chapter 130

99 12 7
                                    


Continuation....

"Hindi niyo po alam kung gaano sakin kahirap 'nung namatay si papa na wala man lang akong nagawa para sakanya. Pag naiisip ko ang araw na iyon, sinisisi ko palagi ang sarili ko dahil hindi ko siya agad nadala sa hospital." Punong puno ng paghihinagpis ni sakuragi sa kanyang sarili ng maalala na naman ang nangyari, 'nang atakehin sa puso ang kanyang ama subalit hindi na nagkaroon ng pagkakataon na maidala ito sa hospital dahil sa pang tatambang sakanya ng mga nakaaway niya.


"Naiintindihan ko iyang nararamdaman mo apo ko, dahil kahit ako sinisi ko rin ang sarili kung bakit hinayaan kong kontrolin ako ng galit ko para sa ama mo. Hanggang ngayo'y dala dala ko parin ang pag sisising iyon." Tugon naman ni don fermin, kahit na straight face ang mukha nito at walang nababakas na emosyon, alam na alam ni sakuragi na sa kaloob looban nito'y nahihirapan din ito.


"Lo?" Pagtawag ni sakuragi sa kanyang lolo na nagulat pa dahil sa biglaang pagtawag ni sakuragi sa kanya ng lolo.


"Yes apo?" Tanong ni don fermin na halatang halata ang saya sa boses nito.



"Anong plano mo? Bakit mo ako ngayon hinanap?" Tanong ni sakuragi sa seryosong boses


Bumuntong hininga ng malalim si don fermin bago tumingin kay sakuragi ng seryoso.


"Matanda na ako apo, at dahil nag iisa kang anak ni nejie sago ko ipamamana ang lahat ng ari arian na meron ako. Pero bago mo makuha ang bagay na iyon--." Umiling si sakuragi sa gusto ng lolo


"Lo, alam kong malapit kanang mamatay, pero hindi naman porket ganon ang mangyayari is mamanduhan niyo na ako sa gusto ko. Kaya kong mabuhay ng mag isa, ang yaman na meron kayo, kaya ko rin namang pag sikapang makuha yan e." Anas ni sakuragi, napangisi ang lolo ni sakuragi at pagkuwa'y napangiwi.



'may pagkamagaspang rin pala ang ugali ng kanyang apo.' saad ni don fermin sakanyang sariling isipan.


"Lo, alam ko mahihirapan ka sa ugali na meron ako. Lumaki akong naging basagulero, hindi madali para sakin baguhin ang lahat.. gusto ko lang po sana, na nandyan parin kayo sa oras na maisipan ko na baguhin ang sarili ko. Lo, ang kasintahan ko... Buntis ho, magkaka apo na po kayo." Nanlalaki ang mata ni don fermin sa narinig at dali daling ipinukpok ang baton sa ulo ng kanyang apo dahilan para mapaaray ito sa sakit.


"Aba't tarantadong to! Ang bata bata mo pa nakadisgrasya kana agad!?" Gulat na saad, hawak pa nito ang dibdib na tila inatake sa puso kaya napapakamot sa ulo si sakuragi na may kiming ngiti.


"Lo, ayaw mo ba non? Hanggat buhay ka, masisilayan mo ang anak ko.." pagbibirong saad ni sakuragi sa kanyang lolo. Aambahin na naman sana ito ni don fermin ng batok sa ulo subalit mabilis na itong nakaiwas.



"Siraulo ka talaga, gusto mo na ba akong mamatay na bata ka? Kakakita palang nating dalawa, sakit na saulo iyang sinasabi mo." Saad ni lolo fermin


"Sorry na lo, tsaka salamat sa pag tulong sakin doon. Init kasi 'nang ulo ng tatay ni aki sakin e. Hindi daw ako karapat dapat sa anak niya, wala naman akong masabi sa bagay na iyon dahil totoo naman e. Bata pa kami at hindi pa nga nakakapag tapos ng pag aaral." Malungkot na panayam ni sakuragi


Bumuntong hininga si don fermin bago tinap sa balikat si sakuragi bago bahagyang ngumiti sa apo.


"Nandito na ako ngayon apo, wala ng taong mang aapi sayo at mang mamaliit sayo dahil tutulungan kitang magbago. Gawin mong maging better version of yourself apo, at si lolo na ang bahala sa bagay na iyan." Saad ni lolo fermin sa apo

Sa pagkakataong iyon, doon lamang naintindihan ni sakuragi ang pakiramdam na may masasandalan sa oras na hinang hina siya. May taong handa siyang damayan kahit na sobrang laki na ng problema niya. Sa mga kaibigan din na tumulong sakanya para mabago ng tuluyan ang buhay niya. Hinding hindi niya iyon makakalimutan.

'

After 5 month, sa mansyon ni don fermin doon na nanirahan si sakuragi,  At sa mga araw na lumipas, unti unting nabago ang pananaw ni sakuragi sakanyang buhay at sarili, ang dating pag uugali ay binago niya na at maging ang dating kanyang naging gawain noon ay sinusubukan niyang alisin.


At gaya nga ng pakiusap ni sakuragi sa kanyang lolo, tumutulong siya sa kanilang bukirin na pag aari nila, halos na sa isang daang katao ang mga nag tatrabaho para sakanila at ang nais ni sakuragi ay gawin iyon ng walang reklamo kapalit ng pag tulong ng kanyang lolo sakanya.


Sa limang buwang iyon, nakilala niya ang mga masasabi niyang bagong kakilala.. si hajime, sokomo, jun at sachi..


Sila ang mga anak ng trabahador nila ng kanyang lolo, hindi rin alam ng mga taong naninirahan at nagtatrabaho doon na apo siya ni don fermin hanamichi gregory sr. At ang pagpapakilala lamang sakanya ay isang scholar ni don fermin, bukod sa pag tatrabaho ay nag aaral na din si sakuragi sa ōsaka university.


"Sakuragi, paki kuha nga iyon. Tutal nakapag pahinga ka naman na diba?" Utos ni jun kay sakuragi, si jun ang nang bubully kay sakuragi dahil kay sachi na may gusto kay sakuragi.


"Hindi mo ba alam na may kanya kanya tayong trabaho na iniatang? Bakit mo sakin ipapagawa iyan?" Balik na sabi ni sakuragi, nagpupunas ito ng pawis sakanyang mukha at leeg.


Nainis naman si jun sa inasta ni sakuragi at agad na kwenilyuhan ito dahilan para mahila patayo si sakuragi sa pagkakaupo.


"Aba't tumatapang kana ah! Ipapaalala ko lang sayo, kilala ko ang may ari nito.. lolo ko iyon, baka gusto mong ipatanggal kita sa trabaho mo at hindi kana makapag angas sakin dyan." Gustong matawa ni sakuragi sa pagki'claim nito na ito raw ang apo ni don fermin.

Kung alam lamang nito na ang kausap niya mismo ang totoong may ari at apo ng tinutukoy niyang lolo baka maihi ito sa kinatatayuan niya.


Umiling na lamang si sakuragi bago inalis ang pagkakahawak nito sakanyang damit. Ang kamay ni jun ay madumi kaya bumakat sa damit ni sakuragi ang duming iyon.


"Susunod ka rin naman pala, ang dami mo pang sinasabi." Maangas na sabi nito, pero imbes na dumeretso si sakuragi sa tinurong sako sakong palay, tumungo siya sa machine kung saan gini'grill nito ang ilang dahong palay.


"Aba't--." Hindi na natuloy ni jun ang paglapit kay sakuragi ng harangin na siya ng dalawa niyang kaibigan na si hajime at sokomo.


"Tol, ano ka ba naman.. alam mo namang pari parihas lang tayong nagtatrabaho dito. Wala namang ginagawang masama sayo si sakuragi, bakit mo ba pinag iinitan dyan?" Tanong ni sokomo kay jun

Masama parin ang tingin nito kay sakuragi, mas lalong sumama ang timpla ng makita niyang lumapit si sachi kay sakuragi na may dalang tubig. Na napansin naman ng dalawa kaya naiiling na napangisi ang mga ito.


"Oh! Kaya naman pala laging pinag iinitan si sakuragi, lumalapit si sachi kay sakuragi na long time crush niya." Ngising pang aasar ni hajime

Inis namang napatingin sakanya si jun bago muling tumingin sa direksyon ni sakuragi


"Manahimik ka nga dyan.. naiinis lang ako dahil kabago bago palang, ang angas na.. akala niya naman siya ang may ari ng palayang ito." Giit ni jun sa naiinis paring tono


"Paano kung siya nga? May magagawa ka ba?" Tanong ni sokomo, natigilan si jun at pagkuwa'y napatsk nalang.


"As if naman.. sa itsura niyan? Mukhang mayaman? I don't think so.." giit ni jun bago tumalikod pero bago iyon tinignan niya muna si sakuragi at sachi..



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon