Chapter 60

177 20 3
                                    

Makalipas ang isang linggo araw ng sabado kung saan magsisimula ang pangalawang laro ng okaido laban sa shoyo lahat ng mga manlalaro at ibang manunuod ay excited na sa laban na mangyayari at ang inaabangan nilang ultimate tandem ng dalawa na si rukawa at sakuragi na todo pagsusumikap nitong nakalipas na araw. Lahat ng buong team okaido ay nakaprepared na sa laban na gagawin kaya hindi sila masyadong nakaramdam ng pressure dahil alam naman nila sa kanilang sarili na may laban sila at nag ensayo sila ng maigi upang manalo.



Alam nilang isa sa malalakas na koponan ang shoyo ngunit hindi iyon mahalaga sa team okaido dahil iisa lang ang goal nilang lahat. Ang manalo sa laban at makarating sa final upang huwaran ng pinakamagaling sa buong japan.




Matapos ang laban ng shohoku at okaido ay sobrang pumatok ito sa mga tao at manunuod na ipinalalabas pa sa televesion para mapanuod ang laban. Naging sikat narin si sakuragi sa kanilang lugar kaya naging pressure din ito para sa ating henyo dahil hinaharangan siya ng mga ito upang magpa picture lamang, may mga ilang bigatin din ang tumungo pa talaga sa school ni sakuragi upang makapasok at kunin ito sa kani kanilang team upang maging part siya ng mga ito. Ngunit hindi inintertain ni sakuragi ang mga ito dahil hindi rin naman ito interesado sa mga iooffer nila sakanya.





"Congrats sakuragi nag uumpisa palang tayo pero ito na agad ang naabot ng okaido team dahil sayo. Isa ka talagang nabuhay na alamat." Saad ni takasugi na inakbayan pa si sakuragi dahil sa sobrang galak.




"Salamat." Tipid na sagot naman ng huli, nakaupo kasi ito at tahimik na nakapikit ng istorbohin siya ni takasugi. May panibago na naman kasing tabloid na inilabas na puros si sakuragi ang laman at kung gaano ito kagaling, nailabas din ang ilang pribadong buhay ni sakuragi dahil sa pag uungkat ng mga ito sa buhay niya.



Kahit ang pagiging wala niyang kwenta noon ay laman ng tabloid o dyaryo, unti unti ay nagiging successful na siya para sa paningin ng iba ngunit para kay sakuragi kulang pa ang kaalaman niya.





"Huwag kang magulo dyan takasugi, nag memeditate iyan para sa laban natin mamaya sa shoyo." Pagpigil ni shintaro kay takasugi ng balak na naman sana nitong istorbohin si sakuragi.




"Okay. Pasensya, natutuwa lang talaga ako sa nangyayari ngayon." Nakangising saad ni takasugi. Samantalang si rukawa ay medyo naging mailap na kay sakuragi, nag bago ito bigla sa di malamang dahilan.




"Pre, pansin mo hindi na masyadong nangungulit si rukawa no? Dati rati naman si sakuragi ang kasama niya ngayon naman napakatahimik niya na." Saad ni kiyo na kausap si shintaro. Narinig iyon ni captain tetsu kaya pinagbabatukan niya ito.




"imbes na mag warm up na kayo pakikipag chismisan pa ang ginagawa niyo dyan." Seryosong pag sitang anas ni tetsuya na sinamaan pa ng tingin ang dalawa. Kakamot kamot naman sa ulo ang mga ito bago sabay na umalis at tumungo sa gilid upang mag warm up.




Nang bumukas ang pintuan ng kanilang inuukupang locker room para sa mga players nakita nilang papasok doon si aki at ang tatay nitong si coach kotaro na may seryosong expression. Nakaramdam ng kaba ang mga team samantalang wala namang pakialam si sakuragi na nakaupo parin habang nakapikit.





"makinig team! Nabalitaan ko lang ngayon na may bagong kateammates ang shoyo team na galing pa sa nagoya high school. Kilala niyo itong lahat dahil nakalaban na rin natin sila 'nung unang laban." Natahimik ang buong team okaido at nagkatinginan napaisip ng kanya kanyang player na posibleng tinutukoy ng kanilang coach.




