chapter 67

121 17 4
                                    


Okaido 16
shoyo 9

hawak ng shoyo ang bola at si ezekiel na ang nag papasok nito, nakita ng team okaido ang pag babago ng taktika ng team shoyo. Hindi narin masyadong napapansin ang pagiging agresibo ni ezekiel, pinasa nito kay fujima ang bola habang nakikipag titigan kay sakuragi. Walang emosyong nag titigan ang dalawa hanggang sa mabilis na inatake ni fujima pakaliwa ang depensa ni sakuragi na sinusundan naman nito. Maya maya pa'y nakarating sila sa gitna kaya nascreenan ito ni ezekiel na mukhang biglang ngumisi, napapagitnaan na nila si sakuragi kaya hindi kita ng referee ang pwedeng gawin ng dalawa kay sakuragi.

Napaigik sa gulat si sakuragi ng sikuhin siya sa tagiliran ni ezekiel, napaatras siya patungo sa gilid ni fujima dahilan para mag dikit ang katawan nila. Napapito ang referee sa nakita.



"intentional foul. Okaido Jersey number 10." Napasinghap si sakuragi dahil sa narinig kaya napatingin siya kay ezekiel na tumatawa ng mahina, tinignan din niya si fujima na walang karea-reaction  bago umalis. May dalawa kasi itong free throw kaya nagtungo na ito doon.



nag aalalang tumungo si rukawa sa kaibigang si sakuragi, sapo sapo nito ang tagiliran habang masamang nakatingin sa kung saan.



"ayos ka lang ba sakuragi?" Tanong ni rukawa na inalalayan pa si sakuragi. Suminghap si sakuragi ng mahawakan ni rukawa ang tagiliran niya.



"Intensyon ang ginawa ni ezekiel kanina na pag siko sakin, sobrang sakit." Anas ni sakuragi na napapangiwi pa habang sinusubukang tumayo ng tuwid.



"tsk! Lumabas ka kaya muna, hayaan mo munang ako ang kumilos." Seryosong saad ni rukawa, umiling si sakuragi bago tumingin sa mga kakamping nakatingin din sakanya.



"Edi ikaw naman ang pinunterya nila, kaya ko pa naman. Nabigla lang ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakapag react." Saad ni sakuragi na binibigyan pa ng assurance si rukawa.


"Tss. Tigas din kasi ng ulo mo, halata namang gumagawa na sila ng hakbang na mapaalis ka hindi mo pa ba napapansin iyon?" Anas ni rukawa na medyo na iirita na sa kaibigan. Nginisihan siya ni sakuragi bago tinapik sa braso.



"tss. Hindi pa tayo nag sisimula sa laro, alam ko ng meron silang binabalak sa akin at sayo. Kaya nga nila isinali si ezekiel na dating nagoya diba? Kasi alam nilang makakatulong ito sa team nila. Unless, wala silang alam sa binabalak ni ezekiel na mapatalsik tayong dalawa." Pagpapaintinding saad ni sakuragi kay rukawa. Napaisip doon saglit si rukawa bago napatingin sa koponan ng shoyo.




"Tsk. Kahit ano pa man ang rason nila, as if namang mag papatalo tayo sakanila. Eh beterano kana sa pakikipag basag ulo dati, edi sampulan mo ng may kalagyan." Inis na tinignan ng masama ni sakuragi si rukawa.



"siraulo ka ba? Edi pag ginawa ko iyon edi na disqualified na tayo? Tsaka himala yatang ikaw pa mismong nag sasuggest sakin ng mga bagay na yan, eh dati rati ayaw na ayaw mo." Puna ni sakuragi kay rukawa habang nakakunot ang noo. Napa'tsk rukawa bago binitawan si sakuragi sa pag aalalay.



"Madumi silang maglaro alam ko yon, at alam ko rin na kapag pinatulan natin sila ay mapapasama pa tayo. Kung tutuusin, hindi naman lang sa pisikalan nagiging madumi ang manlalaro e. Ilabas nalang natin sa larong ito kung sino ba talaga tayong dalawa sa loob ng court." napangisi si sakuragi sa narinig mula sa kaibigan. Ibang klase na talaga mag isip ang isang to?

dati napakasuplado at napakatahimik, ngayon parang bumaligtad na yata ang ihip ng hangin at napalit kami sa sitwasyong hindi namin inaasahan pareho.



