chapter 120

88 10 6
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 120:

****Continuation of flashback/s****

-KANAGAWA

Habang naglalakad si miyagi ng mag isa sa daan patungong shohoku, hindi nito maiwasang hindi maisip ang mga nabalitaan tungkol kay sakuragi at sa kasintahan nito.

Kalat na kalat na kasi ang balita sa labas o loob man ng school nila, madaming hindi makapaniwala sa nabalitaan pero mas marami parin ang naniniwalang may kasalanan si sakuragi sa lahat ng nangyayari.

Ilang beses niya na rin idinepend ang kaibigan subalit mas naging mahirap para sakanya ang baguhin ang isipan ng mga taong hindi naman nila lubos na kilala si sakuragi.

Sa loob ng isang buwang iyon, hindi na rin mahagilap si sakuragi dahilan para paratangan siya na guilty kahit na alam  naman ng iba na sumama si aki sa ina nito para lumayo sa ama nito.

Si rukawa mismo ang nag sabi non upang malinis rin ang pangalan ni sakuragi na wala namang ginagawang masama dito. Hanggang ngayon, hinahanap parin ng mga kateam ko sa shohoku si sakuragi para tulungan.

Napabuntong hininga na lamang si miyagi bago nakapamulsang dumaan sa street na tambayan ni sakuragi. Nag babakasali din kasi siya na baka makita niya ito at makausap tungkol sa mga nangyari at para matulungan narin.

Hanggang sa may maaninag siyang pamilyar na figure na mabilis na tumatakbo

"Mito?!" Tawag pansin ni miyagi ng makita nitong mabilis na tumatakbo patungong eskenita si mito. Sinundan niya na lamang ito para malaman kung bakit tumungo ito doon.

Imbes na dumeretso papasok sa school ay mas inuna ni miyagi ang sumunod kay mito, kahit walang kasiguraduhan kung magiging okay ba ang gagawin niya.


Nang makarating sa tapat at makapasok sa bukana ng madilim na eskenita ay nag alangan pa siya kung papasok ba siya o hindi subalit naisip niya na nandoon si mito kaya marahil hindi naman delikado sa loob. Isang buwan na rin ang nakalipas ng hindi na namin mahagilap si sakuragi dahil sa ama ni aki.

Hinahanap kasi si aki ng kanyang ama, ang una nitong pinuntahan ay ang bahay ni sakuragi. Nakakaawa na kung tutuusin ang kalagayan ni sakuragi, wala naman siyang ginawang masama kundi ang mahalin lamang si aki.

Bakit kaya napaka cruel ng mundo at nang ibang tao sa mga nag mamahalan?


Sinimulan ng baybayin ni miyagi ang napaka dilim na eskenita, mabuti na lamang at sanay siya sa medyo masukal at madilim kaya alam niya kung saan siya papunta. Napakatahimik nito kung tutuusin, ang tanging naririnig lamang ni miyagi ay ang yapak ng kanyang sapatos na nag bibigay ingay.

Tila nag eecho ito sa loob kaya kahit anong gawin niyang pag iingat na wag mahuli ay malalaman ng taong sinusundan niya na sinusundan niya ito.

Nang makarating na sa pinaka dead end, may kaliwa kanan na choices at hindi alam ni miyagi kung saan nag tungo si mito kaya napapakamot na tinignan niya ang daan pabalik.

"Pambihira! Bakit ba naman kasi nagawa ko pang sumunod dito e?" Singhal ni miyagi sa sarili, Wala tuloy nagawa si miyagi kundi ang kumaliwa at doon nag simulang maglakad, nagbabakasali din na baka dito dumaan si mito.

"Wag lang sana ako makatagpo ng mga kaaway dito, baka masira lang lalo ang araw ko pag nagkataon." Bulong na anas ni miyagi, patuloy na binagtas ni miyagi ang madilim na daan habang nakaalerto sa maaaring mangyari sakanya.


Ilang minutong paglalakad may naaninag si miyagi na ilaw mula sa dulo, marahil may mga taong tumatambay doon. Minabuti ni miyagi na hinaan ang paglalakad habang maingat na hinahakbang ang mga paa.


