chapter 13

350 34 22
                                    

"Uuwi ka na ba sakuragi?" Pahabol na tanong ni rukawa ng makitang nag aasikaso ng gamit si sakuragi.

"Hm. May usapan kami ngayon ni aki, ipapasyal ko lang." Sagot naman ni sakuragi, ngumisi naman si rukawa ng nakakaloko kaya napailing nalang si sakuragi sa nakita.

"Samahan pa ba kita o ikaw na? Mamaya niyan kasi maduwag ka na naman." Pang aasar na saad ni rukawa. Inis na tinignan siya ni sakuragi kaya natawa si rukawa.

"kabwesit ka talaga na zoro ka, mas maganda pa na tahimik ka noon e. Kesa ngayon na napaka ingay mo." Anas ni sakuragi ngunit hindi naman iyon sineryoso ni rukawa kaya tumatawang inakbayan nito si sakuragi.

"bakit totoo naman ah! Napaka indenial mo, kung pwede mo naman ng aminin sa sarili mo na may nararamdaman ka para kay aki pero tinatago mo lang."

"Wala akong gusto sakanya... para ko na rin siyang kapatid kaya sobrang pag iingat ang ginagawa ko sakanya." Rason ni sakuragi

"Tss.. ang hina mo naman e. Tinuturuan ka na nga ng tamang gagawin," saad ni rukawa

"pwes isarili mo nalang yan, kaya ko na sarili ko." Sagot naman ni sakuragi, iiling iling namang binatukan ni rukawa si sakuragi.

"Makikita mo, lalapit ka rin sakin para humingi ng tulong.." anas ni rukawa na kinangiwi naman ni sakuragi

"Asa. Hindi mangyayari yang sinasabi mo." Laban pa nito


"Sabi mo yan ha? dahil sa oras na lumapit ka sakin, sinasabi ko sayo tatawanan talaga kita." Saad ni rukawa sa kaibigang si sakuragi, hindi naman nakaimik si sakuragi kaya natahimik na rin si rukawa.

hanggang sa makalabas sila sa gate ng school ng okaido ay nakapag paalamanan na ang dalawa. Nang mag isa ng naglalakad si sakuragi ay bigla niyang naisip ang mga sinabi sakanya ni rukawa, indenial siya sa nararamdaman para kay aki?

'Pero wala namang akong nararamdaman para aki, kundi bilang isang kapatid lang.' Anas ni sakuragi sakanyang sarili, imposible naman kasi na magka gusto rin si aki sakin, sadyang mabait lang ito sakin at ang tatay nito.


'kaasar talaga ang zoro na yon, ginugulo niya utak ko.' Muling anas ni sakuragi sa kanyang sarili.

Ilang minuto pa ay nakarating narin siya sa bahay nila aki, agad siyang nag doorbell at ilang segundo lang magmula ng mag doorbell siya ay nakarinig na kaagad siya ng mabilis na yapak patungo sa gate.

napakunot ang noo kong hinagod nang tingin ang kabuuan ni aki, naka dress ito at naka make up. Nakita niyang sumilip si coach kotaro na nakangiti at mukhang inaasar na naman ang anak.


"Sakuragi anak, pasok ka muna bago kayo umalis ng anak ko. Kumain kana ba? Kakatapos niyo lang mag practice diba? Dapat nag papahinga ka muna." inalalayan pa siya ni coach kotaro habang sinesenyasan ang anak na tumungo sa kusino.


ilang minuto pa ay nagkukumahog ang dalawa sa harapan ko, may dalang isang basong juice si aki samantalang si coach naman ay meryenda. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil sa pinapakitang kabaitan nila sakin.



"ayy coach salamat po sa pagkain, ayos lang naman po kung sa bahay nalang po ako kakain." Inilingan ako nito habang tinuturo ang pagkain na nakahain.



"hindi ako makakapayag na wala kang kakainin, mag dedate kayo ng anak ko. Dapat malakas ka." Ha? Para saan naman iyong malakas? Tsaka anong date?



"Date?" Takang tanong ko sabay tingin kay aki na nanlalaki ang mata sabay hila sa tatay niya sa isang sulok at sabay na bumulong ng kung ano.



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now