"Coach sino po?" Tanong ni tetsu ng hindi na rin mapakali dahil sa binibigay na pressure ng kanilang coach.



bumuntong hininga ng malalim si coach kotaro bago tinignan si sakuragi na ngayon ay nakatingin na ng deretso sa harapan nito which is si rukawa na nasa harapan nito.




"Si ezekiel miyamura ang power forward na nakalaban natin na isa din sa magagaling at ang nangunguna sa malalakas na power forward." Nag igting ang mga panga ng mga kateam ni sakuragi ng malaman nila kung sino ang tinutukoy ng coach nila.



Si ezekiel miyamura ang naging dahilan din kung bakit nahirapan sila noong umpisa. Ito ang dahilan kung bakit nainjured si tetsuya dahil sa pagiging madumi nitong maglaro.





"Sa dinami dami ng pwedeng makalaban bakit iyong piling kano pa?" Inis na saad ni kiyo na namomroblema sabay tingin kay sakuragi na muling nag meditate.



Maya maya pa ay muling nag mulat si sakuragi at tinignan si rukawa na nakatingin din pala sakanya..




"Hindi ko na hahayaang mangyari pa ang ginawa nila kay captain tetsu.. kami ni rukawa ang bahala sakanya." Saad ni sakuragi sa malamig na boses na ikina kilabot ng husto ng team okaido. Wala namang naging reaction si rukawa sa inilahad ni sakuragi bagkus ay nakatitig lang ito kay sakuragi ng seryoso.





"Naiintindihan ko sakuragi, ngunit dalawa kayong importante sa team okaido kung isa man sainyo ang mapaalis dahil sa ginagawa nila. Baka imposibleng manalo tayo laban sakanila." Saad ni aki na pinapaintindi kay sakuragi ang kanyang punto. Bumuntong hininga ng malalim si sakuragi bago tumayo.




"Just like what i said, kami na ang bahala sa lalaki na iyon magfocus nalang tayo kung paano makakascore. Hindi ko rin naman hahayaan na magawa niya pa ang bagay na iyon." Malamig ang boses na anas ni sakuragi.




Nalungkot si aki sa narinig mula kay sakuragi, apat na araw na ang nakakalipas magmula ng maging cold ito sakanya. Halos puros pagpapractice na lang ang inaatupag nito ni minsan ay nawawalan ito ng oras sakanya, naiintindihan naman ni aki iyon ngunit nasasaktan siya na makitang parang nawawalan na ng sigla si sakuragi sa kanya.




"n-naiintindihan ko. Pasensya na." Paumanhing saad ni aki na hindi na muling kumibo pa. Naramdaman ng lahat ng team ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya hindi nalang sila nag salita pa at nag focus nalang sa pwedeng gawin mamaya laban sa shoyo.





"Takasugi ikaw ang pinakamagaling pag dating sa pag steal at mabilis ka rin.. ang bantayaj mo si kenji fujima." Nagulat si takasugi dahil sa narinig. Si kenji fujima na isa sa mahusay na manlalaro ng kanagawa ay makakaharap nito mamaya at mababantayan pa nito.





"Noted coach.." masiglang saad ni takasugi na mukhang natuwa rin naman sa narinig.




"Ikaw tetsuya ang magbabantay kay toru hanagata tutal mag kasing tangkad lang naman kayong dalawa at parihas pa ng pangangatawan." Anas ni coach na kinatango naman ni tetsu.




"And the rest kayo na ang bahala.. umaasa ako na mananalo tayo ngayon dahil malakas ang buong team ng okaido." Anas ng coach nila





'mamaya mag sisimula na ang seryosong labanan.' Anas ni rukawa at sakuragi sa kanilang isipan.




******
(a/n: broken ako ngayon plus madami pang gagawin sa school.. HAHAHA di naman nakakapagod, sobra lang.. thankyou nga po pala sa mga nag comment at sa mga pag aalala niyo, sobrang natuwa po ako sa mga sinabi niyo. Pasensya na po talaga kung palaging delay ang update ko, sobrang busy lang po talaga sa school at dami pang iniwan samin na assignment.. drain na drain pa utak ko kahapon. Patawarin niyo ako guys!)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now