa ni sakuragi.

Samantalang si mitsui naman ay inis na inis dahil sa pagkapahiyang naramdaman na ginawa ni sakuragi sakanya.

'Hindi ako makakapayag na ako lang ang mapapahiya ngayon. Isasama kita sakuragi.' Saad ni mitsui na masamang nakatingin kay sakuragi, napansin iyon ni aki kaya bigla siyang kinabahan sa nakitang masamang titig ni mitsui kay sakuragi.

Sa loob ng court, habang naguusap ang ilan ay natulala naman si rukawa dahil sa nangyari, hindi siya makapaniwalang pinasahan siya ni sakuragi ng ganon.' Nakakagulat at hindi makapaniwalang saad ni rukawa sa kanyang isipan




muling nag simula ang laban at hawak hawak ito ni mitsui, imbes na si miyagi ang mag babantay ay si mitsui mismo ang nag tungo kay sakuragi para ito ang magbantay sakanya. Blangko pa rin ang itsura ni sakuragi na walang kabuhay buhay, habang dinidribble ni mitsui ang bola ay agad niyang inatake ang depensa ni sakuragi ngunit mabilis lamang iyon na nasusundan ni sakuragi.





Kada mag aattempt siyang sumugod ay nakikita iyon ni sakuragi, hanggang sa nadanggil iyon ni ryu na nasa likod ni mitsui kaya tumilapon ang bola palabas. Hinabol iyon ni sakuragi kaya napahiyaw ang lahat sa gagawing stunt ni sakuragi maging si aki ay nag aalalang napatingin kay sakuragi, nang makuha ni sakuragi ang bola ay tila wala lang dito ang ginawa dahil nakatayo parin ito matapos itulak ng sariling kamay ang semento para hindi siya bumangga doon.


tumakbo si sakuragi papasok ng maipasa niya kay miyagi ang bola, mabilis na tinakbo ni miyagi ang bola patungo sa basket nila at agad na pinasaya kay hayato na pinasa naman kay rukawa na agad na umatake sa depensa ni shin. Nakalusot si rukawa dahil doon kaya nakagawa siya ng easy lay up



4-0 na ang score kaya sobrang gulat na gulat parin ang lahat sa nangyari. Lahat ng iyon ay dahil kay sakuragi at sa kakaibang aura'ng inilalabas nito.



❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎
[𝚊𝚞𝚝𝚑𝚘𝚛 𝚗𝚘𝚝𝚎: 𝚙𝚊𝚞𝚜𝚎𝚍 𝚖𝚞𝚗𝚊, 𝚕𝚊𝚝𝚎𝚛 𝚗𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚞𝚕𝚒𝚝 𝚘 𝚋𝚊𝚔𝚊 𝚋𝚞𝚔𝚊𝚜 𝚗𝚊.. 𝚖𝚎𝚍𝚢𝚘 𝚐𝚒𝚗𝚊𝚗𝚊𝚑𝚊𝚗 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚜𝚊𝚒𝚗𝚢𝚘, 𝚜𝚊𝚗𝚊 𝚖𝚘𝚛𝚎 𝚌𝚘𝚖𝚖𝚎𝚗𝚝 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚒𝚗𝚜𝚙𝚒𝚛𝚎𝚍 𝚙𝚕𝚎𝚊𝚜𝚎(ᗒᗣᗕ)՞ 𝚎𝚡𝚌𝚒𝚝𝚎𝚍 𝚗𝚊 𝚊𝚔𝚘 𝚜𝚊 𝚜𝚞𝚜𝚞𝚗𝚘𝚍 𝚗𝚊 𝚌𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛, 𝚔𝚊𝚢𝚘 𝚋𝚊?]

𝚖𝚊𝚐𝚞𝚐𝚞𝚕𝚊𝚝 𝚍𝚒𝚗 𝚔𝚊𝚢𝚘 𝚜𝚊 𝚜𝚊𝚜𝚊𝚋𝚒𝚑𝚒𝚗 𝚗𝚒 𝚜𝚊𝚔𝚞𝚛𝚊𝚐𝚒 𝚙𝚊𝚐𝚔𝚊𝚝𝚊𝚙𝚘𝚜 𝚗𝚐 𝚕𝚊𝚛𝚘? 𝙿𝚠𝚎𝚍𝚎 𝚔𝚊𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚗𝚐𝚑𝚞𝚕𝚊 😂😂😊

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now