chapter 135

100 13 7
                                    

Continuation...

                   Nang mailabas ang tatlong lalaki na kaklase ni sakuragi agad humingi ng kapatawaran ang manager at maging ang baguhang waitress. Hindi naman ito pinahaba pa ni sakuragi bagkus ay agad nitong ipinaalis.

Naupo naman sa kaharap na upuan si butler lee, tinitignan nito si sakuragi.

"Sir, sino iyong mga iyon?" Tanong ni lee kay sakuragi

"Ah. Mga kaklase ko iyon, tinaguriang bully sa school. Ako ang napag didiskitahan dahil akala nila hindi ko sila papatulan." Saad ni sakuragi, tumango tango naman si lee sa sinabi ni sakuragi.

"Eh! Bukas, may pasok na kayo. Hindi ka lalo ka nilang pag tripan?" Nag aalalang saad ni lee dito, subalit naiiling na lamang si sakuragi.


"As if naman na magpapabully ako, tahimik lang ako sa school pero hindi ibig sabihin non, hahayaan ko silang gawin ang gusto nila sakin. Oh! By the way. Wag na sanang mkakarating pa ito kay lolo. Baka mag alala na naman iyon sakin." Tumango si lee at hindi nalang nag salita pa. Ngunit hindi maalis ang pag aalala ni lee para sa amo nito, sa labis na kagustuhan nitong itago ang totoong identity sa lahat ay kinakabahala niya ang nalaman ng tatlo kanina.



"Sir, hindi po ba makakalabas ang mga nalaman ng tatlong nakausap niyo kanina iyong nangyari dito? Ikinakabahala ko lang na baka bigla nilang sabihin iyong nangyari." Itinigil ni sakuragi ang pag titig sa cellphone bago umiling kay lee


"Hindi ko natatakot sa kung ano mang balak ng tatlo sakin, kahit pa siguro sabihin nila iyon.. pero kilala ko ang mga katulad nila, ayaw na ayaw nilang nalalamangan kaya mas ikabubuting itatago nila iyon at kapalit non, lulubayan na nila ako." Saad ni sakuragi, nalinawan man ang pag aalala ni lee sa sinabi ni sakuragi ay pinag sawalang bahala niya na lamang iyon.


Kahit naman siguro malaman ng lahat na apo ni don fermin si sakuragi wala naman silang magagawa dahil iyon naman talaga ang totoo. Ang kaso kilala si don fermin sa ōsaka na pinakamayamang negosyante at wala sa bali balitang may anak o apo ito. Iyon ang todong pinag aalalahanan ni lee para sa amo niya.



Ilang minutong pag hihintay dumating na rin ang kanilang pagkain, nagsimula na silang kumain na dalawa at panaka nakang tumingin si sakuragi sa cellphone.


Napansin iyon ni butler lee kaya muli niya itong tinanong.


"Sir, may problema ba?" Tanong ni lee


Tinignan siya ni sakuragi bago muling ibinalik ang tingin sa cellphone  nito. Bumuntong hininga ng malalim si sakuragi bago itinaas ang phone screen para maipakita ni sakuragi kay lee ang tinitignan niya kanina pa.


"Kakasend lamang ng kaibigan ko mula sa kanagawa ang picture ng mag ina ko. Gustong gusto ko na silang makita at makasama." Bulalas ni sakuragi, pinakatitigan ni lee ang phone bago kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa.


"Sir, Pwede ko naman pong alamin kung nasaan ho ngayon si miss. Sabihin niyo lang po at gagawin ko ang ipinag uutos niyo." Saad ni lee kay sakuragi, napatigil si sakuragi sa sinabi nito at pagkaraan ay natahimik ng ilang segundo.


"Paano kung malaman ni lolo? Alam niyo na man pong may agreement kaming dalawa. Na hindi pa ako pwedeng mag pakita kay aki ng wala pang napapatunayan sa sarili." Napaisip si lee sa bagay na iyon at pagkaraan ay ngumiti.



