chapter 134

105 12 8
                                    


Continuation...

         'Nang makauwi si akira sa kanilang bagong tirahan, agad siyang tumungo sa garden na pinag kakaabalahan ng kanyang anak na si aki. Bigla kasi nitong nakahiligan ang pag aalaga at pag tatanim ng halaman kaya bumili siya ng iba't ibang uri ng halaman para malibang ito at hindi na mag isip pa ng ikastress nito.

Kasama na rin ni akira ang pangalawang asawa na ama ni rukawa, samantalang si rukawa ay nanatili muna sa kanagawa dahil sa pag aaral nito at paglalaro ng basketball.

"Anak! Nandito na iyong pinabili mong prutas." Saad ni akira sa anak, tumayo naman mula sa pagkakaluhod si aki, may bago kasi itong tinatanim na halaman.

"Hi mom, nakauwi na po pala kayo.. h-hmmp!" Halinghing na ani aki ng biglang nakaramdam siya ng kirot sa tiyan niya. Labis naman ang pag aalala ni akira ng makita ang sakit sa mukha ni aki.

"Anak, dumito ka na muna at mag pahinga, wag mo namang pagudin sarili mo. Alam mo namang makakasama iyan sayo Diba?" Kumuha ng basong tubig si akira at agad na ibinigay kay aki.

"Sorry ma, bigla lang kasing nanigas iyong ibabang parte ng tiyan ko." Malungkot na napangiti si akira sa sinabi aki

"Mukhang malikot ang magiging apo ko ah! Kanino kaya nag mana?" May himig na pang aasar na saad ni akira sa anak, namula naman ang pisngi nito at agarang naisip ang itsura ni sakuragi.

"Mukhang sa tatay siya nag mana, ang likot likot niya na sobra." Mangiyak ngiyak na saad ni aki

"Anim na buwan na iyan anak, ilang buwan nalang ay makikita na natin si baby saki.. napakagandang pangalan, how I wish na sana kambal nalang ang anak mo." Ngising saad ni akira sa anak

"Sana nga mama, gusto ko magkaroon ng babae at lalaking anak." Ngiting saad ni aki na hinaplos haplos ang tiyan, napapangiwi ito sa sakit dahil muling sumipa ang baby sa tiyan niya.

"HAHA! Mag pahinga kana muna dyan, babalatan ko lang itong mangga." Paalam na anas ni akira sa anak, tumango na lamang si aki sa ina bago muling hinagkan ang anim na buwan na tiyan

MALL

"Tay? Gutom na ako, kain na muna tayo." Pag ayang saad ni sakuragi ng makakita ito ng restaurant na malapit sa clothing store.

"Sige sir, ihahatid ko lang ho muna ito sa kotse." Saad ni butler lee sa dala dala nitong mga napamili nila.

"Sige tay, hintayin nalang kita sa loob ng restaurant." Anas ni sakuragi bago nagsimulang maglakad papasok.. iilan lang ang tao sa loob ng restaurant ng makapasok si sakuragi.

Agad naman siyang ginuide ng waiter na nagbukas sakanya ng glass door. Pinili niya ang pinaka dulong upuan na hindi masyado naaaninag ng ilang mga taong pumapasok at lumalabas.

Binigyan naman siya ng waiter ng menu na agad namang kinuha ni sakuragi at tinignan ang mga pagkaing nandoon.

"Ahm. Isang bourbon street chicken and shrimp red lobster, isang california pizza.. two pasta and sa drinks naman pineapple juice will do." Saad ni sakuragi sa waiter na isinusulat sa isang maliit na papel ang kanyang inorder at pagkaraan ay inulit muli ang kanyang inorder.

Nang makaalis ang waiter, agad inilabas ni sakuragi ang kanyang cellphone na ibinigay sakanya ng kanyang lolo. Wala sana siyang balak na tanggapin ito subalit hindi ito pumayag dahil mas mag aalala ito kung hindi siya nito makokontak.

Busy sa pag scroll sa cellphone si sakuragi ng may marinig siya na familiar na boses.. napaangat ang kanyang tingin at tinignan kung sino iyon.

Malamig lamang na pinag masdan niya ang mga ito bago muling umiwas. Maya maya pa'y narinig niya ang yapak ng mga ito papalapit.

"Sakuragi? Anong ginagawa mo dito? Nag fefeeling ka ba na mayaman at naisipan mong pumasok sa high end restaurant?" Pang aalaskang saad ng isa sa kaklase niya sa ōsaka high.

Hindi ito pinansin ni sakuragi bagkus ay patuloy lamang itong nag scroll sa cellphone na naging agaw pansin sa tatlong mga lalaki.

Napaisip ang mga ito sa cellphone na uso ngayon..

"Ang ganda ng cellphone mo ah! Pano ka nag karoon niyan eh mahirap ka lang naman. Don't tell me, ninakaw mo iyan?" Pag akusa ni ace kay sakuragi na ikinatawa ng dalawang kasamahan nito.

Muling inignora ni sakuragi ang presensya ng tatlo na nakapag bigay ng galit at pang mamaliit sa sarili. Hahablutin na sana ni ace ang cellphone na hawak ni sakuragi ng mabilis itong iiwas ni sakuragi.

"Mind your own fucking business, ace! Hindi porket hindi kita pinapatulan ay naduduwag na ako sainyo. Pero once na mapuno ako sa mga ginagawa niyo, makikita niyo ang hinahanap niyo." Galit na asik ni sakuragi na itinulak pa si ace palayo. Nagulat ang tatlo sa naging agresibo ni sakuragi

Hindi kasi ito pumapalag sa panlalait at pang bubully nila sa room, kaya sobrang nagtataka ang tatlo sa inaasta ni sakuragi ngayon.

"Aba't ang lakas na ng loob mong angasan ako ah! Hindi mo ba kilala kung sino ang binabangga mo? Itong restaurant na pinasukan mo, pag aari ito ng kaibigan ng daddy ko. Baka gusto mong iban kita dito." Tinignan ni sakuragi si ace ng may blangkong expression sa mukha habang ang mga mata nito ay walang buhay lamang na nakatingin dito.

"Try me, then. Sa tingin mo ba natatakot ako sa sinasabi mo. Or baka gusto mong unahan kita sa gagawin mo palang." Anas ni sakuragi, maya maya pa'y may denial itong number mula sakanyang Cellphone.

"Hello.. yes, it's me! Hanamichi sakuragi.. meron akong ipapagawa sayo, meron kasing tatlong siraulong nananakot sakin na ibaban ako sa loob ng restaurant na pag aari ng lolo ko. Gusto ko sanang sila ang iban mo at kailan man ay hindi makakapasok o maging ang pamilya nito." Saad ni sakuragi na tinitigan ang tatlo na may pang bubully sa kanyang mga mata.

Tila pinag pawisan ng malapot ang tatlo sa narinig mula kay sakuragi.. hindi nila inaasahan na mayaman pala ang binubully nila noon pa.

"Sir, may problema ba dito?" Tanong ng waitress na napansin marahil ang kanina pang nakatayong tatlo.

"A-ahm miss, kilala mo ba ang taong iyan?" Tanong ni sanji sa waitress..tumingin naman ang babae kay sakuragi, agarang namula ang mukha nito subalit umiling siya bilang sagot.

"Ahaha! Mayabang ka, hindi ka naman pala kilala ng mga nag tatrabaho dito. Tapos sasabihin mo, pag mamay ari ito ng lolo mo? Sino ba iyang lolo mo? Nag tatrabaho din ba yan sa bukid kagaya mo?" Pang iinis na saad ni ace dito.

Maya maya pa'y dumating na si butler lee kasama ang manager ng restaurant na kilala si sakuragi at ang lolo nito.

"Sir?" Bati ni butler lee na yumukod pa kay sakuragi.

"S-sir?!" Gulat na bulalas ng tatlo

"Oo, sir. Amo ko siya at butler naman ako ng pamilya nila." Saad ni butler lee.

"May problema ba tayo dito? Sir sakuragi, kayo po pala, kamusta po si don fermin?" Tanong ng manager, tila nabuhusan ng suka ang mukha ng tatlo sa labis na pagkagulat at pagkapahiya.

"A-apo ka? I-ikaw ang apo ni don fermin na matagal ng hinahanap?" Saad ni ace, hindi sumagot si sakuragi bagkus ay naupo na lamang ito ng hindi na tumingin sa mga ito.

"Manager, paki escort na lang ho ang tatlong ito palabas. Kung ano man ang sinabi ng amo ko, sundin niyo nalang kung ayaw niyong ipaalam ko pa ito kay Don fermin at ito mismo ang kumastigo sainyo." Pag saad ni butler lee.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now