chapter 84

109 10 2
                                    

Nang makalabas nga silang lahat ay agad silang tumungo sa may parking area kung saan may mga bench na tanaw rin ang harden sa ibaba, doon nila balak na kausapin si sakuragi ng seryoso, ramdam din ni ayako ang kaba dahil alam niya sa sariling hindi magugustuhan ni sakuragi ang ipapakiusap namin sakanya.

"Ano bang dahilan at gusto niyo akong makausap?" Tanong ni sakuragi ng hindi na nagpaligoy ligoy pa, humarap siya sa mga dating myembro ng seryoso ang expression.


"A-ang galing mo kanina sa laban sakuragi, goodluck sa laban niyo mamaya." Anas ni ayako ng walang mag salita at sumagot sa tanong ni sakuragi.


"Salamat. Yun lang ba ang sasabihin niyo? Kung ganon pwede na ba akong umalis?" Saad ni sakuragi na tila naaalibadbaran na kasama ang mga ito. Napansin iyon ng ilan kaya mas lalo lamang silang kinabahan.


"Bat ganyan kana sakuragi? Dati naman ay nakakausap ka pa ng maayos?" Napatingin si sakuragi sa nag sabi non sakanya, kay akagi na seryosong nakatingin din dito.

pagak na natawa si sakuragi bago napailing


"Seryoso kaba sa tanong mo? Dapat alam mo na ang sagot sa mga yan dahil kayo rin naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Wag niyong itanong ang isang bagay na obvious naman." Giit ni sakuragi habang ngitngit na ngitngit ang ipin sa inis.


"Humingi na kami ng tawad sayo ngunit kapatawaran mo nalang ang gusto naming matanggap mula sayo." Saad ni miyagi, pinag taasan siya ng kilay ni sakuragi.


"Kapatawaran ko? O sige, pinapatawad ko na kayo." Sagot ni sakuragi na walang kaamor amor, tinignan niya rin ng blangko ang mga dating myembro.


"Hindi mo naman kailangang pilitin kung hindi mo pa naman talaga gustong mapatawad kami, ang gusto lang namin is unti unti ay mapatawad mo kami sa nagawa namin sayo." Saad ni kogure


"Hindi madali ang gusto niyong ipagawa sakin, kahit hindi labag sa kalooban ko na patawarin kayo, kahit kailan hinding hindi ko makakalimutan ang mga nagawa niyong pag mamaliit sakin noon." Anas ni sakuragi sa mga ito, napaiwas ng tingin si akagi at miyagi, samantalang si mitsui na nasa di kalayuan ay narinig ang sinabi ni sakuragi.



"Ano ba talaga dahilan kung bakit gusto niyo akong makausap?" Pabuntong hiningang tanong ni sakuragi, halatang nauubusan na siya ng pasensya sa kausap.


Walang nakapag salita sa mga ito kaya lalong nainis si sakuragi sa kanila.

"Nandito kami upang pakiusapan ka na sana bumalik kana ulit sa shohoku team." Anas ni mitsui na kinasinghap ng team shohoku, samantalang gulat na gulat namang nakaawang ang bibig ni sakuragi sa pagkagulat dahil sa narinig.


Napakunot ang noo nito hanggang sa natawa siya sa narinig mula sa sinabi ni mitsui.


" HAHAHA! ako? Balak niyong pabalikin sa team na nang maliit sakin? Ibang klase rin ang kakapalan ng mukha niyo no? Matapos niyong gawin sakin ang mga bagay na iyon tapos lalapit kayo sakin dahil may pakinabang na ako sainyo? Nasaan ang kahihiyan niyo para pakiusapan pa ako ng ganyan?" Asik ni sakuragi na galit na galit sa mga kaharap.


"hindi sa ganon sakuragi, gusto ka lang namin makausap sa mahinahong paraan at... nag babakasaling pumayag ka pa sa offer namin." Kastigong saad naman ni haruko


"Hindi. Kahit anong gawin niyong pakiusap sa akin hinding  hindi na ako babalik sa team niyo. Mapapatawad ko kayo pero hindi ako tanga para balikan pa ang team niyo." Asik na sagot ni sakuragi bago naglakad ng mabilis paalis sa harapan nila.. galit na galit ang mga mata nito kaya wala ng nagawa ang team shohoku ng makaalis ito.