As much as possible ay hindi siya mag iingay bago makita ang nasa dulo nito. May dalawang banga ang nasa gilid, medyo malapit na rin naman ito kaya makikita niya na rin naman kung sino ang mga nandoon sa dulo.


Umupo si miyagi at sumilip upang tignan kung sino ang mga nag uusap at ganon nalang ang gulat ni miyagi ng makita niyang si sakuragi ito, mito at ang tatlong kaibigan nito. Seryoso ang mga itong nag uusap.


"Pinag hahanap ka parin sakuragi, hindi talaga tumitigil ang matandang iyon hanggat hindi nahahanap si aki." Deklarang saad ni mito na seryosong sinasabi ito kay sakuragi, tumingin si sakuragi kay mito bago tinignan ang bahaging tinataguan ni miyagi.


Agad na napatago si miyagi bago nagmumura ng paulit ulit sa isip nito.  Kilala naman siya ng mga ito subalit ayaw niya namang mangialam sa oras na makita nila ako dito.



"Isang buwan na ang nakakalipas, baka ngayon nasa ibang bansa na si aki kasama ang ina, pero bakit hinahanap ka parin ng tatay ni aki? Ano bang gusto niyang mangyari?" Naguguluhang tanong ni takamiya



"Baka paraan niya iyon para lumabas si aki, ako ang gagawin niyang bala para hindi na siyang mahirapan na hanapin si aki." Bulalas ni sakuragi na  agad naintindihan ng mga kasamahan nito. Hindi naman maitatanggi ni miyagi ang naging sagot ni sakuragi sa tanong ni takamiya dahil ganon din ang nakikita niyang dahilan kung bakit ganon nalang kapursige ang tatay ni aki na hanapin siya.




"Pambihira, kahit siguro makita ka man ng matandang iyon kung ayaw ni aki magpakita, hindi talaga iyon mag papakita. Isang buwan ba namang natiis na wala e, or baka may nahanap na ng iba." Anas ni noma na hindi naisip ang kahihinatnan sa mga nasabi.



"Tsk! Hindi naman siguro ganon iyon, ang nakikita ko na dahilan is baka nagtatago talaga siya sa ama niya. Akalain mong naging dahilan din iyon ng pagkalayo ni aki at nang ina. Iyon ang kwento ni rukawa samin 'nung nagkita kami." Saad ni ohkusu, tahimik lamang si sakuragi habang seryosong nakaduko ang ulo maya maya pa ay bumuntong hininga ito ng malalim



"Wala kabang balak lumabas mula sa pinag tataguan mo?" Nagulat ang apat sa biglaang pag sasalita ni sakuragi ng ganon. Napatingin din sa paligid ang mga ito subalit wala naman silang nakita.


Si miyagi namang nakasandal sa pader ay hingal na hingal dahil sa kabang nararamdaman. Napailing nalang siya bago tinulungan ang sariling umangat mula sa pagkakasandal.



Pagkatayo niya ay nanlalaki ang mata ng apat dahil totoong may nag tatago nga.


"Pambihirang pakiramdam yan sakuragi, kami nga hindi namin maramdaman kahit na aware kami sa paligid namin." Bulalas ni takamiya


"Anong ginagawa mo dito miyagi?" Tanong ni mito


"Tinawag kita kanina nang makita kita kitang tumatakbo ng mabilis papunta dito sa eskenita. Na curious ako kaya sinundan kita, tsaka hindi ko naman akalain na nandito pala si sakuragi. Pasensya na rin kung napakinggan ko ang mga napag usapan niyo kanina." Paumanhin ni miyagi bago lumapit sa pwesto ng limang nakaupo.



"Si mitsui? Nasaan?" Tanong ni sakuragi sa malamig na tono



"Nasa shohoku, bumalik lang siya nung isang buwan pa. Mas naging bossy." Pag sagot ni miyagi sa naging tanong ni sakuragi


"Bakit?" Tanong muli ni miyagi


"Hindi pa ako tapos sa taong iyon. May malaki pa iyong utang na dapat bayaran." Giit ni sakuragi sa nagngingit ngit na galit habang sinasabi iyon.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now