chapter 97

83 8 2
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 97;

Continue...

*****

"Aki!! Teka lang, aki.." pag pigil ni rukawa ng maabutan nito itong tumatakbo, nagpupumiglas pa ito sa pagkakahawak subalit hindi iyon hinayaan pa ni rukawa na makaalis pa.


"Pabayaan mo na muna ako rukawa, gusto kong mapag isa muna." Humihikbing pakiusap ni aki na pilit paring inaalis ang pagkakahawak ni rukawa sa kanyang braso.

Nagulat nalang si aki ng mabilis siyang higitin ni rukawa palapit sa katawan nito. Naramdaman nalang niya ang mainit nitong katawan na yumayakap sa kanya, napahikbi si aki ng maramdamang inaalo siya ni rukawa.

Iyak lamang ito ng iyak habang yakap yakap ito ni rukawa, ramdam ni rukawa ang bawat hinagpis ni aki dahil sa panginginig ng katawan nito sa labis na pag iyak.

"Ilabas mo lang lahat, nandito lang ako, hindi ako aalis sa tabi mo." Pag aalong saad ni rukawa, matapos sabihin iyon ni rukawa ay tila naging hudyat na iyon upang mas mapahagulhol sa iyak si aki.

Iyong iyak na sobrang nasasaktan pero parang may iba pang dahilan, yumuyugyog ang balikat nito at hikbi narin ng hikbi.


Walang ginawa si rukawa kundi ang yakapin lamang ito at tapik tapikan ng mahina ang likod. Napatiim bagang pa si rukawa dahil sa labis na inis para sa kaibigan, kahit pa alam niya ang totoong dahilan kung bakit nasabi iyon ni sakuragi ay di pa rin talaga makapaniwala si rukawa na sasabihin at susundin niya ang babaeng iyon.


Parang pinapatunayan niya ngayon kung gaano kababaw lamang ang pagmamahal niya para kay aki, hindi pa sapat ang pagmamahal niya para sundin ang mapanuksong utos ni haruko sakanya.


Ang totoong lalaking nagmamahal, hindi natutukso sa kahit na anong paraan o dahilan ang humarap sakanya.


'gunggong talaga, bahala siya sa buhay niyang magdusa. Hindi ko siya tutulungan hanggat hindi niya narerealize ang pagkakamaling ginawa niya. Kaibigan ko siya, pero di ko itotolerate ang pagiging gunggong niya.' anas ni rukawa sa isipan bago muling binigyang pansin si aki



Samantalang sa kabilang bahagi naman kung nasaan si sakuragi, nananatili parin itong nakayuko at nakaluhod sa damuhan, nakaalis na rin ang mga tao dahil sa nangyari. Ang tanging naiiwan ay ang member lamang ng okaido team.


Nasa bukana ang mga ito ng pintuan habang nakamasid kay sakuragi, hindi sila makalapit dahil pinag bawalan na rin sila ng kanilang coach.


"Pambihira, bakit kasi nangyari pa ito?" Gigil na saad ni shintaro na sinilip pa ang coach nila na nasa bar counter na nag iisa habang umiinom.

Mukhang galit na galit parin ito, dahil sa ayos at hilatsa ng mukha. Dinanggil ni shintaro si takasugi na walang habas na naglakad patungo sa direksyon ni sakuragi.


Si haruko ay umuwi na ng makitang hiyang hiya ito sa ginawa niya. Kahit sinubukan na nitong mag paliwanag ay wala ni isang nakinig sa kanya.


"Bakit mo iyong ginawa sakanya? Bakit mo sinaktan iyong babaeng matagal kong ginusto pero pinaubaya ko para sayo dahil akala ko hindi siya iiyak. Tangina tol, hindi laruan si aki.. kung gusto mo pala iyong babaeng pumunta dito, sana umpisa palang di muna ginulo si aki." Bulyaw ni takasugi, nagsitakbuhan naman ang iba sa direksyon nila at agad na pinalayo si takasugi.