"ano ba kasing pumasok sa utak mo mitsui at sinabi mo iyon sakanya?" Inis na saad ni akagi

"What? Diba iyon naman talaga iyong balak niyo nung umpisa palang kaya niyo siya kinausap?" Saad ni mitsui

"Oo, pero hindi sa ganitong paraan.. lalo mo lang pinakomplikado ang sitwasyon natin dahil sa ginawa mo." Inis na bulyaw ni miyagi.    "Ang tanga lang.." dagdag pa ni miyagi kaya napantig ang tenga ni mitsui sa narinig kaya galit siyang kwenilyuhan si  miyagi


"Wala kang karapatan sabihin sakin yan, dahil hindi lang naman ako ang may kagagawan kung bakit galit na galit siya satin ngayon." Asik ni mitsui sa pag mumukha ni miyagi


"Tumigil na nga kayong dalawa, wala na tayong magagawa nakapag desisyon na kami na ibabalik ulit natin si sakuragi sa team natin kahit na anong mangyari." Pursigidong saad ni haruko na kinataas naman ng kilay ni ayako.



'wala sa usapan natin na pipilitin natin siyang bumalik sa shohoku team haruko, baka pansarili mong desisyon yan kaya mo nasasabi ang mga iyan?' Anas ni ayako sa isipan.


Dumako naman tayo sa team okaido na nagpeprepare na sa sunod na laban sa second half, kapansin pansin ang walang ganang itsura ni sakuragi pagkapasok pa lamang sa inaakupahan nilang kwarto, hindi magawang lumapit ng iba sakanya para sana makiusisa, tanging si rukawa lamang ang nakakagawang lumapit dito.



"May problema ba?" Seryoso ang boses na tanong ni rukawa habang nakasandal sa locker, nakaupo kasi silang dalawa ni sakuragi sa sahig.


"Tsk. Hindi, naiinis ako sa ginagawa nila akagi at miyagi ngayon, napaka selfish nila." Gigil na sagot ni sakuragi


"anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ni rukawa


"Balak muli nila akong ibalik sa team nila, matapos ng ginawa nila sakin noon." Anas ni sakuragi na kinagulat naman ng husto ni rukawa, nablangko naman ang expression ni aki sa narinig.


"Anong sabi mo? Pumayag kaba sa alok nila?" Tanong ni rukawa na kinasinghal ni sakuragi


"Tss. Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Bat ako babalik sa team ng mga iyon, hindi ako tanga para gawin ang bagay na iyon." Inis paring sagot nito


"hulaan ko ikaw lang ang kailangan nila at hindi nila ako hinanap kanina," tila tunog nagtatampong saad ni rukawa na kinangiwi ni sakuragi


"Tss.. wag mong sabihing babalik ka sa shohoku?" Sarcastic na saad ni sakuragi sa kaibigan


" may sinabi ba ako? Tsaka ayaw ko naring bumalik doon, nandito ka kaya dapat nandito rin ako." Sabay ngisi ni rukawa, nandiri namang umirap si sakuragi sa huli bago bumuntong hininga ng malalim at naalala na naman ang nangyari sakanya kanina.



"manager? Ayos ka lang ba? Bat galit ka?" Tanong ni shintaro kay aki na nakatayo mula sa gilid ng pintuan.

Napatingin doon ang dalawa bago nagkatinginan sa isa't isa.

Nabalik naman sa maamong expression ang mukha ni aki bago umiling na ngumiti kay shintaro bilang sagot.


"Wala, medyo kinakabahan lang ako sa mangyayaring laban natin sa second half. Ilang minuto nalang kaya mag handa na kayo... at ako rin ay MAGHAHANDA na." May tila ibig ipahiwatig si aki sa huling salitang sinabi, naramdaman iyon ng dalawa ngunit hindi naman nila ito binigyan ng hinala bagkus ay nag handa na para laban, apat na minuto nalang ang natitira.




'tsk! Marahil may gagawing kakaiba ang haruko na iyon para makuha muli si sakuragi, tsk! Hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari.. nasa akin na si sakuragi kaya ilalaban ko ito.' Anas ni aki sa isipan

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now