chapter 4

364 36 10
                                    

"Iyong totoo anong ginagawa mo dito?" Tila nag titimping tanong ni sakuragi kay rukawa na prenteng nakaupo na sa sofa.

Hindi malaman ni sakuragi ang rason nito kung bakit sumusunod ito sakanya hanggang sa makauwi siya.

Hindi naman ako nito pinansin kaya napailing nalang akong tumungo sa kusina ng aking bahay. Maya maya pa ay narinig ko ang ingay sa sala, ang kolokoy nanunuod na sa tv ng hindi man lang nag papaalam sakin.

"Feel na feel mo ang pakikialam no?" Sarcastic na saad ko. Inirapan lang ako nito at nanuod na, napabuga nalang ako ng hangin bago napakibit balikat.

Wala na akong choice kundi lutuan na rin ito ng makakain pang gabihan.

Makalipas ang ilang minuto, walang nag iimikan sa aming dalawa kahit na nakalapag na sa harapan namin ang pagkain, pero pansin ko naman ang panaka naka nitong titig sakin kaya napakunot noo ako. Ano? Nabakla na ba siya at titig siya ng titig sakin?

"Magsasalita ka o sisipain kita palabas ng bahay ko." Inis na saad ni sakuragi bago hinarap si rukawa.

"ang ingay mo talaga, wala nga akong rason kung bakit nandito ako ngayon. Namamasyal ako hanggang sa maligaw." Akala mo naman mauuto mo ako sa palusot mong yan, sinong maliligaw sa maliit na lugar namin?

"tss. Dahil ba ito sa nangyari kanina?" Matabang ang boses na tanong ni sakuragi. Natigilan si rukawa at pagkaraan ay automatic na naging blangko ang expression nito.

"Wala akong alam sa pinag desisyunan na paalisin ka sa team. Nagulat din ako sa sinabi ni miyagi kanina." Hindi ako umimik pero pansin ko naman na nag sasabi siya ng totoo

"Oh! Ano naman iyon sayo? Bakit concern kaba sakin kaya ka nandito? Uyy rukawa, binakla ka na ba?" Napatayo ako ng batuhin ako nito ng unan. Siraulo talaga sumusubo ako ng kanin e.

"Gunggong. Mas gwapo naman ako sayo,  ang akin lang baka mawalan kami ng... power forward kong aalisin ka sa team. Tss." Napangisi ako at inasar pa ito lalo. Hindi naman ganito si rukawa e, bakit parang ang bait niya na ngayon sakin.

"Hindi naman ako aalis sa shohoku e. Napamahal na ako sa basketball at mas matagal ko kayong nakilala, kung aalis pa ako sasayangin ko ang pagkakataon na ibinigay sakin ni coach." Saad ni sakuragi.

"ang pinagtataka ko lang bakit lahat ng mga tao sa school masama ang tingin sakin? Maging si mitsui at miyagi ay nagbago na ang trato sakin?" Napaiwas ito nang tingin kaya hindi na ako nagtangkang mag tanong pa.

Maya maya pa ay tumayo ito mula sa kinauupuan

"sige aalis na ako, salamat sa gabihan." Napasinghap ako ng may mapansin.

"siraulo ka, pumunta ka lang ba dito para makikain?" Bulyaw ko na hinabol pa ito palabas pero ang loko kinawayan lang ako habang nakataliko at naglakad na palabas ng gate.

"kairita talaga ang lalaking iyon. Humanda sakin iyon bukas." Muling napabuntong hininga ng malalim si sakuragi bago muling inalala ang mga nangyari sakanya ngayong araw.

Mahirap para sakin na tanggapin na magmula ngayon magbabago na ang nakasanayan ko noon, kesa ngayon na halos lahat ng mga pinagkakatiwalaan ko ay may galit sakin. Sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko bukas sa oras na magkaharap harap na naman kami, pakiramdam ko tuloy hindi ako nabibilang sa kanila.

"Iyong tungkol naman sa offer ni aki sakin kanina, hindi ko alam kong anong sasabihin ko sakanya." Bulong na saad ni sakuragi sa sarili.

Maganda ang offer niya dahil tutulungan niya akong matuto sa pagbabasketball. Kaso iiwan ko ang shohoku dahil doon.

"hays! Bahala na.. basta gagawin ko nalang ang makakaya ko habang nasa team pa ako." Muling saad ni sakuragi sa sarili bago napag desisyunang magsarado ng pintuan at bintana, maaga na itong magpapahinga para may lakas siya kinabukasan.

-KINABUKASAN

wala pa man siya sa labas ng bahay nila pero labis na ang kalabog ng kanyang puso sa kaba, may kung ano akong nararamdaman na masama sa oras na pumasok ako ngayon. Mukhang tuluyan na ngang magbabago ang buhay ko.

pagkalabas niya ng bahay niya ay agad naman niyang nakita si mito na kasama ang barkada. Ang nakakapagtaka lang dahil hindi rin siya pinansin ng mga ito, nagkakatuwaan ang mga ito.

ipinilig nalang ni sakuragi ang ulo para maalis ang kakaiba niyang iniisip. Nagsimula na siyang maglakad, ang bawat hakbang na ginagawa niya ay mabigat at walang kabuhay buhay.

"Good morning sakuragi?" Bungad na bati ni aki, bahagya pa siyang nagulat dito bago tumango at hinila si aki sa kabilang side upang hindi ito mahagip ng mga sasakyan na dumadaan.

"salamat sakuragi." Nakangiting sabi ko

"Wala kabang pasok aki? Bat nandito ka na naman?" Tanong ni sakuragi

"ah. Wala naman, gusto lang kitang samahan. Naipaalam na rin pala kita kay daddy and guess what? Pumayag siya na maging coach mo." Nabigla si sakuragi sa narinig, muli na naman niyang naalala ang mga pinag practisan niya kagabi para sa sasabihin niya kay aki.

" a-aki, s-salamat. Pero kasi... hindi talaga ako aalis ng shohoku." Hirap na sabi ni sakuragi. Ngumiti lang si aki  na parang wala lang sakanya ang sinabi ni sakuragi

" diba nga sabi ko sayo? Wag mong madaliin ang pag dedesisyon. Nakahanda naman akong mag hintay sayo, actually hindi na ganon katagal pa ang hihintayin ko para mapapayag ka." Makahulugang saad nito na siyang nakapag pagulo kay sakuragi

"Ano ibig mong sabihin aki?" Tanong ni sakuragi

"wala wala. Nag bibiro lang ako... uyy ilag." Sabay hila nito sakin ng buong pwersahan dahilan para mapunta kay aki ang buong bigat niya. Sabay silang matutumba kaya agad na pinulupot ni sakuragi ang kamay sa bewang at ilalim ng ulo ni aki at mabilis na  inikot ang pwesto nilang dalawa.

Kaya ng bumagsak silang dalawa ay si sakuragi na ang dinadaganan ni aki. Nakahawak parin si sakuragi sa ulo nito bilang suporta. Napansin ni aki na nakapikit parin si sakuragi.

"Ayos ka lang ba sakuragi?" Nag aalalang tanong ni aki dito

"A-hh oo, ayos lang ako." Sagot ni sakuragi pero nakangiwi naman.

"Masakit ba likod mo?" Dali daling umalis sa pagkakahiga si aki at inalalayan si sakuragi na makatayo rin ng maayos.

"hindi ayos lang ako aki. Hindi naman masakit." Natamaan kasi ng bato ang kanyang likod kaya medyo masakit sa bandang itaas.

"Kaya mo pa ba? O dadalhin na kita hospital?" Tanong muli ni aki kay sakuragi, pero tanging iling nalang ang isinagot ni sakuragi kay aki kaya kahit nag aalala si aki para kay sakuragi ay hindi niya na lamang ito kinulit pa.

Malapit na kami sa shohoku gate ng makasalubong namin ang buong team shohoku, napatingin sila kay sakuragi at kay aki na magkasama bago naglakad paalis.

"Hirap naman nito?" Bulong na saad ni sakuragi ngunit narinig naman ito ni aki

"Ayos lang yan sakuragi, nandito naman ako para sayo. Hindi kita papabayaan." Nakangiting matamis na sabi naman ni aki, narinig iyon ni mitsui na kakadaan palang.

"Ang swerte naman sakuragi, halos lahat napupunta na sayo ah?" Sarcastic na pahayag ni mitsui sabay tingin kay aki

"tumigil kana mitsui, walang ginagawa sayo si sakuragi." Napatingin si sakuragi kay aki ng tawagin nito si mitsui sa pangalan.

"magkakilala kayong dalawa?" Tanong ni sakuragi kay aki, nagulat naman si aki at napaiwas ng tingin sakanya.

"Oo, kilalang kilala namin ang isa't isa. Girlfriend ko yan e."


[Author note: sorry for the lame update🥺🙏]

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now