"Alam ko iyon, kahit mag sorry ako ngayon hindi na iyon mababago pa, kahit na umiyak at mag damag pa akong lumuhod dito.. alam kong di maaalis non ang sakit na nararamdaman niya. Hiyang hiya ako at sobrang nasasaktan din sa nangyari," saad ni sakuragi na muling umiyak nang bigla nitong tiningala ang tingin sa mga kaibigan.



Nagulat silang lahat sa nakita nila sa mga mata ni sakuragi, hindi mo iyon makikitaan ng kahit na anong emosyon, kundi sakit lamang ang nababalot non.


"Nahiya ka pa sa lagay na yan? Ikinakahiya mo iyong ginawa mo tapos ipapakita mo samin ngayon na ikaw iyong biktima dito. Iyong taong sinaktan mo, hindi naman alam kung nasaan na ngayon." Sigaw pang muli ni takasugi, kwenilyuhan nito si sakuragi..



"Hindi ko kinakahiya ang nangyayari sakin ngayon, kinakahiya ko ang sarili ko kasi nasabi ko ang bagay na iyon kahit na alam kong may taong Mahal na ako pero nagawa ko parin gawin iyon. Nasasaktan ako dahil kahit na nakita niya ako kanina, nakikita ko parin ang pagmamahal sa mga mata niya." Humagulhol na saad ni sakuragi, napiyok pa siya ng sabihin niya ang huling mga kataga.

Napaiwas nang tingin ang mga ito bago lumunok, nakakaramdam na kasi sila ng awa at sakit habang tinitignan nila itong nahihirapan sa kanilang harapan.



"Mga par, mahal na mahal ko iyon eh.. ang mali ko lang naman, hindi parin pala sapat iyong pagmamahal ko sakanya kaya ko nasabi ang bagay na iyon kay haruko, sumunod ako sa gusto ni haruko habang wala si aki sa tabi ko. Kahit sabihin ko sainyo na hindi ko iyon sinadya, ang katotohanang nasabi ko parin iyon sa ibang babae, hindi ko na iyon mababago." Umiiyak paring sabi ni sakuragi, napahilamos na rin ito sa sariling mukha dahil sa labis na pag hihinagpis at sakit.



"H-hindi ko na alam ang gagawin ko. W-wala na akong pakialam kahit mawala na ako sa t-team,  pero iyong taong naging dahilan ng pagbabago ko. Hindi ko alam kung p-paano ko pa siya haharapin ng hindi nakikita ang sakit sa mga mata niya ng dahil sakin." Humihikbing ani pa nito, nagulat pa ang mga kaibigan ni sakuragi ng bigla siyang humiga sa damuhan habang nakatakip ang braso sa kanyang mata.



"T-tulungan niyo ako," umiiyak na pakiusap ni sakuragi.. "please, tulungan niyo akong makausap si coach.." nagulat sila sa pakiusap ni sakuragi, ang akala nila ay si aki ang gusto nitong makausap kaya nag papatulong.


"Hindi namin maipapangako yan sakuragi, ngayong galit parin si coach sa ginawa mo sa anak niya. Pahupain mo muna ang araw na ito at pag isipan mo ang lahat ng mga maling nagawa mo." Saad ni tetsuya na lumapit kay sakuragi at tinapik ito sa balikat kahit na nakahiga si sakuragi sa damuhan.



"Tama si captain, sakuragi. Need niyo munang bigyan ng oras ang isa't isa para makapag isip isip. Kung ano man kalabasan ng lahat ng ito, tanggapin mo nalang.." hindi umimik si sakuragi dahil sa pamamanhid ng kanyang mukha sa labis na pag iyak. Kahit na humihikbi at may luha paring pumapatak sa mata nito ay nakatitig lamang ito sa langit na punong puno ng bituin.




The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now