"Mukhang ganon na nga lang ang gawin natin." Sang ayon na saad ni sakuragi na tinignan ang shoyo ng may pag hahamon.




Okaido 16
Shoyo 11


Muling nagsimula ang laro at hawak na ito ni rukawa, ipinasa niya ito agad kay sakuragi na mabilis din namang nawala sa pag babantay ni ezekiel, nagulat man ang huli ay nakapokus parin siya sa kanyang tungkulin at iyon ay mapalabas si sakuragi sa paglalaro ng basketball.

Nang muling nag bantay ang dalawa kay sakuragi ay agad naging alerto si sakuragi sa pwdeng gawin ni ezekiel sakanya na nasa likod niya na naman. Nang makita niyang iniipit na siya ng dalawa ay agad siyang umikot pakaliwa upang ang matamaan sa pag siko ni ezekiel ay si fujima. Napatingin si fujima may ezekiel ng may pagkagulat ganon din ang huli kaya napangisi si sakuragi bago walang habas na pinag aatake ang depensa ng mga kakampi ni fujima.

Nasa harapan na siya ni hanagata kaya agad naman naging seryoso ito. Nang makita ni sakuragi ang opening ay agad na siyang tumalon ng pagkataas taas na sinundan din naman ni hanagata ngunit laking gulat nilang lahat ng mabilis na ibinato ni sakuragi ang bola patalikod patungo sa nakatayong si rukawa mula sa three point line. Nanlalaki ang mga mata ng team shoyo habang sinusundan ang bola patungo sa direksyon ni rukawa na walang kahirap hirap na sinambot ito, pagkasalong pagkasalo ay wala itong sinayang na pagkakataon ay agad nitong inirelease ang bola.



napasinghap si ezekiel sa nakitang pagbitaw ni rukawa sa bola, kaya ang tanging nagawa niya nalang ay sundan ang bolang pababa sa ring ng team okaido.



Napahiyaw ang mga tao sa nakitang tandem na naman ng dalawa, matagumpay ngang naipasok ang three point shot ni rukawa kaya napa apir silang dalawa ni sakuragi ng makalapit ito sakanya.


napapatiim bagang naman sa inis si ezekiel samantalang si fujima naman ay nakatingin ng masama kay ezekiel, naiiling naman si hanagata sa nasasaksihan sa mga kakampi niya. Dahil hindi niya akalain na magiging ganito kahirap maging katunggali sila sakuragi at rukawa.


Okaido 19
shoyo 11



'Kada sinusubukan nilang makahabol at makapag puntos ay nasusundan parin sila ng team okaido at nalalamangan pa.' Anas sa isipan ni hanagata. Hindi niya naman makausap ang team captain nila dahil sa pagiging mainitin na naman ng ulo nito. Hindi na siya iyong captain na detelyado at kalmado, mas maging komplikado ang paglalaro niya na dati naman ay pulido.



"Wag kayong mawalan ng pag asa, hanggat may oras pa hindi pa tapos ang laban." Saadi ni hanagata ng makitang lugmok ang mga kakampi niya. Nag uumpisa palang naman sila pero bakit wala agad sila sa mood?



" Pasensya na, kasalana ko ito. Kung hindi ko lang siguro dinala ang problema ko, hindi magiging ganito ang resulta ng laban natin." Anas ni fujima na aminado sa kasalanan.



"captain, naiintindihan namin. Pero sana maging maayos na ulit kayo. Malalamangan tayo ng team okaido kung wala pa tayong gagawin." Anas ni minato




"Alam ko.. pasensya na." Tanging na sabi ni fujima bago naupo at sapo sapo ang mukha. Napabuntong hininga ito ng malalim bago sinampal sampal ang mukha upang magising. Nagulat ang mga kasamahan nito sa biglaang ginawa bago palihim na ngumisi si hanagata.





"Okay team, gawin natin ang makakaya natin ngayon first quarter." Anunsyo ni hanagata.




"Yes vice captain." Sigaw ng mga kakampi.




******
(A/n: Hi/hello! How are you guys?)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα