chapter 21

281 39 17
                                    

(Author note: hmm. Sorry kung may mga typos ako sa previous chapter, hindi ko na po kasi siya binabasa sa twing natatapos ako sa pagsusulat kaya wala na pong time para e-edit po. And also thanks po doon sa mga nag participate po, sobrang nakakatuwa po na may active readers po.)

(Para po sainyong lahat ito, last chapter nalang ay mag lalaro na sila laban sa isa't isa. Baka po kasi naiinip na kayo?😂🥺 sorry)

*********

.
"Aki? Ayos ka lang ba?" Tanong ni fujima ng medyo nakalayo layo na sila mula kay sakuragi at sa iba pa.

"ha? Oo naman, okay lang ako." Nakangiting sagot ni aki pero halatang pilit lamang ito.

"Kilala ka pala ni sakuragi!" Saad ni fujima

"oo, ako ang team manager ng okaido high. Sorry ha? Hindi ko man lang nasabi sayo yan kanina." Paghingi ng paumanhin ni aki kay fujima.


"okay lang, hindi rin naman kasi ako nag tanong. Ahm, bukas ba may gagawin ka?" Tanong muli ni fujima kay aki

"Ah. Oo meron, may practice ang team namin bukas e. Kailangan ako doon." Sagod ni aki na kinatango naman ng huli.


"Dito na pala ako, salamat sa pag hatid sakin ha? Napalayo ka pa tuloy." Nahihiyang saad ni aki na kinailing naman ni fujima.


"walang kaso iyong sakin aki, ang mahalaga ay nakauwi ka ng ligtas." Nakangiting saad ni fujima. Namula naman ang magkabilaang pisngi ni aki bago tumango.

"sige. Papasok na ako ha? Salamat ulit."

Nang makapasok na sa loob si aki ay siya namang pag dating ni sakuragi na may blangkong expression sa mukha. Nakatingin ito kay fujima ng masama bago tumingin sa bahay ni aki.

"Stay away from her, akin si aki. Wag mo siyang lalapitan ulit, fujima." Mababakas sa mukha ni sakuragi ang galit at tindi ng selos.

Nang maalala nito ang ginawa ni aki na paghila kay fujima palayo ay kumirot ng husto ang puso niya. Hindi siya makakapayag na maagawan siya ng kung sino.

"Ngayon nakikita mo na ang halaga niya, dahil ano? Nandito na ako kaya ka natakot na maagaw siya? Sana sinimulan mo na nung una palang." Sagot ni fujima na lalong kinainis ni sakuragi.

"Matagal ko na siyang gusto okay, itinatago ko lang dahil alam kong wala siya saking nararamdaman. Ginagawa ko ang paglayo sakanya para kahit papano ma secure ang puso ko na wag masyadong umasa." Bulyaw ni sakuragi na kinalaki ng mata ni fujima.

"Oh! I see. Manhid ka nga kung ganon, tama siya." Huling beses na saad ni fujima bago umalis at iniwan si sakuragi na nagtataka.


Napatingin si sakuragi sa bahay nila aki, iyong takot niya kanina ng makita niyang mag kasama si aki at fujima ay kakaiba. Hindi ko kayang makita siya na may kasamang iba.


"Aki? Sana gusto mo rin ako.. kasi ako, gustong gusto kita, matagal na." Bulong ni sakuragi sakanyang sarili bago tuluyang umalis at naglakad na pauwi.


-KINABUKASAN

Practice ng okaido at tsukuba high, hindi nila pinasali si sakuragi dahil pinagpapahinga nila ito. Dalawang araw nalang kasi ang natitira bago mag simula ang inter high preliminaries.

habang abala ang lahat sa pag papractice, si sakuragi ay hindi mapakali sa isang tabi habang tingin ng tingin kay aki na nakikitawanan sa ibang player.


mukhang napansin iyon ni rukawa kaya dinunggol siya nito sa balikat.

"Ano? Tama ako no? May gusto ka sakanya, pero natotorpe ka lang." Pang aasar sakanya ni rukawa. Tinignan naman sya ni sakuragi ng walang sinasabi at muling tumingin kay aki na nakatingin na pala kay sakuragi.


The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now