"Sir, nasa buong pamilya niyo ang loyalty ko at ibinigay na ako ni don fermin sa pangangalaga niyo. Kayo na ang bahalang mag decide kung anong gusto niyong ipagawa sakin. Hindi ko rin naman ipapaalam kay Don fermin." Saad ni lee, natuwa si sakuragi sa nalaman ngunit natatakot siya para kay lee na kapag nalaman ito ng kanyang lolo ay ikakapahamak lamang nito ang pag sunod sa utos ko.



"Lee, maraming salamat. Magandang alok nga iyang sinasabi mo, pero madadamay ka sa problema ko, ayaw ko naman mawala ang tiwala ng lolo ko sayo ng dahil lang sakin." Saad ni sakuragi



"Salamat sir, napakabuti niyong amo.. kung tutuusin po wala naman po talaga kaming pag pipilian kundi ang sumunod sa kahit na anong iutos niyo dahil nag tatrabaho ako sainyo. Pero sa twing ipinapaalala niyo iyong halaga ko bilang servant niyo, mas lumalaki ang respeto ko para sainyo. Hayaan niyo sir, ako na po ang bahala kay miss aki.. aalamin ko ang lahat tungkol sakanya ng hindi sainyo sinasabi para kahit papano hindi po tayong dalawa nagkasala kay Don fermin." Nanlaki ang mata ni sakuragi sa sinabi nito at the same time ay natawa din.



"HAHA! Maraming salamat po, kahit sa ganoong paraan atleast alam ko na safe ang anak ko dahil may nag babantay sakanya. Ganon na nga lang ho ang gawin niyo, maganda ho sana kung mag hire kayo ng mag babantay sakanya para mas maprotekhan siya kahit nasa malayo." Suhestiyon ni sakuragi


"Sige sir, noted. May kilala naman ako na makakatulong sa atin sa pag hahanap ng tauhan mula sa embacy. Magagaling din sa larangan ng pakikipag laban." Tumango si sakuragi at naging panatag na sa sinabi ni lee.



"Sige po, kayo na ang bahala.. Sige, ubusin na muna natin ang pagkain bago tayo umuwi. Bukas may pasok pa ako." Anas ni sakuragi


-KANAGAWA


Naglalakad na pauwi si rukawa mula sa school ng okaido, routine niya na ang pumasok at umuwi ng mag isa at sobrang nabobored siya kapag ganon. Minsan niya rin naman nakikita ang mga kaibigan ni sakuragi kaya doon lamang nagkakaroon ng time si rukawa para sa sarili niya.


Imbes na dumeretso sa bahay si rukawa, tinungo niya ang daan patungo sa pinag tatambayan ngayon nila mito. Magmula kasi ng kunin si sakuragi ng kanyang lolo ay naisipan ng mga kaibigan ni sakuragi na sa bahay na lamang ni sakuragi pansamantalang manirahan. Balak pang isama si rukawa upang malaman din ng isa sa kanila kung kamusta na ba si sakuragi.


"Yosh!" Bati ni mito ng makita si rukawa, nagkasalubong ang dalawa mula sa open court mag dadapit hapon na rin.


"Kamusta?" Pangangamustang tanong ni mito


"Hindi ko alam, magmula kasi ng umalis ang kapatid ko at si sakuragi, nawalan na ng gana buhay ko." Saad ni rukawa kay mito, ngumisi si mito sa sinabi niya sabay tapik nito sa balikat.



"Agree ako dyan, napag planuhan nga naming apat na dalawin si sakuragi sa sunod na linggo e. Para na rin kamustahan, mag anim na buwan na magmula ng umalis siya dito..sobrang miss na miss ko na ang gunggong na iyon." Ani mito



"Sabagay, sasama na rin ako. Gusto ko rin makita ang magiging reaction niya sa oras na malaman niya ang ibabalita ko sakanya." Napakunot noo si mito sa sinabi nito


"Ano ibig mong sabihin?" Curious na tanong ni mito


"Sa linggo na lang, mas maganda na si sakuragi muna ang makakaalam ng balitang iyon." Saad ni rukawa ng may pang asar na ngiti bago nag patiuna sa paglalakad.



"Ang daya nito." Bulalas ni mito

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon