Chapter 30

285 28 7
                                    

Muling nag patuloy ang laban ng shohoku at okaido team, kahit ilang minuto palang ang nakakalipas ay tila pagod na pagod na silang lahat. May natitira pang apat na minuto para sa pagtatapos ng first quarter, lima ang lamang okaido team sa shohoku at lahat ng iyon ay dahil sa pag pupursige ni sakuragi na lamangan ang shohoku.






Hawak na ng shohoku ang bola at ipinapasok na muli ito ni miyagi, agad nito iyong ipinasa kay shin na binabantayan ni kazuko kaya buong atensyon at pag dedepensa ang ginawa ni kazuko para hindi lamang makatakas si shin sa pag babantay niya.






"Ang tibay ng mga depensa niyo, halos maubos na ang 30 segundo bago namin mairelease ang bola." Saad ni shin na pilit inaatake ang mahigpit na depensa ni kazuko.






"Sa dami naming pinag daanang hirap at ensayo, hindi lang pag dedepensa ang kaya naming ipakita sainyo." Saad ni kazuko na wala namang intensyong ipag yabang ang mga nagawa ng buong okaido team.






"Hindi lang naman kayo ang nag ensayo, halos kami hindi na umuwi para lang makagawa kami ng pani bagong moves na makapag papatalo sa kahit na sinong team." Saad ni shin na mabilis na umikot pakanan na biglang pepreno,  at muling iikot pakaliwa dahilan para malito si kazuko sa pagoopensang ginagawa nito.






Nang makatakas nga si shin mula sa pagbabantay ni kazuko, akala nito ay safe na dahil wala ng nagbabantay sakanya ngunit ganon nalang ang pagkagulat ni shin ng bigla siyang harangan ni sakuragi na ngayon ay isang center.






'What the!! Paano siya nakarating dito ng ganon kabilis? halos kanina ay mahigpit din siyang binabantayan ni mitsui ah.' Saad ni shin na napapreno pa sa pagkabigla.





"Ipasa mo dito shin," sigaw ni akagi na ginawa naman ni shin, agad nitong ipinatalbog papasa kay akagi ang bola.






nang makuha ni akagi ang bola ay agad itong tumalon para sa gagawin nitong dunk. Ngunit mabilis lamang itong tumilapon palayo dahil mataas din na tumalon si sakuragi dahilan para maiblock nito ang tira ni akagi.






"Woaaah! Sunod sunod na ang nangyayaring maganda para sa team okaido ah!" Saad ng manunuod






"Oo nga e. At dahil iyon kay hanamichi sakuragi na hindi ko akalain na may itinatago pala na galing." Saad din ng isa pang manunuod na punong puno ng paghanga para kay sakuragi.






narinig iyon ng buong shoyo team na napapalunok ng sarili nilang mga laway, dahil kahit sila ay tila nawala ang lakas ng loob upang magyabang sa kakayahan nila dahil sa ipinapakitang galing ni sakuragi ngayon.






"Napaka bilis niya na talagang gumalaw kahit noon pa, pero hindi ko akalain na may ibibilis pa siya. Ano pa ba ang kakayahan na meron ka hanamichi sakuragi?" Saad  ni kenji fujima na palihim na napapakuyom ng kamao dahil sa kasabikan na makalaban si sakuragi.





sa kabilang dako naman kung na saan ang mga ryonan, halos lahat sila ay may mga nakaawang na labi at halos pari parihas ang mga nakapinta sa kani kanilang mukha.





"Putek! Halos hindi ko na namalayan na pigil na pigil ko na pala ang aking paghinga dahil sa ipinamalas ni sakuragi." Lumunok at nanlalaki paring matang saad ni ikegami




"Napakahusay na halos hindi ko maimagine na may isang tao na kagaya niya, halos siya na ang gumawa ng lahat para lamang mapigilan ang bawat atakeng gagawin ng shohoku e." Saad ni sendoh na nakangiti na, katulad din ng nararamdaman ni fujima ay sabik na sabik na rin itong makalaban si sakuragi.





"Sinabi mo pa captain, naalala ko pa nga iyong harap harapan niyang pag three point kay mitsui e. Na dati rati naman ay hirap na hirap pa siyang maishoot ang easy lay up, pero ngayon napakalayo ng tres pero naipasok niya parin." Saad ni koshino na hindi maitatanggi na humahanga na siya ngayon para kay sakuragi na bilang isang manlalaro din.






"May nasesense ako na hindi pa yan ang buong kakayahan ni hanamichi sakuragi, baka magulat nalang tayo na may panibago na namang itong ilalabas na moves." Saad ni fukuda na sinisimulan ng pag aralan ang bawat galaw ni sakuragi.





"Tama ka fukuda, naisip ko rin ang bagay na yan ng mapansin ko ang sunod sunod na galaw ni sakuragi.  Na halos parang hindi nauubusan ng moves, lagi siyang nakakagawa ng paraan para makabawi pabalik ng walang kahirap hirap." Sang ayon ni sendoh na muling inalala ang mga nagawang moves ni sakuragi.





"Isa lang ang ibig sabihin ng mga naobserbahan niyo mula kay sakuragi, HINDI na siya basta basta na manlalaro lang ngayon, dahil sa oras na nakatapak na siya sa loob ng court wala na ni isang makakapag patigil sakanya kundi ang sarili niya nalang." Saad ni ikegami na nagbigay kilabot sa buong ryonan team.




'Mukhang totoo ka sa sinabi mo ikegami, hindi na siya basta basta ngayon.' Saad ni sendoh Sa kanyang isipan





Mabalik sa loob ng court, nang maiblock nga ni sakuragi ang tira ni akagi na gulat na gulat sa ginawa ng huli, agad itong isinalo ni captain tetsu at mabilis na tumakbo patungo sa ring nila sabay gumawa ng isang easy lay up.





22-15 na ang score at muling naging pito ang lamang ng okaido team, napahiyaw ang lahat sa nangyari at halos lahat ng mga nanunuod na against sa okaido nung una ay ngayon nag checheer na para sa kanila. Isinisigaw non ay ang pangalan ni sakuragi, halos ramdam ng mga manlalaro at nila aki ang pag echo at pag vibrate ng kanilang pwesto dahil sa ingay ng mga tao, isama mo pa ang may kasama pang pag kalampag ng kani kanilang paa.





Sinenyasan na sila ng MC na tumigil dahil baka magkaproblema bigla dala ng madaming tao nga ang nanunuod. .





"ibang klase mas madami na yata ang umiidolo kay sakuragi kesa sakin e." Saad ni kyota na napapatingin pa sa buong paligid habang nangingilabutan dala ng hindi maipaliwanag na tuwa dahil idinideklara niya na si sakuragi bilang isang maituturing niya ng karibal sa paglalaro ng basketball.





"Sa oras ng ating paghaharap sakuragi, sisiguraduhin ko na matatalo kita." Punong puno ng determinasyong saad ni kyota na kinangisi naman ng mga kasamahan niya.





"kung ganon seryosohin mo ang pagpapractice mo. Hindi iyong maglalahad ka ng mga salitang yan sa harapan namin, tapos wala ka parin namang napapatunayan." Saad ni maki na binatukan pa si kyota.





"chill ka lang captain, katulad niyo nag susumikap din naman ako at patago rin naman akong nag eensayo kaya malalaman din natin yan sa oras na magkaharap harap ang team okaido at kainan." Saad  ni kyota na kinatahimik naman ng lahat ng kateammates niya. Napangisi naman si maki sabay tingin kay jin na napakibit balikat nalang.






Muling nanuod ang mga ito at tanging si sakuragi lamang ang sinusubaybayan nila, bawat kilos nito ay  pinag aaralan na nila upang alam na nila kung ano ang gagawin nila sa oras na makaharap na nila ito.




hawak na ng team shohoku ang bola, na kay mitsui na naman ito kaya agad na nag abang sila sakuragi sa pwede nitong gawin. Nang mapansin ng lahat ang pagbabago ng dribbling nito, katulad lang din ng ginawa ni sakuragi noong una.




"changing of pace!" Saad ni maki




"mukhang may binabalak siyang gagawin." Saad ni jin




hanggang sa mabilis na nawala sa paningin ni sakuragi si mitsui na sobrang ikinagulat nito. Muling sinundan ito ni sakuragi kaya hindi tumigil si mitsui sa pag atake, nang nasa kalagitnaan na siya akala ni tetsu ishoshoot nito ang bola, yun pala ay ipinasa nito iyon kay kyoushi na kinagulat nila miyagi.





'Nakakagulat at pinasa niya ang bola?' saad  ni miyagi sa kanyang isipan.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon